Busy na busy ang layft ko nong isang linggo pagkatapos ng halos tatlong linggo kong pagbubuhay pensionada. Nagbakasyon dito sa lugar ng mga pasta at pizza ang pamilya ng amo ko sa lugar ng mga supot na sausage. Italiana si Samantha kaya naman pag umuuwi sya dito eh ginagawa nya lahat ng dapat gawin tulad ng pagpapamasahe..pagpapadoctor..pagpapacheck up ng ngipin..pagpapaayos ng buhok..at syempre ang paglalaspag ng salapi sa mga damit at sapatos. Kaya naman busy din ako sa pagbabantay ng mga bata habang wala sya.
Yan din ang rason kung bakit hindi ako updated sa mga nangyayari sa mga bahay bahay nyo. Sisihin nyo ang amo ko dahil dyan.
Busy din ako sa pagpa process ng natanggap kong magandang balita. Hindi din kasi basta basta ko matatanggap ang papel na nagpapatunay na legal na ako. Marami pa akong aayusin. Isa na don ang pagpunta ko sa Phil. Consulate ng lupang hinirang dito sa lugar ng mga pasta at pizza.
Hindi maganda ang naging resulta ng pagpunta ko sa Konsulato dito. Maraming nakakainis na pangyayari ang nakapag painit ng malamig kong pekpek ulo. Ayaw ko ng sabihin dito ang buong pangyayari pero ang masasabi ko lang sa kanila eh "MGA AROGANTE SILA". Kulang na lang eh sabihin sa akin na "katulong ka lang kaya wala kang karapatang mangatuwiran". Sabi nga ng amo ko nong nalaman ang kwento eh "wala silang naitulong sa pagpunta mo dito at wala din silang naitulong para ka magkaroon ng papel..bakit ngayon eh ganon sila"...Minsan kung sino pa yung dapat sana eh tutulong sayo sa labas ng bansa eh sila pa ang magpapahirap sayo.
Ngayong natanggap ko na ang inaasam ko kaya ako bumalik dito sa Italia eh nagplano na din ako ulit bumalik sa Germany para sa trabaho ko don. Aktuli hindi pa ako legal na legal...kung baga sa magdamag eh nasisilip pa lang ang sinag ng araw kaya hindi pa din ako makakasakay ng efleyn pabalik sa lugar ng mga supot na sausage.
Bukas eh babalik na ulit ako ng Germany. Masasabi kong medyo risky ang gagawin kong byahe bukas kesa nong pagpunta ko dito isang buwan na ang nakakalipas. Magtatatlong lipat ako ng train na aabutin ng 16 hours na byahe papunta sa syudad ng Hamburg. Kung sa bus kasi sakay pagdaan ng border eh safe kasi walang umaakyat na controller ng document pero pag sa train eh malaki ang posibilidad na may umakyat na controller. Ang problema ko eh hindi ako makakuha ng bus ticket galing dito kahit na online booking kasi hinahanapan ako ng document kaya napilitan akong mag train na walang hirap sa pagkuha ng ticket.
Again...goodluck sa sarili ko sa pakikipag kandirit sa mga pulis pangkalawakan.Yiiibah!
Naamoy ko na ang hanging amihan sa lupang hinirang...naamoy ko na ang puto bumbong...ang bibingka...ang simbang gabi...malapit na! Malapit na malapit na!
Simula nong kumandirit ako dito sa Milano eh hindi lumilipas ang isang linggo na hindi ako dumadalaw sa Doumo di Milano. May isang part ako na gustong gustong luhuran..hindi para tsumupa kundi para makipag kwentuhan sa Kanya.

Sya ang Madonna and Child.
Alam kong maraming pintor ang may guhit na Madonna and Child at may kanya kanya din silang interpretation. At halos lahat eh gusto ko. Siguro dahil sa isa akong babae at isa din akong ina kaya nagustuhan ko ito.
Sa dinami dami ko ng dalaw sa Madonna and Child sa loob ng Doumo eh nong isang linggo ko lang napansin ang kapansin pansin sana na bagay. Hindi ko tuloy alam ngayon kung talagang hindi lang ako talaga mahilig sa mga detalye ng isang bagay o engot lang talaga ang mata ko. kung burat siguro yun malamang kahit na kaliit liitang ugat eh alam ko ang detalye
*himasin para tumigas ang utong*
Masasabi ko ng ito ang pinaka gusto ko sa lahat ng nakita kong version ng Madonna and Child. Kuhang kuha yung pagiging isang ina ni Mama Mary dahil sa pagpapasuso nya kay Baby Jetut...hindi nya lang dala dala.
Sensya na hindi ko mahanap kung sino ang artist nya kaya hindi ko maitsismis sa inyo. Baydaweyhaywey sya na ang sinasabi kong suprizang kwento. Kung hindi kayo nasupriza eh suprizahin nyo ang sarili nyo...dali na..now na!