Wednesday, December 31, 2008

Unang araw ng EB..(EggBall)

Ang aking pagbabalik..................

Kahit na emo ako ngayon kasi wala akong kasama sa bagong taon pagod na ako eh pinipilit ko pa din ang sarili kong tapusin ang post na ito. Kadadating ko lang din kanina galing sa paglalakwatsa. Limang oras na train ride from Rome to Milan. Wala namang nagpipilit na magsulat ako..gusto ko lang talaga..walang pekeelemenen!

Sa wakas nagkita na din kami ng dalawang alagad ni blog kakulitan Fafa Jetut. Eto nga at masakit pa ang panghataw ko ng aso aking mga binti at hita sa grabeng paglalakwatsa sa Rome.

Una kaming nagkita ni Rev.Siopao nong Monday,Dec 29 bandang ala one ng hapon. Tandang tanda ko pa yun kasi nawindang ako sa meeting place namin...sabi nya sa may puno ng saging tapos biglang sa may mangga pala. Syempre hindi na ako nagulat at nagtaka kung bakit mukhang apo ni Yakisoba ang nakita kong kumakaway kasi magka fwendster na kami at nakita ko na ang sandamakmak nyang petyurs.

Syempre ulit tanghalian time nong nagkita kami sinadya ko kaya nagpakitang gilas ang Siopao at nagpatambling tambling sabay inilibre nya ako ng pizza ng madjong at icetea sa may malapit sa Vatican. Relak daw muna dapat kami nong hapon na yun sa pamamasyal kasi kailangan pa naming hintayin si Bro.Utoy na padating pa lang nong hapon na yun galing sa hulo ng Francia. At super relak kaming kumain outside..literal na sa labas kasi may mga lumilipad pang mga ibon sa taas ng ulo namin.Sarap kumain ng pizza under the ulap. At eto ang ibidins.....



After kumain nagsimula na kaming maglakad ng walang destinasyon..wala lang..yung tipong naglalakad kami habang nagpa plano kung susunduin pa ba namin si Utoy sa erport o hindi na..Hindi na talaga sana kasi una sabi ni Utoy may susundo na sa kanya. Padalawa..hindi namin sure ang oras ng dating ni Utoy sa erport. Patatlo medyo hapon na non. Pero kahit na hindi na namin balak sunduin naramdaman ko na lang na nasa Roma Central Station kami at naglalaro ng habulan. Pagkabili ng ticket eh ang natandaan ko na lang eh nag akyat baba kami sa hagdan...lakad takbo..pabalik balik sa maling platform ng train at ang muntik muntikan pang maiwan ng train. Ang saya! Ang nakakalungkot lang don eh nong mawala ang lock ng earing kong malaki...shet tinanggal ko ng wala pa sa panahon kesa naman isa lang ang nasa tenga ko...don pa naman ako kumukuha ng lakas!

Ang saya na naman pagdating namin sa erport..para naman kaming naglaro ng taguan pong! At sa awa ni batman pagkatapos naming mag lakad takbo ulit ng ilang minuto ay naka kiskisang pisngi din namin ang Utoy,dala dala ang kanyang praktisadong ngiti. At eto ang ibidins............
Bro.Utoy at si Father Bong,yung sumundo sa kanya...



Sabay sabay na kaming sumakay ng treno upang bumalik na ulit sa siyudad ng Roma. Pero humiwalay na din agad si Utoy kasi kasama nya yung pari na sumundo sa kanya. Para aliwin namin ni Siopao ang aming sarili sa pagkawala ni Utoy ay naglakad kami ng naglakad at naghanap ng Indian Resto at sa kasamaang palad kami ay napunta sa Intsik Resto (na naman). Pero ayos din,nakapag dessert pa kami ng "fried ice cream". At eto ang ibidins...........



Pagkakain ay hinatid muna ako syempre ni Padre sa bahay na tinutuluyan ko at naggalit galit muna kami. May bukas pa ulit...at kasama na naming mamamasyal si Utoy.

itutuloy..............................

Pahabol na Tsismis: Yang halfday na pagkakasama namin ni Padre eh naisingit pa namin ang magpa petyurs sa kung saan saan..pose kung pose..kahit na sa loob ng train station na pinagbabawal! At talagang hindi nya pinaghandaan kaya may dala na agad syang tripod!
Penge naman...
Growwwwl!
Richie ikaw ba yan???
Binibining Kampupot!



Thursday, December 25, 2008

Post Pasko-Pasko Post

Isang mabilisang pagbate pagbati ng belated Hapi Pasko sa lahat. At pasasalamat sa mga nagcomment sa aking post na pagiinarte at pasasalamat na din sa lahat ng bumati!

Masaya ang pasko ko kahit na malayo ako sa mga mahal ko sa buhay. Una kasi nakausap ko ang mga bata,kahit na medyo bangag kausap ang anak ko..kasi naabala ko sya sa paglalaro sa pc nong tumawag ako. Padalawa..kasi matataba malulusog ang aking buong pamilya kasama na ako. Patatlo...naramdaman ko na lab na lab ako ni Fafa Jetut at ang pang apat..................kausap at kasama ko si Tadew.

Sobrang saya..gusto ko sanang tumambling ng apat at kalahati sabay split ng flat na flat kaso lang may bisita ako sa room ko nong gabi na yun,nakakahiya naman at baka tumakbo palabas. Pinigil ko na lang...saka ko na lang gagawin yun pag alis nya,hihihi

Hindi muna ako magpaparamdam ng ilang araw. Oo na alam kong di nyo ako mamimimiss pero magpapaalam na din ako at baka pagbalik ko eh may nakatirik ng burat kandila dito at maraming bulaklak. Dadalaw muna ako sa Unkol Bene ko sa Vatican at maglalakwatsa ng konti sa Rome...kasama na ang pagpapalibre sa McDo sa dalawang alagad ni blog Fafa Jetut.

So sexcited na din today kasi matatanggap ko na ang aking bagong baby
. Ihahada ko sya sa lakwatsahan ko ng ilang araw. Yabadooooo!


Tuesday, December 23, 2008

Unsent Letter

WARNING: Sobrang daming kamaisan ang makikita sa sulat na ito. Wag basahin kong hindi ka nagtatae!!!

Tadew...

Pinili kong hindi na lang isend sayo ang sulat na'to kasi masyadong madugo..alam kong tulad ko loaded ka din!

Last year ang isa sa mga pinaka dabest na taon ng buhay ko. Yun yung taon na nag experiment ako sa isang relasyon..sa isang bawal na relasyon...nadapa at tinulungan mong bumangon. Hindi ko naman naramdaman ang sakit non kasi nandyan ka lagi sa tabi ko...para kang betadine at band aid sa buhay ko!

Nadevelop yung pagkakaibigan na yun sa mas malalim na relasyon. Naging lagi akong excited sa pagdating ng bukas. Naging madalas ang mga pagngiti. Naging para kang insekto na walang tigil na kumikiliti sa isip at puso ko. Naging masaya ang bawat araw kahit na sobrang toxic sa trabaho.

Ito din yung unang taon na nag celebrate ako ng pasko na may boyfriend ako. Hindi ko masyadong naisip yung lungkot at malayo ako sa pamilya ko kasi lunod ako ng pagmamahal mo. Kahit na hindi din tayo magkasama non..ramdam na ramdam ko naman na nasa tabi lang kita.

Dumaan pa ang mga araw..parang wala ng katapusan yung saya na yun..walang pinag aawayan..walang hindi napapagkasunduan. Puno ng saya at pagmamahal ang bawat araw kaya hindi ko na inisip na ang lahat ng bagay ay may katapusan. Isinagad ko na ang pagmamahal. Hindi ko na din inisip na tulad ka din ng iba na bigla akong iniiwan sa ere.

Hanggang isang araw nagising na lang akong....................yun na!

Naiintindihan kita sa mga reasons mo kung bakit nangyari ang mga bagay na'to. Mahirap kasi ang sitwasyon natin..marami pang bagay ang dapat unahin kesa ang intindihin ang kasiyahan ng sarili. Marami pang responsibilidad na dapat gampanan.

Nagpapasalamat pa din ako kasi nandyan ka pa din sa tabi ko. Wag mong kakalimutan na 24/7 akong nakasuporta sayo..para lang emergency ng hospital. Sa lahat ng nangyari nitong mga huling buwan, gusto kong parangalan ang hitad kong puso kasi hindi man lang nabawasan ang pagmamahal sayo.Kahit may mga bagay minsan o pangyayari na medyo nasasaktan ako at nakikita ko ang dapat makita ay hindi man lang natigatig yung pagmamahal na yun. Sa maniwala ka man at dapat talagang maniwala....mas nadagdagan pa at lalong lumalim.

Sabi mo nga...malay natin!

Bakit nga ba ako nagiinarte na naman ng ganito?

Naisip ko lang kasi bigla kong gaano ka empty ang lifebouy ko ngayon. Ngayon mag isa akong lumalaban ng pitik bulag sa agos ng buhay. Hindi ko pwedeng isipin na nasa likod kita kasi wala naman. Masarap lumaban kahit na mag isa basta alam mong may taong nakasuporta sa likod mo..kahit na sa totoo ay wala naman talaga syang magagawa. Para bang fans..walang nagagawa sa laro pero nakakainspire para sa manlalaro pag nakikita nya at nararamdaman na madami sya non.

Nakakapagod mag isa pero kailangang kayanin...

How I wish na ang pasko ko ngayon ay katulad nong isang taon. Kausap ka!

Tama si Bob Ong...Hindi lungkot ang mahirap sa pagiisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon bilyong tao sa mundo
wala man lang nakipaglaban upang makasama ka!





Sunday, December 21, 2008

Xmen Xmas Parti!

Ininvite ako para sa Pasko Parti nong samahan ng mga taga bayan namin sa lalawigan ng kamangyanan. Hindi sana ako pupunta kasi kalahating porsyento ng tao don eh mga may award yatang Most Talkative nong grade 1 sila. Syempre isa ako sa mga habulin ng tsismosa kaya para iwas sa kanila mas mabuti ng hindi maki join sa mga pagtitipon nila.

Pero pasumandali ko munang hindi naisip ang mga paparazzi...maganda kasi yung venue nong parti kasi sa isang Intsik/Hapones Resto na eat all you can ang drama sa halagang 20 yulo. Pagkarinig ko don sa resto eh biglang dumaan sa utak ko ang daan daang sushi..mga nodols..mga deep fried foods..soup..mga seafoods..matatamis na makakain ko sa halagang 20 yulo.

Join ang masiba lowla at isinama ko si bakla kahit na hindi sya taga sa amin para may panangga ako sa mga matatalas at makakating dila.

Meron pa din kasing ilan na taga sa amin ang hindi nakakaalam na nakatuntong na pala ang isang hitad sa lugar ng mga pasta at pizza. Syempre pag arrive pa lang ng lowla may mga tanungan sagutan portion agad..di man lang inuna ang talent portion kainis! Di ko man lang tuloy naipakita ang mga tambling split at tsupa ekek kong alam.

Kumpare ni nanay: Uy parang kilala kita ineng..anak ka ni Mareng Fely ano?
Ako: Opo..matagal na po..wag nyo pong ipagsasabi at sikreto lang yun,hihi

Tawa lang sya..hindi man lang nakalaban!

Kaibigan ni Nanay: Kailan ka pa dito? Hindi ka man lang nagpapakita nandito ka na pala...
Ako: Eh baka po pagkaguluhan eh walang tinta yung ballpen ko!


Isang kakilala: May work ka na ba? Okay naman ba? Buti nakakatagal ka?
Ako: Ayos naman...may tyaga yung amo ko sa mga special child eh!


Isa pang kakilala: Uy payat ka yata ngayon ah...

Ako: Mahirap po kasi akong magbuntis ngayon eh...

Pero sa totoo lang nag enjoy ako kasi hindi ko sila sineryoso..ganon lang pala ang laban don.

Ayos ang kainan...sooooobrang busog ako. Talagang sinulit ko ultimo sentabos ng yulo na ibinayad ko.




After ng lafangan eh may mga kung ano ano pang kaanik anikan. May mga paraffle na nakitaya din naman ako..pero tulad ng tadhana ko sa pag ibig...talo hindi ako nabunot!

Isinali pa ako sa parang "Trip to Jerusalem" pero sa halip na upuan ang iikutan eh mga tulad kong talipandas babae na may nakaipit na empty plastic bote sa pagitan ng mga hita at isu syut ng mga lalaki ang finger nila sa pekpek butas ng bote pag tigil ng kanta. Nakakatigas ng tinggolNakakakaba din kahit papaano kasi baka sumala ang siyut ng finger. Ako ang natirang sisiyutan kaya may gift din sa akin..Ashtray! Tangina di ko naman na magagamit yun..pero salamat na din baka pwede kong pag ipunan ng kulangot yun.


At ito naman yung dalawang kontestant sa pabilisan na talong ang gamit na pang pagalaw don sa plastic plate...Di ko alam kong kambal sila o nagusap sa susuutin nila...bungga..boots kung boots!


Kahit na dalawang kanto lang ang layo nong resto sa bahay namin eh umuwi na din ako bago pa maghati ang katawan ko. Mas gugustuhin ko pang tumanga sa lappy at hintayin kong magpaparamdam ba si tadew kesa sa magpuyat ako. Pero pagdating sa bahay di naman din ako agad nakatulog kaya nagsarili nagbasa at nanood na lang ako at nangburaot kay Fr. Jhoen...naks formal parang naka barong lang!

Friday, December 19, 2008

konting Val d'Isere


5 days na lang at Pasko na...wala lang! Alam ko namang sa ayaw at sa gusto ko eh dadaan at dadaan yan eh..harangan man ng isandaang sibat..

At bago pa ako maging best baktress (baklang actress) dito eh ipapasyal ko na lang kayo sa Val d' Isere,France! Pumunta kami dyan last April kaya hindi na masyadong makapal ang mga balakubak sa lupa. Kahit trabaho ang ipinunta ko dyan eh nag enjoy naman ako kasi may time akong makapamili makapagfutamakapag ikot ikot.

Bale nag travel kami by kotse..6 hours galing dito sa Milan,Italy! Isang adventure yung pag punta ko dyan kasi nong time na yun eh wala akong legal visa dito. As in TNT parang tel company lang na nagkulang. So syempre Italia ito at Francia yun eh dadaan kami ng boarder..at sa bawat boarder syempre merong Immigration. Swertehan lang daw kasi ang huli sa boarder ng France kasi hindi sila mahigpit sa visa. Minsan walang officer..minsan naman meron.Lakasan lang ng utot loob yan dude. Malakas din pala ang loob ng amo ko..sabit din kasi sya don pag nahuli ako.

Sa awa naman ni Fafa Jetut nakabalik naman ako ng Italia ng hindi nakukulong..pero kada daan namin sa boarder eh parang sinisilihan ang tumbong ko..Tang ina!

Eto na...klik mo na lang yung petyurs para makita mo yung pagbagsak ng balakubak!










Wag mo ng itanong kung nasaan ako at ako yung maniniyot! Wala akong nauto at hindi ko binalak na manguto nong time yun para kodakan ako....

Ang gandang place..sikat sya sa mga nag e ski..Ang ganda ng mga bahay puro chalet style..kahit gas station nila eh parang chalet din..pati mukha ng tao puro chalet din.

Wala lang...masakit pa din ang ulo ko parang binibiyak samantalang ang biyak ko eh hindi naman parang inuulo..Bakit???

Thursday, December 18, 2008

sari saring okra

dyingul bels, dyingul bels puki ni sabel mapula..maputi tanggal ang mani..oi!

Isa yan sa mga kantang nauso sa mga kanto kanto nong wala pa akong bulbol bata pa ako tuwing pasko na di ko makakalimutan ang lyrics. Ngayon...di ko alam kung may lakas ako ng loob na ituro o iparinig sa mga anak ko. Pero cool davah??

Change Frequency.....

*insert the hymn of bayang magiliw here*

Ayaw ko ng magreklamo ng tungkol sa lungkot kasi wala ako sa tabi ng mga anak ko ngayong pasko. Ayaw ko ng magreklamo pag pagod ako sa maghapong trabaho. Ayaw ko ng magreklamo pag namimiss ko sya. Ayaw ko ng magreklamo pag nasisikipan ako sa tram. Ayaw ko ng magreklamo pag may naamoy akong mabaho. Ayaw ko ng magreklamo pag di ko nabibili ang gusto ko. Ayaw ko ng magreklamo pag taglibog ako may masakit sa katawan ko.

Kahit anong mangyari...Ayaw ko ng magreklamo!

Kung ilalagay mo lang sa puso mo at iisiping mabuti ang mga nagyayari sa kapaligiran...Wala tayong karapatang magreklamo kasi MAS marami pang tao ang higit pa sa ating problema ang nararanasan. Maswerte pa din ako...sisiw lang ang problema ko. Tigang lang ako

Nakakahiyang magreklamo kung tutuusin..dapat tayong magpasalamat sa kahit anong dumating sa buhay natin..

Kung ikaw ang nasa katayuan nila...ano ang iyong mararamdaman? Nakakahiyang magreklamo davah??


May natuklasan ako...hightech na din pala si Fafa Jetut



Tuesday, December 16, 2008

hilu..hilu..samwan is kuling!




After lunch everyday meron akong 2 hours break. Dito ko ginagawa ang pagtawag sa mga junakis ko thru Skype..panonood ng PinoyChannel..pagbabasa ng blog ng may blog at pag may oras pa eh pagsasarili pagidlip ng konti. Dito ko din na master ang pag mumulti tasking...habang kausap si nanay eh deretso pa din ang panonood/pakikinig sa palabas at sumisingit pa ng pagbabasa o kaya naman minsan eh pagbubunot ng balahibo sa kilikili..try nyong pagsabay sabayin yan ang sarap!

Pero kanina wala ako sa mood sa mga kung ano ano..hindi din kasi nagparamdam ang aking taga gawa ng mood si Tadew kaya humiga na lang ako sa malamig kong papag para magemote maidlip. Pero ayaw akong dalawin ng antok..para akong nakasinghot ng buhangin. Hindi pa din kasi mawala sa mata isip ko yung napanood ko sa I-Witness kagabi.

Tungkol ito sa isang institusyon na nagaalaga ng mga bata na
may deperensya o abnormal na inabandona na ng mga magulang. Nakakaawa..naging tubig na naman ang muta at kulangot ko tapos naglaro na naman sila ng walang tigil. Nakakadurog ng puso.

Bigla kong napag isip isip. Hindi kaya may "calling" ako sa paglilingkod? Aktuli hindi ko alam ang totoong kahulugan ng isang tawag..ang alam ko lang kaya kong igive up ang lahat para sa pagtulong sa mga nangangailangan..parang si tsupaman lang at si wenderwemen!

Kanina may nabuo akong isang plano sa adik kong utak. Kailangan pag tuntong ko ng 40 years old secure na ang futuah ng dalawang hitad. Kailangan apat pang iba't ibang bansa ang mapagtrabahuhan ko. Gusto ko kasi ang paiba iba ng place para nalalaman ko at naeexperience yung culture nila. Before 40 kailangan kong makita yung kaisa isang tao na pinakamamahal ko. At yang mga kailangan ko na yan eh pipilitin kong mangyari before 40..wag ka ng kumontra..plano pa nga lang eh!

At bakit before 40? Kasi after ng 40th burtdey ko..gusto ko ng mag serve as fulltime sa mga institutions na ganyan. Basta gusto kong maging instrument ako para makatulong sa iba..nararamdaman ko sa sarili ko na they need me. Siguro kong wala pa akong anak baka magpapari din ako. Feeling ko may vocation ako eh! Bakit pari? Ayaw kong mag madre walang burat lalaki don!

Pero siryusli speekeeng..Gusto ko yung mga ganyang toyota adventure. Madaling madurog ang puso ko pagdating sa mga bata. Kahit na hindi na ako makabili ng bagong pantalon basta may maitulong lang ako..owsss! Nararamdaman ko may calling ako...someone is calling!

Ayan na nga o tinatawag na ako ng amo ko...tangina tapos na pala ang dalawang oras kong break!

Sunday, December 14, 2008

sulit na pagfufutah!

Ilang araw akong nawala..ilang araw akong nanahimik..hindi nakapag sulat..hindi nakatawag sa pinas..hindi nakapanood ng pinoychannel...hindi nakabati ng hapi burtday mudra...nakakalungkot davah? Ang reason eh kasi nagfutah ako sa bundok!

Kung pagka camping ang nasa isip nyo mali ka don...tae yun!

Sa ngalan ng pinakamamahal kong yulo,tinanggap ko ang alok ng amo ko na magfutah mag extra work ng weekend sa bahay ng brodah nya sa taas ng bundok sa isang probinsya dito sa Italia...may gaganapin kasi silang Krismas Parti ng pamilya don. Aba sayang din kasi..kesa magpabuka bukaka lang ako dito sa bahay walang papasok na yulo sa pwet wallet ko.

Umalis kami ng friday ng hapon at kababalik lang namin ngayong gabi.

May katulong naman don yung brodah nya na isang Africana..si Hewitt..kaso lang minsan kasi may pagka pakialamera ako kaya nakikialam din ako sa kusina kahit hindi naman inuutos ng amo ko.

Pagala gala lang kasi si Otis sa loob ng bahay kaya kesa sa aninuhan tangahan ko sya eh tumutulong ako sa kusina. Alalay alipin ako ni Hewitt don..daig pa sya ng amo ko kung makautos sa akin. Ang trabaho ko don eh katulong nya sa pag gagayat ng mga kung ano anong lahok sa lulutuin nya...taga hugas ng mga malalaking serving plate at mga kaldero at kawali..ang bungga ko davah?? Yung mga palto,kutsilyo,tinidor,kutsara at baso si pareng dishwasher na ang bahala don. Katulong din nya ako sa pag aayos ng table. At ako din ang inuutusan nya sa paglalabas ng food sa table..parang hostess lang! Minsan tinatawag din nya ako para tulungan syang magsampay ng mga damit na nilabhan nya.

Di na ako nagrereklamo..baka kasi gusto nyang maglaro ng alipin alipinan at sya ang reyna ako ang aliping timawa. Tsaka baka di nya pa nararanasang magutos kaya nag eenjoy sya sa laro namin. Pero inferness sobrang bait nyan ni Hewitt...may access ako sa lahat ng food na nasa kusina kaya di ako nagugutom. At isa pang tsaka kaya okay lang sa akin na utusan nya ako..kawawa sya dami nyang work eh limang buwang buntis pa sya. At isa pa uling tsaka...mas maputi naman ako sa kanya ng konting konti at tuwid naman ang buhok ko kaya okay lang na maging alipin nya ako.

Marami akong natutunan sa kanya kahit hindi kami madalas na nagkakaintindihan. Konting konti lang kasi ang alam kong italian sya naman konti lang ang alam sa wikang ingles. Pero kahit ganon ang situation nakakapag tsismisan pa kami at nakakapag tawanan. Isipin mo na lang kung papaano kami nakakapag usap at hindi ko din maikwento.

Sa kanya ko natutunan kong papaano tumikim ng pagkaing niluluto. Nilalagay nya sa palad nya..mapasabaw o kahit ano..sabay himod tapos punas sa tagilidan ng damit nya..cute no? Sya din nag turo sa akin kung papaano gumanda ang buhok. Tinanong kasi nya ako minsan kung ilang beses kong liguan ang buhok ko..sabi ko araw araw. Wag daw kasi masisira ang buhok..dapat daw eh tulad nya na isang beses lang sa isang linggo. Humaygad! Kaya pala ganon ang buhok nya parang bulbol.

At ang isa pang nakakatuwa sa kanya...di na nga kami magkaintindihan sa usapan naming konting baluktot na italian at konting ingles eh nagpapaturo pa sa akin ng tagalog. Humaygad ulit!

Kanina gusto ko syang kodakan..pero tinatakpan nya yung kodak ko kasi hindi daw ayos ang buhok nya,hikhikhik!

Ayos naman kahit na patay ang katawan ko kahapon sa pagod eh sulit naman sa kita kasi alam mong may natulungan ka.


Aylabdis haws talaga. Sana bukas pag gising ko meron na din akong ganitong bahay. Nasa taas ng bundok. Bale dalawang bahay sya..yung main house tapos yung guest house. Don sa main house eh may limang kwarto..kusina..dining..family room at living room...may recreation area din. Don sa guest house eh merong dalawang malalaking kwarto sa taas at sa baba naman eh yung jacuzzi..sauna at billard table..sa labas eh may malaking garden at malaking pool. Huwaw kahit nasa tuktok yata ako ng bundok buong taon okay na ako.




Ito ang laging kwarto namin ni Otis


Yun lang..dyan nagtatapos ang pag pufutah ko ng weekend..sarap daming customer!

Thursday, December 11, 2008

kiddie farty

Hay sa wakas after ng ilang araw na pagloloko ng utak ko wayfay namin eh naayos din. Kaya ngayong gabi eh bising bisi ako sa panonood ng mga palabas na hindi ko napanood ng ilang araw tulad ng Dyosa..Betty La Fea..Survivor Phil at Pinoy Fear Factor..mais na kung mais..eh adik ako dyan eh! Okay lang na walang nagmamahal basta merong internet solve na ako..daig ko pa ang pinatira ng buhangin dyan!

Kanina sinamahan ko si Tchiki na umattend ng birthday party ng classmate nya,kasama din namin si Otis kamatis. Inihatid lang kami ni Samantha (nanay nila) sa Fun and Fun (place ng party) at umalis na din para dalawin yung gayfriend nya na may Aids..Cancer..Hepa at kung ano ano pang extra sakit. Wawa no? Pero ang nakakatuwa sa gayfriend nya na yun bukod sa makulay pa din ang lablayf nya ngayon eh fighter sya at malakas pa din ang paniniwala nya na gagaling pa sya. Yan si gurl..palaban! Hinahangaan ko talaga ang tibay ng loob nya..Saludo ako sayo mama!

Yung Fun and Fun eh place talaga para sa mga kiddie party. Maraming place na mapapaglaruan ng mga bata at marami ding iba't ibang klaseng malalaruan tapos may isang place lang para sa lafangan. Dito sa yuropa ang napansin ko simple lang sila maghanda sa mga kiddie party. Hindi tulad sa pinas na talagang sagana sa lafang at talagang to the maximum level lalo na pag mayaman ang bata. Dito basta may magagayat na cake may konting kung ano ano lang tulad ng hotdog..tinapuuy..chips..at maiinum okay na. Samahan mo lang ng mga kung ano anong pakulo at may konting goodies silang maiuuwi sobrang saya na ng mga bata. At hindi na din pinagkakaabalahang ipag handa ang mga kasama ng mga bata sa pagpunta ng farty.

Pagdating namin sa place para ng mga baboy na pinakawalan sa kural ang mga alaga ko...at ganon din ang lahat ng batang nakikita ko. Sus ang mga energy parang mga pinasinghot ng utot na berde. At ang drama ko eh hinahabol lang sila ng tingin. Nilalapitan pag nahuhulog o natutumba. Sabi nga ng amo ko..parte ng paglaki ng bata yang mga dapa dapa na yan kaya di mo sila dapat na bantayan sa likod nila...feeling anino ba.

Nakakita si Otis ng mga lobo na nagkalat sa sahig..syempre tuwang tuwang nilapitan at kinuha ang isa..aba at may biglang humarang sa kanya na bata din..syempre to the rescue ang yaya. Tinanong ko bakit ayaw nyang ibigay yung isa eh may matitira pa naman sa kanyang lima..ang sagot ng hitad na bata ay ito.."para sa mama ko..sa papa ko..sa kapatid ko..at sa akin ang dalawa" Puta ganon pala yun..isasali mo ang buong pamilya mo..Hanep Cute na bata yun..parang anak lang ng pulis ah. Eh may magagawa ba sya sa laki ko..kinuha ko ang isa sabay hila kay Otis palayo sa kanya..Oo pinatulan ko ang bata,hihihi

eto sya habang pinahahabol si Otis sa lobo...tsuri ang labo!

After ng 30 mins..tinawag ang mga bata sa silid lafangan para kumain ng pizzeta (malliit na pizza) at mamimili sila sa coke at water para sa drinks. After non balik na naman ang mga baboy bata sa kural. Si Otis panay ang lapit sa table ng mga food kaya panay ang kuha ko..tapos pagdating sa upuan namin di naman nya kinakain kaya ako na lang kesa sa masayang..para paraan lang yan!

After ng isang oras na paglalaro ulit tinawag ulit ang mga bata para sa cake. After non katakot takot na laro na naman. Nong nagbigayan ng goodies ipinila ko din si Otis,sabay suksok sa bulsa ng jacket ko. Nong tinanong ng amo ko kung may nakuha si Otis..syempre ang sagot.... "Wala"

At dyan nagtatapos ang isang masayang birthday party..




Tuesday, December 9, 2008

Tag ina mo din Kirk!

Salamat sa parang ambush na tag ni Kirksydney...hay at nagpauto na naman ako. Di ko alam ang layunin ng may pakana nito...malamang gusto nya lang malaman kung ano ang itsura ng mga hayop tao habang nagbabasa nito! Pero sige na nga gagawin din naman eh ang dami ko pang dakdak drama.

Ito ang rules:

1. Take a picture of yourself right NOW!.
2. DON’T take off change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture.
3. Post that picture with NO editing.
4. Post these instruction with your picture.
5. Tag 10 people to do this.
6. No more number six, lucky you.


Aktuli nong sunday ko pa nabasa ito at pag kataeng pagkatae pagkabasang pagkabasa ko eh nanginginig ko agad na inabot sa tagiliran ng aking papag ang aking pinakamamahal na kodak. Di ako mahilig sa kodak ng aking sarili pero pag pinilit ako walang patumpik tumpik na ngumingiti ako.

Hala tama na ang kakadakdak! At eto na....Mahiyain ako sa kodak eh! Aba at dakdak pa ulit eh!

O davah parang bagong tuli lang!

At bilang ganti..ipinapasa ko ang parusang tag na ito sa mga ito:Lyzius...Princesscha...Bro.Utoy...Rev.Siopao...Kengkay...Munggo...
Gasul...Ardyey!

Di ko kayo pinipilit..bahala kayo kung gagawin nyo..basta ako ginawa ko lang din ang nararapat..hahaha

Kanina pa ako walang masabi peo kanina pa din ako type ng type...Ano behr?



Monday, December 8, 2008

Burpday Farty


Kahit wala akong work ngayon kasi Imaculate Conception (parang ako lang nong buntis ako) eh maaga pa din akong bumangon...

Maaga akong rumampa kanina sa lansangan. 7th Birthday kasi nong pamangkin nong isang malayong kaibigan ko dito,nagpapatulong sa pag intindi ng mga bisita nya...parang pokpok lang ang drama ko. Pero magkikita muna kami nong isang medyo malapit minsang kaibigan na si Lorie..ang meeting place eh yung Mcdo sa tapat ng Doumo Cathedral..ayaw ko sana don kasi madaming tambay na mga feeling waffo pero gurang ng pinoy don..may ilang experience na kasi ako dyan na akala nila naghahanap ako ng makakausap o kaya eh mga dumidiskarte eh mga lumang style na naman..pero naisip ko maaga pa naman baka wala pang masyadong tao non don..Ok fayn..don na ang mating place!

Wala pang limang minuto akong nakatayo sa harap eh may lumapit na matanda pinoy. Ang ganda ng pasok nya..parang Mr. Congeniality lang.

Manong: May hinihintay ka ba?
Ako: Opo (halata ba??)

Manong: Kung gusto mo kausapin muna kita habang wala pa sya?
Ako: Huh???? Okay lang naman po ako dito eh!

Manong: May number ka ba?
Ako: Ah wala po! Manong kasi busog po ako ngayon eh..tamad akong magsalita pag busog ako!

Sabay alis...tinawagan ko na lang si Lorie para don na lang kami magkita sa isang train station na malapit sa pupuntahan namin.

Sumakay na ako ng train. As usual tulad kahapon punuan kasi holiday. After ng dalawang station may sumakay na pinoy..mukhang desente sa suot na long sleeve,slacks at balat ng butiki na sapatos. Ngumiti sya sa akin...nginitian ko din..pero hindi yung magandang ngiti at hindi din yung ngiting simangot..ayos lang. Yun pala yun...naghihintay ng palit na ngiti at nagsalita na sya. Nong una di ko maintindihan kasi may bulak earphone ang tenga ko.

Ako: Ano po yun?
Pinoy: May gagawin ka ba ngayon?

Ako: Ah pupunta po ako sa malayong kaibigan ko...
Pinoy: (may inabot) Ah kung di ka busy dalaw ka naman sa church namin..Eto ang address..masaya kami dyan..

Hmmm mukha ba talaga akong tigang malungkot???

Sa wakas nagkita na din kami ni Lorie at nakarating din kami don sa pupuntahan namin matapos ang 20 minutes na pagkaligaw....

At syempre bago magkarami ang mga hayop bisita eh mawawala ba naman ang mga kodakan!


Ako..Citang at LorieAlign Center
Ayos bago ako umuwi eh sinigurado ko namang hindi ko napabayaan ang tyan ko...binusog ko talaga sya ng sobra...alam kong tuwang tuwa sya kasi panay ang sipol ng pwet ko! tanda yun ng appreciation!

Friday, December 5, 2008

i wana be seksi..i wana be ritz!

Salamat sa aking brother na si Princesscha sa pag papahirap bibigay sa akin ng tag na ito! Sana lang sa susunod hindi mo lang ako pagiisipin kung anong gagawin ko pag nagkapera ako ng madaming madami na eh limpak limpak pa..bigyan mo na din sana ako!

Syempre kung nandito ako sa lugar ng mga pasta at pizza pag nagkaroon ako ng limpak limpak na salapi ang una kong gagawin eh magpapabook ng ticket pauwi ng bayang sinilangan..pero hindi sa business class..don pa din ako sa economy..wala lang gusto ko lang don..parang boring kasi pag mayayaman ang katabi mo eh!

At ito ang mga plano ko para sa aking limfuck limfuck na salapi....
  • Pupunta ako sa Switzerland para ideposito ang 3/4 ng aking limfuck limfuck na salapi. Sabi nga ni Lyzius para kalevel ko na ang mga rich and faymas. At yung tubo lang nya every month ang kukunin ko para sa mga panlalalaki gastusin ko.
  • Maghahanap ako ng mga charitable institution na tutulungan ko every month. Tanong mo kung bakit ayaw kong magtayo ng sarili ko? Ayaw ko..madaming isipin pa yun. Mayaman na ako..ayaw ko ng mamroblema pa...
  • Sinagot na ni Cha ang mansyon ni mudra at world tour naman para kay Lyzius..ang ibibigay ko na lang kay Mudra eh makakasama kahit saan sya pumunta..yung parang alalay pero hindi..para lang kaibigan nya..Ano ba ang tawag don? Basta yun na yun...habang buhay sya meron non at ng hindi naman puro makukulit na apo ang lagi nyang kasama...
  • Mag aaral na talaga akong mag drive kasi bibili na ako ng sasakyan..yung maraming nailalaman para kasya kaming lahat. Isa lang ang bibilhin ko kasi bukod sa hindi ako sanay ng nakakotse eh mas gusto ko ang sumasakay sa PUV...ewan ko bakit enjoy na enjoy ako sa public transport kahit na problemado ako pag siksikan..gustong gusto ko yung nagbabantay ng sasakyan..naghahabol sa oras tapos marami kang nakakasakay na iba't ibang klaseng hayop tao..aylabet talaga!
  • Magpapatayo ako ng dream house ko syempre sa aking dream location din..yung gilid ng bundok at tabing dagat o ilog o lawa o sapa....at ito ang aking magiging haven pag nasa lupang sinilangan ako. Kung hindi lang din ako nagwowork ayaw ko ng city life..Mag hohotel na lang ako pag may aayusin sa manila o kaya eh makikitulog sa bahay na ipinagawa ni Cha..syempre mayaman na din sya non..nauna pa nga sya sa akin eh...
  • Bibigyan ko ng mga puhunan sa negosyo yung lahat ng mga kamag anakan ko para lahi na kami ng mga mayayaman..pero dapat mapalago nila yun kasi wala ng kasunod yung bigay na yun..bahala na sila after that ang drama ko...
  • Magpapatayo ako ng maraming paupahang bahay para negosyong walang lugi..di naman mapapanis yun eh. Tsaka hindi nauubusan ng taong uupa ng bahay. At ang magiging kita non eh deretso sa account ng dalawa kong anak na mga hitad.
  • Pupuntahan namin ng mga anak ko at mga anak ni Lyzius ang lahat ng mga fun kiddie places sa buong mundo..Syempre magbabawi ako ng mga oras na hindi kami nagkasama.
  • Bibigyan ko si Tadew ko ng "enough amount"..para kahit maaga syang mag retired maeenjoy nya ng husto ang buhay nya. Pwamis hindi ako hihingi ng kapalit..pwamis nga talaga..totoo yun..kahit isang kiss hindi ako hihingi ng kapalit..
  • At gagawin ko na yung mga bagay na inilista ko na gagawin ko bago ako mamatay..hahaha parang alam ko kung kailan ano? Wag nyo na munang itanong kung ano yun kasi ipopost ko yun sa ibang araw.

Yan na lang muna kasi wala pang isang buwan eh..di pa tumutubo yung bulutong ko sa utak pera ko sa Swiss Bank..alalahanin nyo na 1/4 lang ng limfuck limfuck na salapi ko ang nasa akin...

Kyin wala ka dito kasi may go signal ka kay Cha na pwede kang kumuha ng pera nya sa may opis table natin sa kabilang kwarto. Kung kulang yun eh kumuha ka sa wallet ko sa may square square!

parang c.r.

OUT
OF
ORDER!!!




Kasi......................................

Nagiinarte
Homesick
Namimiss ang mga anak at yung Tadew ko
Naalala ang nakaraan kasama si Tadew ko
Nabasa ko ulit ang mga tula ng pagmamahal Nya noon

NATATAE AKO...AYAW LUMABAS!!!

Thursday, December 4, 2008

tanong???

Sa mundong ito bakit ang daming katanungan na hindi pa masagot sagot ng kahit na sinong tambay sa kanto matalinong tao. Marami ng kung ano anong naiimbento pero ayun nga..marami pa ding tanong ang hindi mabigyan ng hustisya kasagutan. Mga simpleng tanong..pero walang sagot!

Katulad na lang ng mga simpleng tanong na kung ilan ba talaga ang bituin sa langit? Magbibilang lang naman davah? Kailan nagsimula ang daigdig? Ilan ang saktong bilang ng buhok ko o ng poklat ko? Hmm bakit nga ba hindi ko gawing karir ang pagbibilang nito at ng hindi ako naiinip sa buhay ko....

Isama mo pa ang mga tanong na...Bakit ang manok nakakabuntis eh wala namang burat? Nasaan ang burat ng tandang at ng ahas? Bakit ang tandang eh walang itlog eh lalaki naman sya? Ang ibig sabihin ba ng fishball ay bayag ng isda? Ang uod ba pag namatay uuudin din? Ang lason ba pag na expired makakalason pa din?

At isa pang tanong na walang makasagot...Asan na kaya si tadew ko? Musta naman kaya sya at hindi nagparamdam today? hahaha naisingit ko pa talaga!

Ang dami daming katanungan...sarap batukan ng nagtanong walang kasagutan!

Kanina pumunta kami ni Tchiki at Otis sa park...pero don ko sila dinala sa bago kong tuklas na kiddie park..bago sya at mas may thrill para sa akin kasi malayo para sa kanila yung slide kasi...ah basta ganon may thrill!

Nong pauwi na kami may nakasalubong kaming lalaki...

Tchiki: He looks not normal... His head's look smaller than mine...
Ako: Coz he's not...he's mentally retarded...

Tumahimik na sya...after ng mga limangpo't limang hakbang may nakasalubong kaming "mukhang babae"...

Tchiki: She looks not normal...Her boobs is bigger than her head..
Ako: He's normal and he's just a transvestite Tchiki...his boobs is fake!

Tchiki: And what is transvestite?
Ako: A man who dresses like a woman...and stop asking a lot of question! kasi konti lang ang nabili ko kaninang ingles..

Bago kami pumasok sa gate....

Tchiki: p0kw4ng are you normal???

Huh...ane nge be eng seget???

Aww shetness..nahahalata na nya...nahahalata na nyaaaaa!




Tuesday, December 2, 2008

hiling..pasasalamat at kasagutan sa DaHu...



Malapit na ang pasko...puro gastusan regaluhan kainan na naman. Ihanda na ang pagtaas ng timbang at hindi ang pagbaba ng panty. Sabi nila para sa mga bata lang ang pasko kasi sila lang ang masasaya kasi sa mga natatangap na regalo. Pero para sa akin natabunan na ng gift giving ang tunay na diwa ng pasko na pagdiriwang kasi burtdey ni Papa Jetut. Aktuli dati hindi ako nagwiwish ng something para sa sarili ko o para kanino tuwing pasko kasi kuripot wala akong pakialam wala lang..di ko lang feel! Pero ngayong year na to..iibahin ko kasi nakakasawa na ang walang wish. Hmmm kaya siguro walang akong natatangap tuwing pasko kasi wala akong wish the wish you wish for wish to wish

Aktuli ulit dalawang klase ang wish ko..non-material things at material things..o davah parang biology lang. Yung non-material things ko eh para sa taong mahal ko...good health..yung makaka sampu pa magdamag...mahabang buhay parang sa pusa at mahanap na nya yung taong makakapagpasaya at mamahalin nya porevah! Yung saya na totoo at hindi yung nararamdaman nya lang pag may bagong bili sya na gamit.

At ito ang mga material na bagay na tinitibok ng utak ko..............

* Complete edition ng libro ni Bob Ong..oo na late na ako kung late pero ngayon ko lang sya nakilala...
* Mga tribal na bracelet..maraming marami..pero hindi naman yung sobrang dami na kasing dami ng isang kabinet ha..kakaumay na din yun..baka tapos na ang isang taon eh di pa ako nakakaulit ng suot...
* Vintage Tshirt...oo mahilig ako sa mga mukhang luma..pero ayaw ko ng pinaglumaan lang..maselan ang binti ko ako...
* Set ng Victoria's Secret Love Spell (lotion,body wash,spray) nag evolve na kasi ako..dati jergens lang o kaya eh baby oil ayos na...pwede nga ang used oil pag talagang wala....
* Chuck Taylor..aylabit talaga! size 7 ako ha..wag 6 1/2 o 7 1/2...parang trip ko ngayon ang may shade ng brown o purple...
* Bose SoundDock Portable..kung wala kayong mapili sa mga inilista ko sa taas kahit ito na lang!

Bahala na kayong mag usap usap kung anong ibibigay nyo sa akin para hindi magdoble doble ang matatanggap ko! At magkaron kayo ng participation sa bawat isa para mapag sabay sabay nyo na din ng padala..kasi concern lang ako sa inyo kung magagastusan kayo masyado para sa pangbayad sa DHL o Post!

Pakipadala na lang sa address na ito:

p0kw4ng
Via p@#!e* 69
Milano, Italy

++++++++++++++++++++++++++++++++


Maraming salamat kay Ron Turon sa walang sawang pagbibigay ng petyur award sa akin. Kahit di ko alam kung ano ang ibig sabihin nyan eh itatago ko na din at baka balang araw eh pwedeng isangla o kaya eh pwedeng papalitan ng burat syuta isang kabang bigas sa tindahan. Salamat po!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

Para sa sagot ko sa "Da Hu??"

Aktuli naguguluhan din ako kasi sabi nya si Jericho daw sya...Eh bakit walang letter J sa Taps? Tapos may sarili naman syang bahay..eh bakit nasa Soho sya don sa petyur? Siguro walang makain sa bahay nila at nagmemeryendot lang sya don,hihihi


Monday, December 1, 2008

Hinaing...Sinaing

Kahapon pa ako feeling may down syndrome. Ang bigat bigat ng suso pakiramdam ko. Wala naman akong PMS pero nagmamaganda tinotopak ako.

Maraming rason.....

Dalawang taon na akong hindi nakakauwi sa pinas..ibig sabihin nyan 2 years ko na ding hindi naakap at nakakasama ang mga hitad kong mga anaks. (plural w/ s).....At hindi ko pa alam kung kailan ako makakauwi.Hanggang ngayon kasi hinihintay ko pa ding lumabas yung burat ng amo ko resulta ng application ko para magkapapel..hmmp pag ako nainip hindi ko na tatanggapin yun pag lumabas! akala siguro nila...hmpp!

Naghahanap ng something matamis itong dila ko kanina wala naman akong makitang titi na may asukal..kainis..Grrrr! Tapos gusto kong lumabas ang lakas naman ng ulan. 5o yulo lang ang tira sa pera ko...Tapos muntik pa akong masagasaan nong saturday night na hanggang ngayon naasar pa din ako sa driver nong motor at nong kotse...hmmp lata lang ng sardinas yang sasakyan nyo no..hmpp ulit!

Tapos namimiss ko sya hindi naman nya ako namimiss. Walang umaakap umaano nagmamahal nagreregalo sa akin tuwing pasko. Ah basta ang lungkot lungkot ko hanggang kanina...Nag automatic stop yung kaartehan ko nong kausap ko si Tadew tapos auto start ulit nong nag paalam na sya na babalik na sa work. Ang jurte ng jukpok na etits!

Tapos 2009 na sa isang buwan...ang bilis ng araw hindi naman hinahabol. Tapos mag buburat day na naman ako..tatanda na naman ng isang taon wala pa ding nangyayaring maganda sa layf ko.

Tapos pasko na naman wala pa ding biyenan. Tang orange juice naman!

Here ang evil............

Pekpek ang evil...........

Insane ang evil...............

Wala lang...gusto ko lang ipahili na may petyurs din akong matino ako! Ayan o ang tino tino davah??