Wednesday, January 28, 2009

Pancake

Ilang araw na akong nanginginig inis dahil hindi ako makapag post dahil sa mabagal pa sa roro na papunta ng mindoro ang internet namin.

Nong sabado ng hapon niyaya ako ng amo ko na mag boat ride sa pampang ng Hamburg Port. Deyup ko na yun kaya wala silang magagawa kong ayaw kong sumama..pero dahil sa kaladkarin ako wala akong gagawin eh nagpapilit na din ako. Naisip ko kasi bigla na libre syempre lahat don pati sausage ni Gregor lunch ko. Syempre kasama ang buong pamilya.

Masaya naman kahit na kulimlim ang kalangitan. Resto yung loob nong bangka kaya tamang kain kami. Umabot din ng isang oras yung trip. Pagkakain eh umakyat na agad ako sa deck para laruin ang aking dildo camera.

Kung gusto nyong makita ang mga petyurs eh kailangang kilitiin nyo ako dito. Balik kayo ha at mag gagahasaan pa tayo.

Tapos mo ng panoorin? Kung hindi pa...fayn!

Nong sunday maganda ang panahon..lumabas sa pekpek ng nanay nya ang haring araw! Kaya nagmadali akong nagbihis..bahag sa pekpek..band aid sa boobs..pantalon sa mga binti at hita..shirt,sweater at jacket sa ma humps na katawan. Dali dali ko ding isinakbit ang bag sa kaliwang balikat..dildo camera sa kanang balikat..tourist guide book sa kamay.

Naglakad lakad ako sa palibot ng lake ng malapit sa Central Station na akala mo eh isang Pro Maniniyut na turista. May mga nakakasalubong pa nga akong mga may dalang camera na ngumingiti sa akin na parang iisang mundo lang ang ginagalawan namin..hindi nila halata na may sarili akong mundo.

At ito ang aking mga nabosohan.


Kung gusto nyong makita yung iba pa..nandito!

After kong maglaro ng turista turistahan ay pumasok ako sa Starbucks,alam ko namang wala akong makikitang kalahi ko don na nagpapapetyurs sa tabi ng tasa o ng basong papel eh. Sa loob ko na meet si Latte Macchiato at si Lemon Loaf Bread. Matapos ko silang makilala eh niyaya ko silang sa labas kami maupo para makapanood na din ng mga taong dumadaan. Ang saya nilang kasama,tawa lang sila ng tawa sa mga sinasabi ko. Malamang every sunday eh magkita kami don.

Nagpaalam na ako sa kanila bago ko pa sila ubusin. Sisimba pa kasi ako nong hapon na yun. Sa ayaw at sa gusto namin talagang aabot kami sa pamamaalam sa bawat isa. Bago pa ako maiyak sa paalamang yun at matunaw ang lapis ko sa mata eh dali dali ko na silang kinain at ininum. Bye mafrens till next sunday!


19 mga naki sawsaw:

bloggerjorge said...

Ako na naman ang una!

BASE!

Gara ng place mo ate powkie!! Kainggit nmn, sana dinala mo ung tripod mo para may pic ka tas yan ang background, astig!!

Ang babait nmn ng newly found friends mo, sarap nilang kainin, hehehe... toinks!

The Gasoline Dude said...

Bakit 'Pancake' ang taytol?

cyndirellaz said...

ang ganda naman pala ng nangyari sa iyo noong sunday mare! so feeling mo turista ka na no? ehehe! mukhang masarap yung kinain niyo ah! at ang mga pix, ganda ng angles ng pagkakakuha ^^ danda! ^^

Panaderos said...

Ang ganda ng mga pictures sa Hamburg. Balita ko e medyo magulo daw dati iyong mga lugar na malapit sa pier pero dati pa iyon. Ok na ba ngayon ang paligid diyan?

p0kw4ng said...

@jorge...hihi ako ulit ang taya...ganda nga dito..hayaan mo lagi akong mag share ng petyur para kunyari nakarating ka na din,hihi

di pa ako nakakamana kay rev ng pagdadala ng tripod eh,tamad ako pagdating sa ganyan,hihihi

@gasul...naisip ko lang habang nagsusulat ako na masarap ang pancake,hihihi

@cyndi...ayos naman..kesa nasa bahay at nag eemote,hihihi

@panaderos...salamat,ganda din nga dito..yung mga view romantic..okay naman na siguro ngayon..tahimik naman kasi nong pumunta kami eh..mag gagalugad ako ng tsismis about dyan!

cha said...

dude, sana nagpa-picture ka din ng famous starbucks pose, ahahahahaha! maiba naman, para hindi puro view.

lyzius said...

wow, lumelevel up...

paistar-istarbaks na lang!

dapat me starbucks pose ka nga...wahihihihi...

hanggang ngayun di pa rin ako marunong umorder jan sa mga ganyang shala-shalahang kofi shop...

wahahahaha...

KINGdom of Saudi Arabia said...

Salamat Pokie kasi naikot ko na naman ang ilang bahagi ng Germany. Isama mo naman ako.

Di ka bumibisita sa bahay ko, tampo ako(kunwari lang!)

KINGdom of Saudi Arabia said...

Salamat Pokie kasi naikot ko na naman ang ilang bahagi ng Germany. Isama mo naman ako.

Di ka bumibisita sa bahay ko, tampo ako(kunwari lang!)

kwentongkengkay.com said...

kami yata ang dapat magpunta dyan e, hehehe. hindi pa ko nakarating dyan, padaan daan lang ;D

KINGdom of Saudi Arabia said...

Natawa ako sa baranggay, hehehe!. Manual mo na lang po ang link ko para gumana,

http://michaelcdeuna.blogspot.com/

See you!

MC said...

gumamit ka ng flash sa mga pictures? wala lang..

Pinag-iisipan ko kung ano connection ng "Pancake" sa body post. LOL :]]

p0kw4ng said...

@cha...dude wala pa akong lakas ng loob na gumawa non,pagaaralan ko pa,hihihi

@lyzius...tulad din ng mga normal na kapehan mas mahal nga lang ang presyo,hahaha...sasabihin mo lang ang gusto mong iinumin di ka pa marunong? hehe

@king...pasensya na king ha..akala ko kasi naadd na kita sa list ko at wala ka lang update eh,hihi

salamat sa pagdaan!

@kengkay...lika na dito now na..ang dami din kasing mapupuntahan dito na okay sa bata eh!

@MC...hindi ako gumagamit ng flash..bakit po?

wag mong isipin at walang koneksyon yun,hihihi

UtakMunggo said...

naku chumibog ka pala sa roro ko hindi ka man lang nagparamdam eh di sana na-meet ko rin ang sausage ni gregor. hihi

shet ang ganda ng piktyurs mo powkie. isang propesyunal na mangingiyot. este maniniyot ka na talaga.

joycee said...

ansaya naman ng dey-op mo ate powkie.

at ang babaet ng prends mo :)

add kita sa multiply ha :)

yin said...

may fs at multiply ba sina latte at lemon loaf?

kyin said...

anong petsa na??ngayon pa lang ako nkareact,powtekk!!!hehehehe..busy busyhan e(wala lng pangload sa smartbro)harhar...

utoysaves said...

tumawa talaga si latte machiato at si lemon loaf bread? as in?
.
.
.
.
.
iha, adik ka ba?

revsiopao said...

ulitin ko lang ang tanong ni utoy {gaya gaya}...
tumawa talaga si latte machiato at lemon loaf?

sana kinuhanan mo sila ng piktyur habang naka-itmayl. toinks!

tira kasi ng tira ng durog na katol e.