Friday, January 16, 2009

Pagbabalik Alaala..Toinks!

Kakaibang kwarto ang nagisnan ng aking mga mata.......

Malaki at may mga kurtina pang parang sa prinsesa sa apat na poste ng kama...makakapal na kurtina sa may bintana...kulay krema at makapal na carpet sa sahig...mga antique na paintings sa dingding...mga collector's item na mga libro sa gilid ng kwarto!



Napabalikwas ako ng bangon! Huh nasaan ako??

Agad agad akong dumeretso sa bintana upang silipin ang kapaligiran...

Isang nagyeyelong lawa ang aking nabungadan...matataas at malalaking mga punong kahoy...walang nakikitang bahay sa paligid....





Huh nasaan ako?? Isa ba akong prinsesa at nasa kastilyo ako? Sa takot ko kung nasaan ako nakaramdam ako ng pagkulo ng aking tyan..Dali dali akong tumakbo sa banyo. Pero bago ako nagsimulang magbate napaupo eh napatingin ako sa salamin at nakita ko ang nagmumuta kong mga mata mukha ko.

Kablag!!!! May prinsesa bang ganito ang itsura? Bigla kong naalala kong nasaan ako...hihihi...nandito ako para mag trabaho..Nagkataon lang na hanggat hindi pa ayos yung lilipatan naming bahay eh nakikitira kami sa mansyon..as in mansyon sa gitna ng kakahuyan ng magulang ng amo ko. At ang napatoka sa aking kwarto eh yung kwarto nong anak nyang wala dito sa ngayon...yeah man...pagkakataon ko ng magiwan ng mga kulangot at muta sa kwarto mo!

Mag dadalawang linggo na pala mula nong pumuslit ako mula Italia papunta ng Alemanya. Aktuli ang ganda ng byahe namin non..smooth..hindi man lang nakaamoy ang mga Swiss Guard sa boarder na UFO ako at todo ngiti pa sila sa amin pagdaan namin na para bang sinasabing "Welcome Pokwang". From Italy kasi nag drive yung amo ko ng 4 hours papasok ng Swiss at don kami kumuha ng train to Hamburg..Pati yung kotse isinakay na din sa train at nag byahe kami ng magdamag..umalis ang train ng 8pm at dumating kami sa Hamburg ng 7am.

Unang weekend ko nong sunday. Concern ang amo ko kasi wala akong kakilala dito kahit half pinay o half hayop kaya nag research sya sa net ng mga Fil Community dito na pwede kong tawagan. Tinawagan ko yung binigay nyang number..lalaki ang sumagot. Okay naman si Mang Lito..willing syang i meet ako nong sunday na yun para ituro ang mga dapat kong malaman tulad ng pagpunta sa mga hot fafa bar kung saan ang PNB at kung saan may simbahan ng Fil Community. At may bonus pa nong tinagpo ko si Mang Lito..may kasama syang dalawang lolo! Di ko malaman kong si lolo version ba sila ng Tito,Vic and Joey o ng APO HS. Pero okay naman kasi talagang nagtyaga silang maglakad ng malayo para ipakita sa akin na matikas pa sila yung mga place.

At concern pa si Lolo Wan..

Lolo: Ineng isaklob mo yang hood mo at malamig..wala ka bang bonnet?
Ako: Okay lang po ako..sanay po ako na walang sambalilo!

Lolo: Hay naku..uubuhin ka o magkakasakit ka nyan!

Cute na cute akong tingan pag may nakikita akong naka bonnet..cool..pero bakit ganon pag ako na ang may suot feeling ko sa ulo ko eh isang malaking burat na may condom!

Lolo: Ay taga Mindoro ka ba?
Ako: Opo....

Lolo: Ay yung isa naming kumpare eh taga Mindoro din...
Ako: ah talaga po???

Lolo: Oo pero wag mo na palang kilalanin yun at delikado na...baka kung ano pa!

Waw ang swet swet naman nila Lolo....

Bukas deyup na naman ng Inday...Hirap lumabas ng walang kang kakilala. Inihanda ko na ang sarili ko nong isang linggo na mag isa ako laging lalabas kaya bumili na ako ng tourist guide book na may mapa pa..mag pa feeling turista na lang ako...Hindi naman nila alam ang totoo,hihihi!

Tiis P0kw4ng...para sa mga junakis ang paglalandi mong ito....

---------------------------------------------------------------------

Nagpapasalamat ako sa lahat ng nag comment sa last post ko..SALAMAT PO!

Ngapala nakatikim na din ako sa wakas ng burat ng bombay (curry sausage)...sarap pala!






20 mga naki sawsaw:

utoysaves said...

aba't mansyonic nga ang bahay, andaming bubong! at ang kwarto mo, powkie, parang dapat naka-gown at korona ka kapag natutulog. hehe...

hinay-hinay lang sa pagkain ng... ahh.. sausage ng bumbay!

missed your post, powks. welkam bak!

UtakMunggo said...

namiss ko to!! shet umpisa na yan ng iyong napakakulay na social life... mga lolo ba naman ang barkada mo kung di ka pa titino niyan. hihi

hindi napansin ng mga swiss guard na may UFO as in unidentified farting object sa auto? sos. mahinang klase pala sila. haha

kung feeling mo para kang burat na nakacondom pag naghu-hood ka, ako feeling ko kapatid ko si kokey. haha

tuloy ang ligaya!!!

MC said...

Parang secluded yung lugar ng mansion,nakakatakot tapos nasa gitna pa ng kakahuyan.Buti nanalo ka sa pakikipag patintero sa mga Swiss guard :))

Infairness ang ganda ng kwarto ha,parang prinsesa talaga.

lyzius said...

wala bang mumu jan sa bahay na yan????

mga taga mindoro talaga...hmmmnnn...delikado!

ahihihi

lyzius said...

wala bang mumu jan sa bahay na yan????

mga taga mindoro talaga...hmmmnnn...delikado!

ahihihi

lyzius said...

wala bang mumu jan sa bahay na yan????

mga taga mindoro talaga...hmmmnnn...delikado!

ahihihi

Cutter Pilar said...

tagal mo nawala ate poks... okay lang yan, tiis lang. :) kaya mo yan :)

cyndirellaz said...

ang ganda naman ng lugar nayn! ganda ng view ^^ wag kang magalala, sigruo ilang linggo lang, makakakilala ka din ng mga friends mo dyan!

Marlon said...

Blog Hopping...Nice One! Visit my sites...
http://marlonofmanila.blogspot.com,
http://perspektib.blogspot.com


I noticed you like photography, i noticed you are holding a camera, fellow enthusiasts i see..

ethel28 said...

napadpad ako'ng muli dito sa makulay mo'ng bahay at buhay... wala ba namang naliligaw na coyote at lobo jan? hindi naman sa tinatakot kita.. hehehehe....

in fairness nga kaswerte mo na jan at pangprinsesa ang iyong bedrum. sana nka nightgown ka nga pag natutulog.. ahehehehe...

ethel28 said...

napadpad ako'ng muli dito sa makulay mo'ng bahay at buhay... wala ba namang naliligaw na coyote at lobo jan? hindi naman sa tinatakot kita.. hehehehe....

in fairness nga kaswerte mo na jan at pangprinsesa ang iyong bedrum. sana nka nightgown ka nga pag natutulog.. ahehehehe...

kengkay said...

aba naman, at andito ka pala sa alemanya! welkam dear. kelan ka alis sa mansyon mo para pumasok sa kweba ni kengkay, hehehe

basta tawag ka lang at imeet kita sa train station. naks, EB agad ang inatupag. hahaha

buti ka nga may pinoy community agad e. ako dito walong taon na ang pinoy community ko lang sa blog, waaaa :D

kyin en cha(parang bday cake lang) said...

wuy!!!buhay ka na ulit duuuuude..danda nman ng kwarto...pero parang my multo nga jan...ahahahahahha

revsiopao said...

waahhh!!! bakit ako nahuli?! i hate myself na.

powkie! na-miss namin ang mga holy posts mo {ows?}

pwend, hanep sa room. kurtina kung kurtina. princess powkie... gandang pakinggan.

kailan tayo magkukulitan sa YM ulit?

yehey! bago na ang mga tugtugin. at hindi lang isa... long playing... parang jukebox lang. toinks!

psst! parang gusto kong pumasyal diyan pwamis... gagawan ko ng paraan 'yan. kailangan may EB din tayo sa sausage country. ang lagay e kayo lang ni kengz?

o hinay hinay sa sausage... ciao!

KINGdom of Saudi Arabia said...

Katawa tawa ka talaga Pokie! Bwahahahahahahahahahaaaaaaaa!

Enjoy talaga ako sayo, very natural ang mga posts mo. I love it!

KINGdom of Saudi Arabia said...
This post has been removed by the author.
canky.is.me said...

ang ayos naman ng kwarto. ang sarap guluhin hahahaha!

welcome back powkie. more sausage to come!

p0kw4ng said...

SA LAHAT: hindi sa tinatamad akong mag isa isa ng sagot..talagang tamad lang ako at laging nagmamadali sa pagdalaw sa bahay ko kasi wala pa akong net sa kwarto kong maganda,hihihi

salamat po...hay kung alam nyo lang na hiyang hiya akong matulog dyan..feeling ko eh gagalisin ako dyan...kaya nga nandon lang ako lagi sa isang tabi ng kama,hihihi

at wag ng magtanong kung may mumo...ako ang mumo dyan,hihihi

bloggerjorge said...

WOW! Ang astig mo pricess powkie! Parang ikaw si princess sarah na nasa mansyon!! Kakainggit!! Gusto ko ding maging prince cedie, toinks!!

Hinay hinay lang sa bombay sausage baka mabulunan.. toinks!!

Panaderos said...

Ang ganda naman ng kwarto mo! Pang-prinsesa talaga. Kulang na lang e mga posas, latigo, at leather outfits... oops! Sorry at mali yata ang naisulat ko. Hehehe

Seriously, welcome back! Glad to see you're blogging again. Ingat. :)