Sunday, February 8, 2009

Isang buwan


Akalain ko nga naman na nong isang araw pala eh naka isang buwan na akong mapapayagpag ng walang papel dito sa lugar ni Hitler! At sa loob ng isang buwan na yun eh walang masyadong pagbabago.

Sa loob ng isang buwan na yan ay may ilan ilan na din akong nakikilalang mga kababayan. May mga tsismis na din akong naririnig tungkol sa mga taong hindi ko pa nakikita o nakikilala. Ang una kong nakilala dito eh yung tatlong matandang pinoy na nag guide sa akin papunta sa Phil Bank at sa simbahan ng phil community dito. Yung sunod na sunday ay yung dalawang pinay na may asim pa na nasa 50's ang edad na nakilala ko sa Intsik resto. Sila yung nagpipilit sa akin na sa simbahan na lang nila ako sumamba. Yung patatlong sunday eh yung isa't kalahating babaeng pinay (tibo kasi yung isa) na mas bata sa akin ng 6 na taon.

At yung pang apat kong sunday eh mag asawa ni Tita Jo at Tito Ver..naks feeling close agad. Nakilala ko si Tita Jo kasi tinawagan ko sya. Nakuha ko yung number nya sa list ng mga phil org dito sa Hamburg. Naakit kasi yung mata ko don sa pangalan ng samahan nila na "Sick and Needy Children Foundation" at nong nakausap ko sya saka ko nalaman na wala na pala yung foundation na yun at hindi updated ang list ng org sa website ng Phil Embassy. At dahil sa minsan eh para akong pinaglihi sa pekpek ng baboy eh nagka kwentuhan kami ng mahaba sa talipuno at nagdecide na magkita sa simbahan.

Unang kita pa lang namin eh para na kaming super dupper close like hell. Ipinakilala nya akong pamangkin nya sa mga friendship nya na mga oldies din. So syempre smile na pang model ng tinga lang ang ginagawa ko sa pagpapakilala nya. Isa silang mag asawa sa mga unang dumating na pinoy dito nong early 70's. Kasing edad nya si mudra kaya ituring ko na daw syang parang nanay ko dito. Kasing age ko din yung panganay nya na sa kamalas malasan naman eh hindi marunong o makaintindi ng tagalog kahit na purong pinay. Kawawa db?

Saan papunta ang kwento ko? Hindi ko din alam..sige lang basa ka lang kung hindi ka busy!

Kanina nagyaya si Crystal at si Riza,sila yung isa't kalahating babae kasi nagfefeeling may burat si Crystal, don sa bday party nong anak ng friend nila. So join naman ako kasi kaladkarin wala naman akong gagawin. As usual sa handaang pinoy...maraming pangulam..minatamis at ang hindi umaabsent na kantahan!

Tahimik lang akong lumalamon kasi kahit na mga pinoy sila eh mas marami ang salita nilang "howten howten" kaya hindi ko maintindihan ang pinag uusapan. Eh ang alam ko lang namang salitang alemanya eh yung itinuro lang sa akin ng Pork Chop Duo. Pag tinatanong lang ako..ayun nagpapakitang gilas naman ako sa pagsagot about myself.

After kung mabusog eh umalis na din kami kasi rarampa pa sisimba pa ako nong hapon. Kakaiba kesa nong last week ngayon kasi mas maraming tao ngayon sa simbahan. May namatay kasing pinoy last week kaya andaming mga pamilya at mga kaibigang mga aleman at kababayan nya na umattend ng mass para sa kanya. Inferness waffo yung anak nyang lalaki na half supot. Para ngang gusto ko syang lapitan at yapusin kanina para makidalamhati..nahiya lang ako sa mudra nya at mukhang supladang aleman,hihihi

At ang bagong eksperyens ko dito eh sinundo ako sa train station nong mayordoma at driver ng mansyon. Nagkataon kasi na may meeting ang aking yaya slash amo na si Gregor nong time na nagpapasundo ako sa station kanina pag uwi ko. Kaya yung mayordoma at driver nong nanay nyang donya ang pinasundo sa akin. Pwamis nahiya talaga ako..pinagbukas pa talaga ako ng pinto ng sasakyan. Naiinis ako nong time na yun sa sarili ko kasi hindi ako marunong mag salita ng "van houten". Gusto kong makipag kwentuhan para mapalapit sa kanila..gusto kong sabihing wag na nyang gawin yung pagbubukas ng pinto..at gusto kong sabihin na kung gaano ako nagpapasalamat pero hindi ko ko magawa. Hindi na siguro masama na nakapagsabi ako ng maikling "danke". Sana naintindihan nila na engot pa ako at mabebenta pa nila sa bombay.


13 mga naki sawsaw:

cha said...

huwawwwwwwwwww! ibang level ka na talaga duuuuude! ibang klase na, de sundo ka na ng driver at mayordoma! para ka ng si princess sarah!!!! o kaya si cedi, ang munting prinsipe. kamusta naman si dugal saka si jefferson? ang dorin court kamusta na din? ahahahaha!

ifoundme said...

naku, gurl! namnamin mo! hwag ng mahiya! isipin mo reyna ka ng alemanya kasi may driver at mayordoma kang tagasundo. hihihi!

MC said...

as the saying goes,actions speaks louder than words.. try mo kaya gumawa ng sarili mong sign language para mapaabot ang gusto mong sabihin. haha

Congratulations for surviving,don't worry habang tumatagal marami ka din matututunan na mga aleman na salita.

kyin said...

ahahahah...duuude...sana nagpatulo ka na lang ng luha para naisip nilang natats ka sa pagsundo nila sa yo..nyahahhaha...

payatot said...

sige lang poks at kayang kaya mong makipagsabayan dyan sa bayan ni kengkay..matututo ka rin ng salita nila at aralin mo para di ka nila maibaenta ha!

PaJAY said...

POKW4NG,

Magandang araw sayo binibining POkwang..

nagagalak ako't nakilala kita..kaw pala ang matunog at magandang si Pokwang ha. (a duh! obyus ba?..lolz..)

add kita sa listahan ko...x-link tayo...salamat!..

nagmamahal,

PAJAY

PaJAY said...

*Muling Nagbabalik*


natawa ako sa comment mo sa post ko...lolz...

Sabi mo:dude...sana nga matuloy yang getugedir nyo na yan..

hahahaha...bat "NYO"?..hahaha..kasali ka xempre..at dahil nakilala na kita ngayon siguradong front seat ka sa next drawing ko..natanong ko rin nga sa sarili ko

"Bakit ngayon ka lang?"...hahah

cheers!..salamat sa bisita...

kwentongkengkay.com said...

hoyyy, wag ka ng makichismis dyan sa estasyon ng tren an0, pumunta ka na kasi dito sa bayan ni jose rizal ano ka ba. ahahaha

schneelllll

Panaderos said...

Payo lang Miss. Kahit na mababait ang mga kababayan natin diyan ay mag-ingat ka pa rin sana. Ayos lang makipag-kaibigan pero maging "on guard" ka pa rin, ok? Ingat lagi. :)

utoysaves said...

mag-gown ka na kasi para kumpleto ang experience. hehe...
ang yaman naman ni gregor, may mayordoma pa at tsuper. parang sa sine ko lang naririnig yun ah.
buti ka pa, sa isang buwan mo dyan eh sandamukal na pinoy na ang nakilala mo. at may mga mistisa pa talaga(half pinoy, half pinay)!

teka, behaved yata ang post natin ah...

uy, wag mo nang hintayin ang sagot sa comments. anghaba kaya, kakatamad. hehe...

p0kw4ng said...

@cha...huo nga eh..kakahiya..prinses mangyan!

@IFM...hihihi..namnam na namnam ko nga eh..lasang sausage,hihihi

@MC...try ko nga yang sign language nayn..kaso madaldal kasi ako minsan kaya nakakafrustrate yung di ko sila makausap.hihihi

@kyin..gud idea..brilliant ka talaga!

@payatot...hihihi tamad kasi akong mag aral ng bagong lingo..hayaan mo kakayanin ko..

@Pajay...uy salamat naman at naligaw ka sa kubo ko...matunog ba..utot yata ako ng utot eh kaya matunog (korniii)

salamat na agad kahit di mo pa ako nidrowing..gawin mong sexy ha..makabawi man lang sa drawing!

@kengkay...malapit na kengkay..malay mo..next week,hihihi

@panaderos...uy salamat ha..hayaan mo..hindi daw nalalamangan ang matsing wag lang alukin ng saging,hihihi

ingat ka din at salamat ng marami sa payo:)

@utoy...malapit ng matapos yung gown ko na gawa sa cotton candy utoy..malapit na!

ay lula nga ako sa yaman ng pamilya ng supot na sausage na ito..

hay sandamukal ka dyan..walang pang 1/4 ang mga kababayan dito kumpara sa milan..

wala na bang answer portion yun?? hmmp ka!

bloggerjorge said...

Ay, namiss ko to!! teka lang, humihingal pa...

AStig ka talga ate powkie! May tagabukas pa ng pinto, at nde lang isa ang sumundo sayo ha, iintayin ko talgang matapos ang cotton candy gown mo... hang sweet parang ung name mo, hihihi... toinkz!!

Ate powkie!!! un lang... ulitin ko ulet... ate powkie!!

revsiopao said...

Princess Powkie... gleng gleng! palakpakan naman tayo...

Pwend, tama si Panaderos ha. Ingat ingat... Balansihin lang ang pagtitiwala at pagiging 'on guard'. Siyempre labs ka namin. Mahirap na. -- O ha! Gumaganun?

Alal ka na ng Gelman pala mataya!