Friday, February 6, 2009

Dude??

"Papaano pag may kapatid ka sa labas??"

Yan ang madalas na itinatanong sa akin dati pag nalalaman nila na anak ako ng pulis. At wala ding kagatol gatol ang sagot ko na "eh di papasukin ko sa loob"

Madaling sabihin pero kung iisipin mo hindi pala ganon kadali yun nong time na yun. Namatay ang pudra namin nong virgin 18 years old pa lang ako. Noong bagong libing pa lang sya lagi naming naabutan na may gatas at biscuit sa harap ng nitso nya. Bakit gatas?? Hindi siguro alam nong naglalagay na kape ang iniinum ni pudra! Sa tagpong yun lagi ng nagkakabiruan na dinala yun nong anak ni tatay sa labas.

Ilang buwan after nyang mamatay pinaglaruan ako nila mudra. May kapatid daw ako sa labas at nakita na daw nila. Ang natatandaan kong reaksyon ko nong time na yun eh galit ako at nag iiyak,syempre una kasi virgin immature pa akong mag isip non kasi bubot pa nga. Yung iyak at drama na tipong pwedeng manalo sa "Best Actress" award sa mga dula sa radyo. Binawi din nila nong medyo isang tabo na yata ang naiiyak ko. Basta ang alam ko galit ako..feeling ko niloko nya kami..may drama pa akong matatanggap ko sya kung mas matanda sya sa akin na ang ibig sabihin eh hindi pa sila kasal ni mudra nong nangyari ang gahasaan nila ng nanay nong anak nya na yun.

Kahapon habang kausap ko si mudra eh naisingit nya yan.May nakapagsabi daw sa kanya na kilala nila at nakikita yung anak ni pudra sa labas. Lalaki daw at teacher na daw ngayon. Sya mismo ang may sabi na hindi pa nya sure kung gaano katotoo yung kwento. Alam ko na seryus kasi hindi naman nakikipag usap ng mahaba sa YM yun at tamad mag type...ang gusto nya eh Skype..maarte!

Nakakatuwa kasi parang wala lang sa akin. Naisip ko tuloy..Uy hinog na nga si neneng! Pero hindi don syempre nagtatapos yun..syempre interesado akong malaman ang lahat kaya ipinapakuha ko kay mudra don sa nagtsismis sa kanya yung number nong "kapatid" daw namin.

Hindi pa din ako masyadong naniniwala sa ngayon. Mahirap at nakakaaning ang mag isip ng walang basehan. Kailangan ko munang makausap yung "kapatid" namin para malaman ko ang buong kwento. Naman sino ba ang maniniwala agad non...14 years ng kasama ni Fafa Jetut si pudra..sabi nga ni nanay "eh bakit hindi tayo hinahanap kung totoo?" Hindi kasi naisip ni nanay na bakit kami hahanapin eh hindi naman sya yung nanay non..tatay namin ang tatay nya..eh patay na yung tatay nya...bakit pa sya magpapakilala db? Kahit ako siguro ang nasa situation nya yun din ang gagawin ko.

Alam ko at naiintindihan ko ang situation at nararamdaman ni mudra ngayon. Masakit isipin na ang asawa mong pinakamamahal at ang alam mong naging faithful sayo hanggang sa mamatay eh may anak sa labas at sa ibang tao mo pa malalaman after 14 years.



Para sa iyo,

Hindi naman kita aawayin kasi walang basehan at alam kong wala kang kasalanan. Kahit mas bata ka pa sa akin tatanggapin kita kasi hindi mo naman choice na maging bunga ng isang taglibog na puno bawal na relasyon. Kung sakaling totoo ka man at hindi gawa gawa lang ng mga makakating dila ay pagpasensyahan mo na pag nagkita tyo kasi hindi ko din alam ang ikikilos ko. Hindi naman kasi ako tinuruan kung papaano humarap sa kapatid sa labas eh. Pero hindi naman kita aawayin kasi nga alam ko na ang mga bagay bagay. Bukas na ang isip ko sa reyalidad ng buhay. Kung siguro nong 18 years old pa ako ikaw dumating sa buhay namin baka sakaling sumama pa ako sa mga sundalo punta sa Iraq para lang mag training kong papaano magiging impyerno ang buhay mo. Pero dude dalagang ina na ako ngayon at umiibig na din kaya matatanggap kita ng buong buo kahit pa na bakla ka din tulad ng mga kapatid ko.

Pagpasensyahan mo na din si nanay pag sinupladahan ka at inirap irapan ka ha ganon lang talaga yun pero malambot pa sa bayag ang puso non. Pwamis!

Sandali bago ko maitodo ang emote ko dito eh kailangan ko munang malaman ang number ng "kafatid" namin na yun. Ayaw kong gumaya kay Lyzius at Cha na ang dami na agad plano.



19 mga naki sawsaw:

lyzius said...

iniisip ko ngayon, baka naman kapangalan lang ni tatay ang tatay nya...

natatandaan ko nun sa banalo na me lumaban na baranggay kagawad na pinsan ni tatay...

mario anyayahan din ang pangalan...

lyzius said...
This post has been removed by a blog administrator.
lyzius said...
This post has been removed by a blog administrator.
revsiopao said...

base!
babalik ako kumareng powkie.

cyndirellaz said...

ako? panu ko ba ito iha handle? cguro tatanggapin ko pa din siya pero cguro it will take tym, may kakilala na din akong mag step sisters eh kaso ayun matatanda na sila pero di pa din nila tanggap ang isat isa.. tsk tsk!

The Gasoline Dude said...

Gusto ko magkaroon ng kapatid sa labas. KAhit kasi kapatid sa loob wala ako eh. Malungkot ang nag-iisa.

BURAOT said...

heehhe. mahirap sempre yan sa una. pero in a real world, hindi simple ang buhay. at mas maraming relationship ang mas compicated sa buhay.

kaya mahirap din mag-judge sa buhay ng may buhay. maaring nagkakamali lang ang isang tao, o may mas malalim na dahilan.

whatever it is, ang mahalaga ay masaya ang isang tao sa ginagawa nya. basta happy ka. kung me maidulot man na kumplikasyon ang desisyon mo, ganun talaga eh. just hope for the best.

kaya kung totoo man na me utol ka sa labas, tanggapin mo na lang. dugo mo rin naman yun.

i'm sure may malalim na dahilan ang erpats mo kung bakit.

KINGdom of Saudi Arabia said...

Yan si Powkie! Kung gaano ka-green ang utak mo ganun din kalambot ng puso mo.

Nahihinog din tayo dahil sa pagmamahal:A clean heart is a free heart. Keep the joy of loving God in your heart and share this joy with all you meet esp. your family.

God bless you Powkie!

kyin said...

ahahahahaha!!!dami na nga plano...ambilis ng tsismis ano??ahahahaha!!cno ga nman iyong pinagkwentuhan mo na un..hahahaha...my mga ganun pa palang factor un nung kabataan mo duude a..ahahahaha

kyin said...

ahahahahaha!!!dami na nga plano...ambilis ng tsismis ano??ahahahaha!!cno ga nman iyong pinagkwentuhan mo na un..hahahaha...my mga ganun pa palang factor un nung kabataan mo duude a..ahahahaha

cha said...

masama bang mag-daydream? e pangarap ko na yun dati pa na magka-kuya, ahahahaha! nagpakabakla ka kasi dude kaya di ko maramdaman sa yo ang brotherly love, ahahahaha!

i-pressure mo na si nanay sa pag-imbestiga.

nung tanungin ko nga si nanay kung totoo ang chismis, sabi niya sa akin: wag niyo masyado dibdibin yun.

ahahahaha! natutuwa pa nga ako. :)

Panaderos said...

Normal ang mga nararamdaman niyo ng nanay mo. Sana ay hindi totoo ang mga nababalitaan niyo pero kung lumabas na totoo nga na may kapatid ka sa labas, sana ay maging maayos ang inyong pagkikita.

Siyanga pala, pakibisita ang blog ko. Mayroon kang munting award. :) Salamat.

emiLaySkie said...

Bago lang po ako dito. Padaan po.

Siguro kahit matanda na ako at ako ang nasa lagay ni Pokwang ay mahihirapan pa rin akong matanggap na may kapatid ako sa labas. Pero kung susumahin kasi sigurado wala namang lalabas na ganung chismis kung walang basehan di ba? Kaya Miss Pokwang dapat siguro ay ihanda mo na rin ang sarili mo sa possibility na totoo nga ito para maging maayos ang meeting nyo kung sakali. Sigurado ako pag nakilala mo naman na yung kapatid mo ng masinsinan lalo na pag nakita mo yung common features or characteristics nyo maa-appreciate mo na rin sya.

Add po kita sa list ko ha? ^_^

bloggerjorge said...

Ang hirap yata ng lagay mo ate powkie, nde ko maimagine kung ano mararamdaman ko kung nasa lagay mo ako..

hmm... pass muna, may lagnat pa ako eh, hehehe

kwentongkengkay.com said...

nung high school kami may isang barkada ako na nalaman nyang may kapatid din sya sa labas. ayun, naiiyak sa klase namin. pero siguro kapag medyo may edad na sya, iba na rin ang magiging reaction nya. after all, hindi naman yung bata ang may kasalanan di ba?
hoy, kelan ka punta dito?

Gardiniere di Cristo said...

God bless you for that!

utoysaves said...

uy, nasa blogroll ko na si cha. bigla nga akong napaisip. sila lyzius kasi at cha, magkamukha, tas ikaw anlayo sa kanila. kaya tuloy gusto kong itanong...

mga ampon ba sila? hehe...

good luck sa bago mong "sister." nakausap mo na ba?

revsiopao said...

Lighter side ang sa akin kapatid...

Kung totoo man at nakilala niyo na siya, itanong mo kaagad kung may blog ha para mai-add natin kaagad. Ang saya nun kung sakali. Imagine 5 na kayong magkakapatid na bloggers. Ang lupet!

Seriously, whatever 'truth' you will discover, sana'y maging handa ang lahat lalo na ang nanay mo.

ikay said...

hahaha...nakakatuwa kyong mgkakapatid kc ang susweet nyo...kainggit!!!at tlgang kayo kayo eh mgkaka link...heheheh