Wednesday, February 25, 2009

unag araw sa rehab

Init na init ka na Naglalaway ka na..may mga burat tsukuleyt sa harapan mo,nakakalat...pero hindi mo pwedeng kainin o dilaan. Ang pwede mo lang gawin ay ang hawakan. Ano ang mararamdaman mo? Sakit sa puson davah?

Para akong adik sa katol na giyang maghapon kasi hindi masindihan ang katol at walang posporo..nabasa! Naglalaway at di mapakali...pinagpapawisan at pabalik balik sa cupboard...mahirap talaga para sa akin yung ginawa kong pwamis kagabi na hindi pagkain ng kahit na anong matam-is sa loob ng 40 araw mula ngayon. Pero sabi nga sakripisyo! Walang pumilit sa akin..medyo nagpasikat lang ako kay Fafa Jetut pero bakit ba ako reklamo ng reklamo! Kanina tuwing maiisip ko ang matam-is at naglalaway ako eh iniisip ko na lang na baka sa hindi ko pagkain ng mga matatamis na food eh may mga batang nagugutom na mabubusog!

Mga rason kung bakit mahirap sa akin ito:

*May matam-is na ngipin ako..sa bisaya..sweet tooth! Kung meron kayo nyan alam nyo ang karamdaman ko...
* Smoker ako dati..sa ngayon napipigilan ko lang ang paninigarilyo pag kumakain ako ng kahit na anong matamis after kumain o kahit na pag nababagot...Hindi din naman ako makapag yosi ngayon kasi number 1 rule ko sa sarili ko ang hindi pagyoyosi sa oras ng work..
* May sweet tooth din ang aking yaya slash amo kaya maraming tsukuleyt dito sa bahay at isa syang tukso sa ngayon..

Ang daming tukso ngayong unang araw. Kaninang tanghali may inuwi pa ang yaya slash amo kong keyk. Mukha sya talagang yummy. Inilagay nya pa don sa gitna ng lamesa na parang sinasabing "Hey..come and eat me". Tapos mahigit pang kalahati yung aking burtdey keyk kasi ako lang naman ang kumakain non..ayaw nong mga bata ang keso keyk! Kakabili lang ng aking yaya slash amo na may sweet tooth din kahapon ng sandamakmak na tsukuleyt..parang nakakaawa silang tingnan sa lalagyan pag hindi nauubos.

Kaninang umaga yung usual kong tinapay/butter/jam/honey/nutella eh naging tinapay slash butter na lang. Kaninang mga bago mag tanghali na uswali eh nakakailang dukot na ako ng tsukuleyt eh naging nakailang basong tubig na ako. After ng lunch na kung datirati ay may dessert pa ako eh kumuha na lang ako ng ilang pirasong ubas at sinabayan ng maraming tubig. Basta itong maghapon na ito eh puro tubig ako tuwing maglalaway kaya panay din ang ihi ko.

Kaninang hapon nagkakalkal ako ng pwedeng iluto sa freezer..wala sa huwisyong kumuha ako ng tsukuleyt. Nasa bibig ko na nong naisip ko kung ano ang ginagawa ko..pwamis niluwa ko agad...bait ako ano? Parang daga lang!

Natapos ang maghapon na daang beses akong natuksong kumain ng matam-is at isa lang dumaplis. Palagay ko hindi na masama para sa unang araw ng isang adik sa matam-is. Para lang akong adik na unang araw sa rehab..Gawd hilp me!


14 mga naki sawsaw:

revsiopao said...

base muna!

revsiopao said...

Kaya natin 'to kumare.
Para kay "BRO".

Go go go!
Sa Easter Sunday, kakain tayo ng pinakamasarap at pinakamalaking keyk at tsukoleyt.

Have a truly meaningful Lent!

x said...

adik din ako sa tsokoleyts...

makikipagsuntukan ako para sa isang bar ng twix...

kyin said...

duuude...yaman din lamang at kylangan mong isakripisyo ang sweets e magdrugs ka na lang muna...mas mainam un..matutupad mo pa ang promise mo...keep it up!

bloggerjorge said...

Wow! Ang hirap nmn ng sakripisyo mo ate powkie! Para ngang adik sa katol at muriatic acid ah, hihihi..

Goodluck sa atin!

Godbless!

Pinoy Blog said...

Hehe...niluwa! Good!

Mas mahirap iyan sa paghinto sa pag-inom kasi mas masarap ang matamis kaysa sa alak. Hehe.
At mas maraming chance na maka-encounter ng matamis kaysa alak. Lalo na sa bahay.

Good luck at sana huwag kang matukso!

---Mike Avenue

echo said...

labanan ang tukso pokie! o kaya kuhanan mo na lang ng picture ang malinamnam na matamis at i-post mo para marami din ang maglaway, hindi lang ikaw! hahahaha!

Cutter Pilar said...

kaya mo yan ate powkie. ilang buwan ba yan? hehehe. isipin mo nalang sakripays mo yan for the holy week at tulong na rin sa kalusugan mo para hindi ka madiabetes! ako nga sisimulan ulit ang no meat, at fish and gulay lang hanggang sa end ng holy week e. kasabay ko ang taga-luto ng ulam kaya wala akong magagawa :(

Panaderos said...

Makakaya mo iyan.

Hayaan mo at halos 38 days na lang at puwede ka na uling kumain ng mga paborito mong Hershey's Kisses, Reese's, Cadbury, M&Ms, Toblerone, Butterfinger, Baby Ruth, Almond Joy, 3 Musketeers, Mars, Godiva, Kitkat, Almond Roca, Mounds, Goya, Tootsie Rolls, Ricoa Round Tops, at Choc-Nut.

For now, huwag ka munang matukso sa tsokoleyt, ok? :D

abe mulong caracas said...

ganyan din ako nung totoong nasa rehab ako nyahaha!

joycee said...

wahahhah unang araw pa lang ate!

kaya mu yan! tutulungan ka ni Bro. =)

UtakMunggo said...

nakakainis ka naman. ay! nkakainggit pala. hindi ko kaya yang hindi pagkain ng matamis. mamamatay ako talaga.hihi

maglalagalag muna ako bakla ah. try to miss me for wan week at kakamustahin ko lang ang mga kamaganak naming cartoons sa pransya. ahihi

*kaway kaway*

p0kw4ng said...

@rev...pilit kakayanin kahit nanginginig na sa paglalaway sa matamis,hehehe

rev punta ka dito sa easter at ng sabay tayong lumamon ng matam-is,hihihi

@X...di ko pa naman nagagawang makipag suntukan...kurutan pa lang,hihihi

@kyin...sumbong kita kay mudra sa payo mo dude..ahahaha..ayaw ko na non kasi magiging dalawa na tayong adik,hihihi

@jorge...hirap nga jorge...talagang 2 araw pa lang eh laway na laway na ako..huhuhu

gud lak sa atin...ikaw din ba?

@mike...ay korek ka sa sinabi mo..lalo na dito na ang daming sweets sa cupboard,huhuhu

salamat at sana nga di matukso..huhuhu

@echo...hahaha gandang idea yan echo..salamat!

@pilar...40 days nga,hanggang easter..di ka nagbasa ng ayos no?hehehe

ay madali lang sa akin yang sa karne kasi hindi na talaga ako masyadong mahilg sa meat ngayon..mabubuhay ako kahit seafoods lang porebah,hihihi

@panaderos...salamat! hhuhuhu iniisa isa mo pa talaga..pero alam mo ba na kahit na pinakamurang sukuleyt ay di ko pinalalagpas,hehehe

@mulong..apir tayo!

@joycee...salamat joycee..kakayanin ko ito..

@munggo...bakla..pinipilit ko ngang kayanin para kay Fafa J,hihihi..wag ka ng mainggit at di maganda pakiramdam,hihi

oist yng bilin ko ha..burat ni mickie,hihihi..ingat ka bakla at bigla daw nandadakma si goofy!

@kyin...

coolwaterworks said...

What! Kulelat na naman ako.. Hmmm...

Anyways, nakakatuwa naman at successful ka pa rin sa struggle mo... Hindi ka nag-iisa! Ako rin I'm struggling sa pinili kong i-sakripisyo... Mahilig pa naman ako sa ... Hehehe...

May God hold us and secure us when we feel like giving up!