Unang stop..kumain sa Thai resto at binusog ang mga bulate ng beef chop suey at kanin. Syempre sagot ng date ko yan. Usapan na namin na hindi sya magrereklamo sa lahat ng ipapabili ko at magustuhan ko ngayong weekend na ito.
Padalawang stop..sa Saturn para maghanap ng bag para sa aking pinakaiingatang
Patatlong stop..sa Body Shop para bumili ng mga kung ano anong
Pang apat na stop...Nike para tingnan yung gusto kong sapatos kung nandon pa. Sa awa naman ni batman eh nandon pa at hindi pa bumababa ang presyo. Nagpasalamat ako kasi hindi ganon kaloaded ang kadate ko para mabili ko yun kahapon. Pilit kong sinasabi sa isip ko na hindi ko pa kailangan yun.
Pagkatapos ng ilang oras na pag iikot ikot at pagpapaalipin ng kadate ko sa mga luho ko nong araw na yun eh naglakad lakad ako sa walking street. As usual daming iba't ibang uri ng tao lalo na at sabado. Dami ding mga iba't ibang performer. May mga dinedeadma lang ng mga tao at meron din namang pinagkakaguluhan. Tulad na lang nitong tinambayan ko ng isang oras.
Aliw na aliw ako sa kanila kasi talaga namang ang galing nila. Kulang na nga lang eh sabitan ko sila ng pinag dugsong dugsong na balat ng kendi na may nakasulat na "best in music". Lalo na at ang karamihan sa mga kanta nila eh mga kanta ng ABBA.
Wala na ako sa mood maghapunan kaya umuwi na lang ako nang maaga. At pagdating sa bahay eh sinubukan ko ang isa sa mga nabili ko sa BS. Nagbabad ako ng 30 mins sa tubig na may pinaghalo halong wasabi,algae at putik galing sa dead sea. Malay ko ba kung totoo yun..kahit na ilagay pa nilang may tae ng daga yung nabili ko na yun wala akong pakialam. Putsa pag ahon ko nakalimutan kong tadtad ako ng peklat at mga kamot na para lang mga uod na nakadikit sa katawan sa lembot ng balat ko.
Kahit na medyo nanghihina na ang kadate ko eh hindi sya pwedeng sumuko kasi may usapan kaming alipin ko sya buong weekend kaya may hanggang bukas pa!
Sarap kadate ng wallet talaga. Yung paminsan minsan eh parang uutuin mo ang sarili mo sa pagbili ng gusto para magkaroon ulit ng lakas para mag trabaho.
Kinabukasan.......
1pm na ako nakadating sa city kaya deretso na ako sa Intsik Resto na may dimsum para kumain ng lunch. As usual wallet ko lang ulit ang kadate ko. Binusog ko ulit ang mga bulate ko sa tyan ng spare ribs in bean curd sause,steamed beef balls (pinasingawang bayag ng baka) at chicken soup.
Naglakad lakad ako at nagkape sa starbaks. Sa kapehan eh don ko naka date si Bob Ong. Oo engot na kung engot pero ngayon ko lang nababasa ang mga sinulat nya. Papasko ni Kyin sa akin. Kasama ko sya habang nakahilata ako sa isa sa mga couch sa loob. Sa loob ng starbaks ko natapos ang ABNKKBSNPLAKo?! Don ko natuklasan na pareho ang pinag daanan namin ni Bob...(ay sya kompatibol na kayo)
After ng kape eh sumimba na ako.................
Pakatapos ng mass eh dumaan pa ulit ako sa tindahan ng kung ano ano at nakadampot ng
Natapos ang weekend na wallet ang kadate....Sarap!! Hindi ko na alam kung kailan ulit ang ulit nito! Bihira naman akong sumagad ng gastos kasi tuwing gagastos ako eh naiisip ko ang maraming tao ang naghihirap. Ako kasi ang klase ng tao na pag sobrang pagod lang saka inuuto ang sarili sa pag bili ng mga gusto para magkaroon ulit ng lakas para mag trabaho. Pag ganyan na ang kundisyon ko hindi ko na naiisip ang mga naghihirap. Taym pers muna! Wala naman sigurong masama as long na hindi ko nakakalimutan ang mga responsibilidad ko.(inuuto ang sarili para di makonsensya)

24 mga naki sawsaw:
Ang sweet naman ni wallet napakagalante, kelan kaya ako idedeyt ng wallet ko????
you worked hard for it kaya siguro just savor the moment! wag mong konsensyahin ang sarili mo dahil di mo kasalanan ang mag shopping!! hahaha!! saya naman ng date niyo! sana yung next tym eh kasama na ako!! heheh!!
Naman! Kakadate ko lang din with my wallet, ayun, tigang na, naubos ang lakas, toinks! hahaha..
Babalik ako ha.. teka lang.
isa pa lang nababasa mo duuude??ambait naman nung nagbigay sayo nyan..ahahahaha!
ang galante naman ng wallet mo. pag-uwi mo dito date din kami ha. :)
you deserve that treat for your self kasi pinaghirapan mo 'yan.
oi!favorite ng inaanak ko si Bob Ong.:D
lol. tamod ng manok a! hahaha. naku ate powkie, sige basa kay Bob Ong. ganda ng stories nyan! thumbs up ako kanya. *thumbs sa kamay, toes sa paa at isang tinggil para sa kanya* lololol.
deserving ka sa break na yan! :)
ay, ang sarap naman ng buhay mo pala. ako nag flea market lang e, hehe
Nagbabalik!!
teka ano na nga ulet sasabihin ko? hmmm..
Shopping galore ka pala eh, share naman dyan!
tsk tsk akala ko naman...
buti ka pa nakakadate mo yung wallet mo, ang wallet ko kasi minsan nagtext sa akin, sabi nya "d ako pampakapal lang ng bulsa!"
aba ano magagawa ako kung walang ilalaman kaya nag text back ako, sabi ko "txt kta mmaya!"
Ate okay lang naman gumastos paminsan-minsan kasi pinagtrabahuhan mo naman eh. Atleast may bunga ang pagpapakapagod mo basta alam natin ang limits. hehe Sobrang sarap talaga mag-shopping at gumala pag makapal ang laman ng wallet(wag puro papel hah!)
You know pwede ka mag download ng e-books ni Bob Ong at sa pc mo nga lang babasahin. Just ask me if you want to.
P.S nakaka-senti yung mga songs sa playlist. bwahaha
MC :]
tama lang na kahit paminsan minsan ay i treat naman ang sarili dahil nagpapakapagod at pakahirap sa pagtrabaho...
Bakit ngayon ko lang ito nakita hahahah.
@joycee...ay oo super kadufer galante at sweet lalo na pag may sumpong,hihihi
@cyndi...pwede ka namang sumama sa amin..lika punta ka dito,hihihi
@jorge...eh baka nakailang round kayo,hihihi talagang mauubusan ng lakas yan! hala balik ka agad ha...
@kyin...dude naman..para namang pagbabasa lang ang trabaho ko..may skype pa at YM..sabay mo pa ang blog at pinoychannel...hahaha
@cha...faithful ito sa akin...pero try mo din kung papayag na makipag date sayo,hehehe
@pilar...salamat! hindi naman halatang taas ang lahat sayo kasi pati tinggil mo eh inilabas mo na din,hihihi
@kengkay...ay gusto ko yan..flea market..daming mura dyan at daming makikita,hihihi
@jorge ulit...ang haba ng ibinalik mo ha,hihihi...di naman galore..galo lang,hihihi
@abe...lamanan mo ng mga resibo,hihihi..natawa ako sa sagutan nyo ng text,hahaha
@MC...naisip ko din nga eh! hay sinabi mo pa..yung shopping na yung gusto mo ang tinitingnan mo hindi yung presyo muna bago ang design,hihi
salamat ha pero yung anim na na book ang pinadala ni kyin eh!
@basti...salamat..oo nga..parang pinaka gasulina na yata ng katawang lupa natin yun!
@ginez...bakit ngayon ka lang dumating??hihihi
Okay lang yan Miss Powkie... Minsan magpakasasa ka rin kay Wallet... Hehehe...
Re: photography, i am just an email away... :)
Okay lang yan Miss Powkie... Minsan magpakasasa ka rin kay Wallet... Hehehe...
Re: photography, i am just an email away... :)
ako madalas magdate kasama ng credit card ko. OMG bayaran na naman...
naisip ko kailangan ko na din palang bumili ng tamod ng manok ngayong summer, pero mas ok siguro kung tamod ng ostrich ang maipahid mo mayaman daw kasi yon sa protina na nagpapalakas ng naglalambot nating katawang lupa.
masarap nga din sa pakiramdam na laging galante ang wallet..hehe..at naititreat mo ang sarili sa lahat ng job well done o kahit wala lang..gusto mo lang gumastos paminsan minsann.. :D
wala akong kadate na wallet wala kc ako nun pero gusto ko ung kadate mo sa starbaks buti na lang hindi ka nya tinanong ng "ABNKKBSKNPLTLGA?!?"
wala akong kadate na wallet wala kc ako nun pero gusto ko ung kadate mo sa starbaks buti na lang hindi ka nya tinanong ng "ABNKKBSKNPLTLGA?!?"
Ok lang na i-treat mo ang sarili mo paminsan-minsan. Pinagpaguran mo ang mga bagay na iyan so you deserve to relax every once in a while. Ok rin lang din na gastusan ang iyong sarili basta huwag lang lalabis sa iyong pangangailangan.
Mukhang bigay na bigay nga iyong mga performers na nakalitrato sa entry mo. I also enjoy watching such street performances. :)
powks, pwede bang maka-blind date yang wallet mo? kahit kalahating araw lang. hehe...
kalahating buwan (as in half moon) din akong di nakablagadag-hop ah.ΓΌ
Post a Comment