Thursday, March 5, 2009

Plano sagip matris!

Maraming bagay o nangyayari dito sa mundo na minsan mahirap ipaliwanag. Walang makasagot sa mga katanungan kahit na ang pinakamatalinong tao. Sabi nga..ang hiwaga ng pagkakagawa ni Fafa Jetut sa mga bagay bagay!

Tulad ng mga simpleng tanong na unti unting nabuo sa kakapiranggot kong utak. Simple pero kahit anong hanap ko sa libro ni Lola Basyang at sa panyo ni Mang Kepweng ng kasagutan eh hindi ko makita.

Tulad nito:
* Bakit ang butas ng pwet wala namang talim o ngipin eh nakakaputol ng tae?
* Bakit hindi nababasag ang itlog sa gitna ng pwet at pekpek ng babae kahit na anong pukpok nito don?
* Bakit ang dila na parang walang lakas eh nakakapag paangat ng pwet?

Kung buhay pa siguro si Ka Ernie masasagot nya ito!

Sa sobrang pagod ng aking katawang lupa nitong mga huling araw eh wala akong magawa para sa sarili ko. Marami akong naiisip na isulat pero puro simula hindi ko alam kung saan magtatapos. Meron namang hindi ko alam kung saan ko sisimulan pero may nabuo na akong wakas. Tangna..pagod na nga ang mahumps kong katawan ko nakikisali pa ang utak ko pag iisip sa mga bagay bagay para sa aking buhay..para sa aming buhay na mag iina.

Alam kong pangit ang pag aalala ng kung anong mangyayari bukas kasi wala namang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa atin doon. Nakakapangit lang lalo ang mamroblema ng mga bagay na hindi mo pa alam kung mangyayari. Nitong mga huling araw ang dami kong plano sa buhay allien ko..nahohomesick na ako..wala na akong ginawa kundi gumawa ng plano A..plano B...hanggang plano Z na yata meron ako. Pero lalo lang akong natotoxic. Bakit di ko isipin na magpakasaya ako kung anong meron sa ngayon...Makontento..magpasalamat at pagkasyahin kung ano ang natatanggap sa ngayon... at saka na isipin ang bukas...Bahala na si Fafa Jetut don. Naisip ko din..kahit naman anong gawin nating plano kung hindi para sa atin yun eh hindi mangyayari yun. Sabi nga ng mga tambay sa kanto..pag may sinuksok..may bubukol!

"The plans of the mind belongs to mortals,but the answer of the tongue is from Fafa Jetut"

Nabasa ko habang tumatae ako kanina kaya medyo natauhan ako ng konti. Konti lang kasi kailangan ko pang ipa translate sa tagalog para maintindihan ko ng ayos!





24 mga naki sawsaw:

Heleyna said...

* Bakit ang butas ng pwet wala namang talim o ngipin eh nakakaputol ng tae?
* Bakit hindi nababasag ang itlog sa gitna ng pwet at pekpek ng babae kahit na anong pokpok nito don?
* Bakit ang dila na parang walang lakas eh nakakapag paangat ng pwet?

~ tagaktak ang pawis ko sa mga tanong na hindi ko rin naman kayang sagutin...kaya magbabalik na lang at baka madehydrate ako. Wahaha. Powkie talaga oo!

abe mulong caracas said...

isipin mo na lang na kung ang mga ngipin...na nasa bibig ang pumuputol sa ebs?

revsiopao said...

ano na naman ba ito kumare?!

homesick ka nga... panigurado 'yan.

dyusme, halos malunok ko ang gilagid ko sa mga banat mo tungkol sa p**t, i***g at dila.

lalo tuloy gusto na kitang bisitahin sa alemanya. kailangan mo yang tawasin. toinks!

kyin said...

naku duuude...ano na namang mga tanong yan?kung san san naghahalungkat na baul ih..nyahahaha

joycee said...

hanu ba namang mga tanong yan? pag alam mo na sagot ate, sabihan mo ko ha!

live your life one minute at a time, ate. basta enjoy lang. :D

*mwahugss
~joycee

bloggerjorge said...

Hehehe, nakakadugo nga ng gilagid itong mga katanungan mo ate powkie, toinks!!

Ang hirap kalaban ng homesick hano? haysz!

Ang ganda ng aquarium mo ha, hehehe

Godbless!

MIke Avenue Pinoy Blog said...

"Bakit hindi nababasag ang itlog sa gitna ng pwet at pekpek ng babae kahit na anong pukpok nito don?"

Iyan ang pinakamalambot na bahagi ng katawan ng isang babae, yung tinatamaan ng "itlog".

TAMA! Kung hindi para sa atin at hindi kalooban, malabong mangyari. Mag-iba tayo ng landas o maghintay sa wala. Iyan ang pwedeng gawin. Pero kung ako ang tatanungin, dun ako sa sigurado. Gumawa ng mabuting plano, ipatupad at tumulong sa kapwa. Sa pagtagal, makikita mo, ang planong hindi para sa iyo, pero dahil mabait ka, ibibigay din niya sa ibang paraan.

kikilabotz said...

Bakit ang butas ng pwet wala namang talim o ngipin eh
nakakaputol ng tae?
..kaz malambot ang tae, try mo ipasok ang kamay mo hnd mapuputol. haha

* Bakit hindi nababasag ang itlog sa gitna ng pwet at pekpek ng babae kahit na anong pukpok nito don?

.. kz gaya din un ng paglimlim ng manok sa knyang itlog khit anung dagan hnd nababasag


* Bakit ang dila na parang walang lakas eh nakakapag paangat ng pwet?

sabi nga nila ang tongue daw ang stongest muscle kaz kaya daw nya magpapunta sa heaven o kaya sa impyerno. haha

p0kw4ng said...

@heleyna...hihihi ay sya kuha muna ng panty at ng maipamunas sa tagaktak,hihi

@mulong...yummy yang iniisip mo,hihihi

@rev...huh at ikaw ay nagbalik sa sirkulasyon,hihihi

homesick..homesex..toxic..isama mo na din ang toxsex..hahay!

@kyin...nakakalat kasi yung baul ih...nilinis ko eh ito ang nabasa ko,hihihi

@joycee...sige joycee isusulat ko sayo ang sagot,hihihi

salamat!

@jorge...sobrang hirap kalabanin...walang armas pero kakamatay! pakainin mo sila ha...

god bless din!

@mike...siguro nga ibibigay sa ibang paraan dahil yun ang nararapat na nakatakda para sayo...tsaka sabi nga db...hindi lahat ng gusto natin eh makukuha mo sa madaling paraan..kailangan mong paghirapan para makita mo ang halaga nito...may sense pa ba yung sinasabi ko? hihihi

kiki...uy salamat sa pagdaan at pag sagot ng mga tanong ko,hihihi

BURAOT said...

hmnnn... medyo malalalim ang mga binitiwan mong mga tanong tol. tamang philosophy.

na-miss ko tuloy bigla si ka ernie.

nyehehe.

angel/trese said...

bwahaha ibang klase yang mga tanong mo ah.. ngayon alam ko na kung bakit kayo nagkakasundo ni UM. bwahahaha..

nga pala, nag iwan ako ng maraming maraming pagkain sa mga isda mo.. (lol)

utoysaves said...

hayan at umuusok pa ang tenga ko habang nagkokomment. hehe...

ang galing talaga ni Papa Jetut ano? naisip nya ang mga bagay na yan, talaga namang useful sa sangkatauhan!

pero powks, may katawang lupa talagang kasangkot sa dramahan ha.ΓΌ
at may power of the tongue pa talaga!

PaJAY said...

* Bakit ang dila na parang walang lakas eh nakakapag paangat ng pwet?


yan lang ang comment ko..sarap sa tenga e....sarap ulitulitin...lolz...

Tama yan Powks..makontento dapat sa mga nilalasap mo ngayon..mabuhay ka!..

Basti said...

Isa lang alam ko, things will fall into their proper places, in time. God is the architect of all beings, and yet he gives us freedom to make choices and to run our lives.
but when things go wrong, he always come to the rescue.
Why you're there, why things ahd to be like this, is all because of a reason.. cguro may mga sarili kang reasons, pero may deeper reasons pa dun ....

inga lagi jan and god Bless, sana makapagcomunicate ka lagi sa family mo para di ka mxado ma homesick.

a.r.d.y.e.y. said...

kung may ngipin kasi ang pwet, mahirap alagaan ang mga ngipin. tutbrasin mo pa ba naman araw araw ang pwet mo eh di ang sakit nun.

saka wawa naman mga bading.

UtakMunggo said...

aloha powkie dowkie dok!!! magbabalik mamaya magluluto muna ako. haymeshu bakla!!

payatot said...

ang hirap sagutin ng bakit ang puwet e wala naman talim o ngipin pero nakakaputol ng tae..siguro ang sagot dyan ay subukan mo kaya maging tae minsan para malaman mo at pagkatapos ipaalam mo sa amin..waaaaaaaaaaaaa, grabe talaga ang mga katanungang yan ang hirap ng sagot

UtakMunggo said...

idagdag mo sa tanong mo, pano kaya kung ang tuhod ay nasa likod ng tuhod at ang likod ng tuhod ay nasa tuhod?

ah magulo ba? sori naman.

namiss ko ang blog community nating bakla. ang OA ko ahaha.

lahat ng tao dapat may plano. pano tayo uurong sa pagunlad kung wala nito diba? pero tama ka naman sa ideya mong dapat may plan B hanggang plan Z kung kaya para may fall back tayo kapag nabigo.

glesy the great said...

"The plans of the mind belongs to mortals,but the answer of the tongue is from Fafa Jetut"

okay lang magplano sa buhay kesa wala namang plano talaga... eh kung sayo ukol eh bubukol ika nga... bakit ko ba nasabi yan.. alam kong may makamundong pag-iisip ka na namang maiisip.. cheers;p-glesy the great

p0kw4ng said...

@buraot...nakakapag isip ba?hihihi

@angel...uy salamat sa apagpapakain..pwede kang mamingwit para pang ulam mo dyan,hihihi

@utoy...para bang may inihaw sa pag usok?hihihi

syempre kasi may katawang putik at tubig din ako eh,hihihi

@pajay...baka sa kakaulit ulit mo eh may biglang umangat..hahaha

salamat po!

@basti...totoo yan lahat ng bagay o pangyayari eh may rason kung bakit nangyayari..minsan mahirap lang tanggapin sa una lalo na kung wala sa plano mo...pero narerealize ko din sa huli na nasa tabi ko fafa J lagi...

salamat basti!

@RJ...hmm mahirap nga pala yun no?lalagyan mo pa ng tutpeyst na maanghang,hihihi

@payatot...may mga bagay kasi talagang mahirap sagutin kung bakit,hihihi

@munggo...bakla haymesyu din..salamat sa ubong mo ha!

ang sagwa yata non bakla...tsaka mahirap lumuhod sa fafa non,hihihi

hay kung sa plano lang eh marami akong reserba,hihihi..kung may lagpas pa sa Z na letter eh meron pa din ako non,hihihi

glesy...wala akong makamundong naiisip..pwamis wala talaga...ang linis ng utak ko,hihihi

kwentongkengkay.com said...

hoy anong drama na naman yan? hehe tawagan mo ako at meron akong ibubulong sa yo

bloggerjorge said...

Wahahaha, panalo itong youtube mo ate powkie!!

Batibot ka dyan! hahaha.. astig!!

Panaderos said...

Maganda iyong quote na iyon. Ang tanging magagawa mo lang talaga is to do your best in everything and hopefully, God will smile on you and reward you someday for all your efforts.

Sometimes things don't go our way. We just need to learn from the experience and move on but we should never stop trying.

Very nice post. :)

p0kw4ng said...

@kengkay...wala ito..natatae lang ako,hihihi..sige tawag ako sayo!

@jorge...salamat...sige hapi bati...bot sayo!

@panaderos...sabi nga wag gumive up sa pagdadasal ng kung ano ang gusto mo..kasi pag bumigay ka o sumuko agad iisa lang daw ibig sabihin non..hindi ka seryoso sa hinihingi mo!

salamat at god bless!