Thursday, March 12, 2009

what is sex?

Ders a kayn op hash
Ol ober de worl Tonayt...
Ol ober de worl

En nanananana en hapi en nays...

Sow lisen beri keyrpuli...
En nanana nanana nanana...
weneber weneber!

Pinipilit ko ng di maapektuhan ang utak ko ng pagod kaya naman panay ang kanta ko ng kantang yan mula kaninang umaga. Paulit ulit lang.... Bakit yan? Di ko din alam bigla na lang syang pumasok ng walang kadala dalang ticket sa utak ko. At ang laki pala ng tulong ng pagkanta kahit na wala sa ayos ang tune at lyrics ko, parang di pa sila nakakadalaw sa system ko kaya ligaw na ligaw ang makakadinig!

Salarin ang dakila kong mudra sa pagpipilit kong mabago ang attitude ko lately na nakakapagpa toxic ng araw ko.

p0kw4ng (12/03/2009 13.25.33): nay musta dyan?
mudra (12/03/2009 13.26.18): mabuti naman.Ikaw?

p0kw4ng (12/03/2009 13.26.35): ok lang din po...lagi pa ding busy...
mudra (12/03/2009 13.29.45): e di mabuti at nakikisabay ka sa kwaresma. penetensya..hehe

p0kw4ng (12/03/2009 13.30.26): oo nga po..mas mahaba nga lang ang akin at wala pang kwaresma eh nagpepenetensya na ako
mudra (12/03/2009 13.32.19): mas mabuti na ang mahirapan dito sa lupa kaysa sa kabilang buhay ka pa mahirapan. hehe.gospel yan ngayon.

Napaisip ako kahit na ingat na ingat akong gamitin ang isip ko nitong mga huling araw kasi konti na lang ang reserba ko. May tama ang mudra ko sa sinabi nya!

*pihit sa ibang channel*

Nagluluto pa ako ng lunch nong dumating ang dalawang litol supot galing sa school kahapon. Nagmamadaling pumasok ng kusina yung dalawa para magbigay pugay sa p0kw4ng. Inutusan kong maghugas muna ng kamay bago umupo sa lamesa. Sumunod naman ng walang angal. Pagkatapos eh bumalik sa akin si Tchiki at medyo nagpasakalye ng "Hmmm yummy" sa niluluto kong pasta w/ zucchini.

**Ang mga susunod na usapan eh inilipat ko na sa tagalog kasi hindi ko alam ang spelling ng mga pinagsasabi ko..(ows)

Tchiki: Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito?? (sabay nag form ng circle ang dalawang daliri sa left hand at nilabas pasok sa circle yung isang daliri sa right hand)

Ako: (Hindi nagpahalatang nagulat) Hindiiiii....Eh anong ibig sabihin nyan?
Tchiki: Eh di SEX!

Ako: (Kunyari non lang naabsorb yung sinabi) Huh..sino nagturo sayo nyan??
Tchiki: Si Sofie!! (parang nagmamalaki pa)....

Ako: Hey wag mo ng uulitin yan lalo na pag may ibang tao ha...masarap Masama yan!
Tchiki: Secret lang natin yun ha!

Ako ulit: Howki....Alam mo ba kung ano ang sex???
Tchiki: Hmm hindi! Eh ano ba ang ibig sabihin non?
Ako: (puta di pala alam may pasabi sabi pa akong wag ng ulitin yun) eh ano pa kundi sum ng 3+3 Tanong mo sa papa mo pagdating mamaya!

Wala pa akong kaalam alam sa ibig sabihin ng sex..INOSENTE AKO DYAN!!! ako sa pwesto para magpaliwanag sa kanya ng ganong kasarap kaselang bagay. Bahala na ang magulang nya don!

Pagdating ni yaya slash amo kong si Gregor sinabi ko na nagtatanong na ang anak nya kung ano ang sex. Hahaha at isa pang hahahaha....laglag ang panga nya sa gulat!

Eto si Otis bunso sa litol supot..si Sofie ang teacher ng iyutan sign na yun...at si Tchiki ang panganay sa litol supot.



15 mga naki sawsaw:

The Gasoline Dude said...

Natuwa naman ako dun sa Gospel. Hehehe tumatak talaga sa 'kin. = D

Hala! Ambata pa lang ah! Hindi ako magugulat kung matulad 'yan ke Alfie, yung 13 yrs. old na nakabuntis sa Lomdon ata.

joycee said...

sows mga bata naman talaga oo!

lupet ng transition mula sa gospel ni mudra,pero tama sya ha?!!!

madbong said...

langya, nastuck din tuloy sa utak ko yung kanta ahehe

livingstain said...

whahaha... nabasa ng mga ka officemate ko ung blogs mo dahil lang sa kantang bigla na lang lumabas sa speaker ko... whahaha...

kyin said...

c ninong(mon) ang salarin sa araw araw na gospel ni nanay..ahahaha!

lokong tchiki un a...baka kaya nalaglag ang panga ng yaya mo kasi baka naiisip nya na para paraan ka para sa actual demo nun para kay tchiki..ahahahaha!!!para paraan ka duuude!!!!

utoysaves said...

SMY, tinanong nung bata yun?!!!

sana kinorek mo yung bata.

sinabihan mo sana na hindi talaga bilog na bilog yung butas at hindi talaga ganun kaluwag yun...

taympers said...

san itinuro mo na lang naroon at naitanong na din.

pogingpayatot said...

hulaan ko kung san mo nakuha yang lyrics mo. sa jingle songhits na may libreng poster ni bear brand! hehehe

pasaway na mga bata!

x said...

kapag ako sumagot sa tanong ng batang yan, malamang mangrarape yan kinabukasan.

hehehehe

glesy the great said...

mas mabuti na ang mahirapan dito sa lupa kaysa sa kabilang buhay ka pa mahirapan--- ayos mukhang nakikinig talaga si inay sa gospel...

buti di mo sinabing.. tanong mo kay sofie.. masyado siyang nagmamarunong eh.. aheheh

advice: when giving sexual education to a child... start with the anatomy and physiology tapos sabihin mo to in a very scientific way.. ahehe.. para kunwari walang kakaiba dun... cheers;p-glesy the great

enjoy c",) said...

eh di nagulantang ka powkie? hehehe! nakatapat mo na ba ang mga little powkie? :D

kikilabotz said...

ahaha. tama si mudra mo. keysa s kbilang buhay k maghirap dito na lng.hehehe

anu b yan? ahaha. ang cucute ng mga bata. ang aga nmn nila nalaman yung sex n yan. hahaha

p0kw4ng said...

@gasul...sa akin din nga baon na baon yun,hihihi..ay di ko maimagine na magkakaanak ang anak ko ng 13 y/o..putsa!

@joycee...sinabi mo pa..iba na ang generation talaga ngayon!

@madbong...hehehe hangkyut no?

@living...nagulat ba? bakit naman kasi nasa opis eh may speaker pa..hahaha

@kyin...ahaha akala ko pa nman araw araw ng sumisimba si mudra! ahahaha..malinis ang isip nitong yaya ko na ito kaya di nya mahahalata un dude!

@utoy...sus yung mura ko ngang utak eh talagang nagulat sa tanong na yun! kung anak ko yun kaya kong ipaliwanag,hehehe

natawa ako sa aktwal akwal na yan,ahahaha

p0kw4ng said...

@taympers...wala ako sa position para magturo non...bahala na yung mga magulang nya! baka kasi biglang magulat ang parents pag biglang alam na nong bata tapos ang ituturo ay ako ang ang nagturo sa kanya...eh di lagot ako..ahahaha

@pogingpayat...hindi po don! sa dyaryong bulgar lang po!katabing column ni xerex!

@X...eh ikaw ba naman..ahahaha

@glesy...nagulat din nga ako kasi dati dati mukha lamg syang natutulog pag gospel na eh! salamat sa advice..sana magamit ko sa mga anak ko!

@enjoy...ahahaha...as in gulat na gulat ako!

@kikilabot...sabi nga nya...ahahaha!ewan ko nga ba at mukhang ang lilibog na kahit mga bata pa lang..

Panaderos said...

Nakakatawa talaga makipag-usap sa bata pagdating sa mga ganyang bagay. Sa susunod (pagkalipas ng 10 taon)eh papanoorin mo na lang ng video. :)