Thursday, May 14, 2009

Tenks Utoy!

Isang kahindik hindik na pangyayari...isang di kapani paniwalang bagay ang nabasa ko...isang makatindig balahibo ang naging reaksyon ko.

Aktuli hindi ko din alam ang ibig sabihin non o kung meron bang ibig sabihin yun. Parang nagpapakabait lang si
Bro.Utoy kasi sya ay yayaon na sa bansang Pransya sa katapusan ng buwan na ito. Welkam pinas ang drama ng konyotik na seminaristang ito.

Sige na nga..(padyak ng isang paa sabay pamewang)...kahit hindi nyo ako pilitin sasabihin ko na. Napasali ako sa takten lis ng Most Influential and Emerging Blogger sa bahay ni Utoy. At naisingit nya ako sa pang anim at talagang magkatabi kami ng nanahimik na si Rev. Siopao (buhay pa ba yun??) Botohan yata yun as in vote hindi titian o buratan ha. Pwede kaya akong mamili ng boto??..votes ha hindi titi o burat. O magpadala ng flying voters?? Meron kayang flying boto?? o flying burat para mas cute

Kahit pigain nyo pa ang pekpek ko wala talaga kayong mapipiga kasi nga tigang ako akong alam kung bakit nya ako isinali don. Malamang nadaan ko yun sa padamihan ng comment sa kanya at ang matyaga ko laging pagbabasa! Ang dali lang pala.

Sobrang tats ako kasi binigyan nya ako ng maisusulat ngayon. Sana lang pag magkaharap tayo yang tats tats na drama na yan para masaya ang mga bituka.

Siryusli Utoy....Salamat po ng marami...nawa eh humaba pa ang iyong buhay at ng makapagsulat ka pa at makabasa ng mga blog ng matagal.....at marating mo pa ang mga pangarap mo paglaki mo. Magkaroon ka din sana ng malulusog at maraming mga anak kay Fafa Jetut. oh no!!! sino ang sino?? alam mo ibig kong sabihon...kanton!

Wala pa akong maisip na pwede kong mailagay sa takten...ang hirap naman kasi eh..dapat splitan at kanderitan na lang ang laban.

Kumain ako ng isang pirasong maliit na avocado kagabi...huli na ng makita ko ang presyo na nakadikit pa sa balat! Putang ina ganon na kamahal yun??? yung liit na yun?? 3 yulo???

Humaygad...as in kumain ako ng isang maliit na avocado na nagkakahalaga ng 180 peysus ang isa!!! Iniisnab ko lang ang puno nyan sa pinas ah. Ilang kilong avocado na kaya sa pinas yung halaga ng isang piraso dito??


11 mga naki sawsaw:

kyin said...

ahahaha!dayo ka pa jan ng pag aavocado ih..nyahahaha!!

livingstain said...

totoo naman ako din isasama kita sa most in-FLU-wensyal cuties sa blogger world.... dahil jan may libre kang isang kilong abokado. toinkz

joycee said...

Hihi congrats po! You deserve it! Balato pag nanalo ka ha?!

Snow said...

Congrats pOkw4ng! ^_^

utoysaves said...

uy, di lang ako ang nagnominate sayo. meron pang isa. pero di ko sasabihin kasi hintayin mo na lang na sya ang magbalita sayo. hehe...

at di ako konyotik. kasi ang konyo ay spanish word for... uhhmmm... bajayna.

hehe...

pmonchet said...

Congrats po. Sana ay mapabilang ka sa magwawagi.Isang botante mo.

coolwaterworks said...

Miss Powkie, congrats!!!

sa dami ng sanabi mo eh, dun ako nagulat sa avocado... grabeh ang mahal! Magkaka-LBM ka na yata sa mabibili mo nun sa Pinas... :)

utoysaves said...

syempre, itanong din nila pala kung magkano ang melon na singliit ng kamao. hehe...

Panaderos said...

Congratulations, Ms. P! Well deserved ang pagkapili sa iyo. Oks na oks!!

Pasensiya na, ma'am at medyo na-absent ako dito. Medyo natambakan sa opisina eh. May inayos akong kaunting gusot. Hopefully ay makabalik na ako sa regular na pagbisita sa iyo at sa iba pang mga prends kong bloggers.

Ingat ka lagi. :)

potsquared said...

congrats pokwang!!! balato ha.. hehehehe

p0kw4ng said...

@kyin..oo nga dude,hihihi

@living...ay dali..now na ipadala mo na,hihihi

@joycee...salamat po...congrats din sayo!

@snow...salamat snow..muah!

@utoy...sige na utoy bulong mo na kung sino pa yung isang nabubulag ko,hihihi...salamat talaga ha!

ay isa pa yan utoy..kakainis yang presyo ng melon na yan..

@pmonchet...salamat po ng marami father! salamat po talaga!

@cool...ay sinabi mo pa..kaya naman talaga halos kainin ko na pati balat,hihihi

@panaderos...salamat ng marami!

okay lang yun...ganyan talaga minsan kailangan nating i give up ang isang bagay para umahin ang mas dapat unahin...ingat ka din lagi!

@pots...salamat pot...sige sayo ang isang suntok na matatanggap ko,hihihi