Linggo ngayon pero dahil sa
Kanina habang nakatanga ako kay Otis (2 y/o kung alaga) sa park eh may lumapit sa aming mudra ng isang bata don. Kalahi din sila ni Hitler. Eto ang usapan..pero dahil sa baka hindi kayo nakakaintindi ng aming wrong grammar na english eh tatagalugin ko na lang para sa ikakasaya ng lahat.
Mudra: Hi Otis.... (sabay tingin sa akin) Hi.....
Ako: Hello.....
Mudra: Ngayon lang kita nakita...ang lagi ko kasing nakikitang kasama ni Otis sa school eh yung asawa mo!
Ako: Hahahaha....amo ko yun! (mukha bang papatol sa akin si yaya slash amo at ang isa pang tanong eh mukha bang kalahi ko si Otistik??? Adikkkkkk)
Dumaloy tuloy sa aking natutuyot pero masabaw pang utak ang mga pagkakataon din ganito....sa Butterfly Farm naman!
Babaeng mukhang spanish: Bigum buratinum masarapum....
Ako: Ha...anong sabi mo?
Babae: Spanish??
Ako: Hindi....Filipina
Babae: (tingin na parang di naniniwala) Sorry!
Ako: Ahahahaha (adik)
Isa pa ulit...sa Climbing Park naman!
Lumapit sa amin yung may ari nong nakilala ang mga alaga ko. Pero sa pakikipag kwentuhan nya sa dalawang alaga kong gremlins eh naisingit na agad ni Tchiki na hindi ako nagsasalita ng deutsch..
May ari: Bakit hindi ka pa marunong mag deutsch?
Ako: Eh kasi kakalipat lang namin dito tsaka marunong namang mag english yang dalawa...
May ari: Ah..Spanish o Italiana?
Ako: (adik ka ba??) Filipina...
Isa pang isa pa....
Sa pinuntahan kong bday party nong pinay na may asawang german sausage. Sa totoo lang yung celebrant lan at yung kasama kong si Rizza ang kakilala ko don sa party na yun. Nasa isang table kami ni Rizza kasama pa yung ibang mga pinay na mga hindi namin kakilala. After isang oras na kami lang ni Rizza ang nagbobolahan eh hindi nakatiis yung isang pinay..
Ate: Kanina pa kita gustong tanungin kong Italiana ka?
Ako: Hihihi opo...half Ita half Ilocana po ba ang ibig nyong sabihin???...
Ate: ahahahaha
Kawawa naman yun....di pa yata nakakakita ng Italiana,hihihi
Nong nasa HongKong pa ako lagi naman akong napapagkamalang indonesian o lahing bombay ng ibang Filipina o kahit na mga Indonesian mismo. Hindi ko alam baka amoy bombay lang talaga ako.
At taga don din ang pinaka adik sa lahat.....
Pinay: Pinay ka???
Ako: OPO....
Pinay: Sorii...akala ko pinay ka!
Ako: Nakasinghot ka ba ng buhangin ate????
Alam nyo ba ang totoong rason kung bakit nila ako napapagkamalang ibang lahi? Dahil sa hindi naman talaga ako puro. Mix ang lahi ko...HALF BISAYA HALF BATANGENO po kasi ako!!! O wag ka ng kontra...negra lang talaga ako!!!

22 mga naki sawsaw:
weee...besy ata ako ate powkie!? ^_^
hahaha...beys nga!
hmmmm..iba kc ang taray ng ganda mo ate powks eh kya ka napagkakamalang hindi pinay...
sa mga banat palang eh ibang klase talaga...hehehe!
at akala ko nman talaga sasabihin mong may spanish mix ka...yun pla bisaya...bwhahaha! ^_^
Hahaha, FTW! Italiana pala ang beauty mo ateh. :D
saba sinabi mo na, senior hindi ako italiano, maganda lang ako...
tita hindi ka na dumadalaw saken... sibi ni mon kaya hindi nyo daw ako maadd kasi walang title yung blog ko...
hmmm, kaya pala kamukha ni yf si jamal malik! pero teka, indian naman yun..
sasabihin ko na ang totoo dude. di ka talaga anak ni tatay. ang tunay mong ama eh si... mamang gario! (ah-putetoooong.. ah-putetong ngaaaaa....)
waaaaahhh magkalahi pala tayo! Ambisoy ako! :) hehehe napapagkamalang ibang lahi cguro ang ganda mo talaga sa personal, sa pic palang maganda na eh. :)
pareho tayo napagkakamalang bombey ate haha. siguro dahil sa mala-adik nating mga mata na sobrang lalim hahahaha
ahahaha!!ahputetong pala ah..nyahahaha!!!tama,kamukha nga ni kid jamal malik c yf,ahahaha!!c gelo kamukha ni salim,ahahahahaha!!!!amoy burger ka cguro dude,ahaahah!!pis!
hataw kung hataw! hirap pala hulaan ang lahi mo....iba na talaga ang mixed-exotic blood hahahahhahahah...
haha....waw pokwang..iba nga naman kasi beauty mo, kung single lang ako yayayain kitang pakasal kahit saang simbahan mo gusto, wag lang Baguio, kasal na ako dun. :P
hahah ang kulit ng post na toh, dito rin samin yung mga bata minsan tinatawag akong ching,lee,chan hanggang lumingon ako eh di naman ako singkit
ahhhhmmm
para akong tanga pagtawa mag isa sa aputitong aputitong ni mamang garyo...
mas adik si kristiana!!!!
bwahahahaha...
malamang nga amoy pana ka kaya napapagkamalang bumbay...
ITALYANA- itang balyena!
wow astig, talagang di makilalang pinay.
ako din minsan sinasabi koreano daw ako pero pinipilit ko italyano ako, itang ilokano
Ako napagkakamalan na chinese at japanese. duh #-o
mukang busy ka tita nitong mga huling araw ah... madami pa rin bang kumakandirit sa paligid mo....
ganda ganda kasi e.
Exotic pala ang beauty mo. Naks! Hehehe
Mix blood din ako. Madalas akong napagkakamalang Inchik or Hapon kahit na hindi naman ako singkit. Ewan ko ba. Oh well...
Kumusta ka na, Ms. P? Stay safe always, ok?
oh di ba? ka-level mo pala si Sophia Loren missy! Winner! ;p
Napadaan lang ;p
Hehe kakulets, dapat binigyan mo ng prize ang makahula ng tamang lahi mo nyahahah
hi pokwang
mistisahin ka kasi kaya ayaw maniwala na pilipina ka hehehehe
@Ikay...beys ka nga..congrats,hihihi
salamat ha pero sa tingin ko eh di lang sila marunong tumingin ng pangit,hihihi
@Lysender...korek..Itang balyena daw,hihihi
@living...ayan add na kita,hihihi
@cha...dude hindi naman amoy bombay si mamang garyo ah,hihihi
@basti...naku salamat ha..pero talagang sa pics lang yang ganda na yan...parang larawang kupas lang sa personal,hahaha
@canky...korek ka canky...malaadik na mata..parang sa kwago lang,hihihi
@kyin...hmp ka dude...
@blu...exotic blood..parang mangyan lang..ahahaha
@ysmael...salamat ng marami,hihihi...aww ganda non papakasal ako sa maraming simbahan,hihihi
@lilay...eh bakit ka kaya tinawag na ganon? baka amoy intsik ka din,hihihi tulad ko lang amoy bombay...
@lyzius...tama na dude..duguan na eh..ahahaha
@panaderos...exotic..hmm gandang pakinggan..parang pang mangyan lang,hihihi
ok lang ako panaderos..salamat ha..ingat ka din lagi!
@cheeza...salamat sa pagdaan chezza...
@joycee...salamat sa idea..next time gagawin ko na yan...isang sakong kiss ang price..hihihi
@jayson...huh at isa pang huh..baka mestisang negra ang ibig mong sabihon kanton,hihihi
NEGRA po ako! hihihi
Babaeng mukhang spanish: Bigum buratinum masarapum....
bigyan mo ako ng b*rat na masarap
yon yon eh!
hahaha
Post a Comment