Friday, June 12, 2009

Takot

Habang naglalabor ako kanina sa ika isang milyon ko na yatang anak sa aking napaka komportableng trono eh tamang muni muni ang drama ko. Matagal na kasi akong tapos eh hindi pa din ako tumatayo...tinatamad pa ako. Naalala ko tuloy nong bata pa ako,tinatawag ko lang si nanay pag tapos na akong umuo. Hay ang sarap maging bata. Wala akong iniisip na problema non. Kakain na lang sa mesa...hindi na proproblemahin kung saan kukunin ang lulutuin at kakainin. Matutulog na lang pag inaantok. Napapagod lang sa kakalaro. Napaka simpleng buhay kaya ang saya saya. Minsan iniisip ko...sana hindi na lang ako tumanda at nagkaroon ng komplikadong buhay na parang artista lang. pero kung hindi ako tumanda hindi ko din mararanasan ang sarap na nararanasan ng matatanda

Sa aking pagsakay sa sasakyang ibinalik ako sa aking pagkabata eh don ko din nakita kung papaano nagbago ang aking mga pananaw mula sa napakaliit na bagay hanggang sa malaki.

Nong bata pa ako eh takot na takot ako sa dilim. Pero ngayon...super kadufer na nageenjoy ako sa dilim. Pwamis mas masarap sa dilim.

Nong bata pa ako eh takot na takot ako pag sinasabing "kakainin kitaaaa!" As in talagang feeling ko eh mamatay na ako kasi kakainin na ako. Pero ngayon..sus tuwang tuwa ako pag sinabing "kakainin kita". Sarap kaya non kaya hubad agad!

Masarap na mahirap ang paglalakbay sa buhay. Madaming problema...laging komplikado. Pero pag lagi mong iisipin na kasama mo si Fafa Jetut sa paglalakbay natin sa daan ng buhay eh nagiging mapayapa ang paglalakbay. Laging iisipin na minsan sinusubukan lang tayo kung gaano kahigpit ang ating kapit!

Wait..............bakit naging ganon ang ending???



11 mga naki sawsaw:

Lysender said...

Talagang mag e-enjoy ka sa dilim hehe.

Oi ako ang nauna. :D

an_indecent_mind said...

wahahhaa!!! tawa ako ng tawa!!

"kakainin kitaaa" wahahaha!!

a.r.d.y.e.y. said...

hindi pa kasi permanent ang ngipin mo noon kaya hindi ka makakaganti kapag sinabihan kang 'kakainin kitaaa'. eh ngayon kumpleto na, kaya kapag sinabihan ka ng ganon, hindi ka na papakabog. "halika, subukan mo, magkakainan tayo".

di ba? hehehehe.

blurosebluguy said...

uu nga...bakit ganun ang ending...
............ay uu nga pala
..... kasi malaki ka na!

coolwaterworks said...

bwahahaah! Natawa ako dun sa hilig mo sa dilim at sa "kakainin kita"...

Pero mas natawa ako sa shift mo sa ending.... Sus... Hahaha!!!

Lord, pagpasensiyahan nyo na po! :D

brotherutoy said...

nyahaha, may kainan dito! hehe...
teka, bakit nga ganun ang ending? kulang na lang may payo ni ate dely pa. hehe...

UtakMunggo said...

agree ako sa iyo, bakla! mas masarap nga sa dilim!!!! aiyeeeeeeee!!!!

ahahahahaha

kyin said...

haaays!!!akala ko may aral....wala bang educational jan duuuuude????


wahahahahaha!!!tawa ng tawa ofismate ko nung kwinento ko tong pinagsusulat mo..hehehe!

Heleyna said...

Pero ngayon..sus tuwang tuwa ako pag sinabing "kakainin kita". Sarap kaya non kaya hubad agad! **kahit kelan adik ka! Imperness pagdating sa dulo parang hindi na ikaw. Bwahahaha peace! magandang reflection yan habang nangungumpisal!

PaJAY said...

hahaha...hala bira!..maghubad ka na! ayup ka!..lolz...siguro napagsabihan ka rin ng nanay mo dati powks na wag maglaro ng apoy...hahaha...ngayon ang sarap maglaro ng apoy...sarap ulit ulitin...hahaha

sumakit na nman panga ko sayo..pareho lang kayo ni utakmunggo!...lolz...

kampay powkie!..

joycee said...

Kakainin kitaaaaaa! Wahahahaha! Panalo!

Sure ka ba ikaw nagtype nung ending? Nyahahaha