Tuesday, March 31, 2009

Moni moni boponi!

At tulad ng ibang mga tag eh napilit ko din si Bro.Utoy na itag ako. Kinailangan ko pa syang hubaran..pahidan ng honey at ibitin ng patiwarik sa ilalim ng langgaman bigyan ng comment ng may pagmamakaawa.

Aktuli di ko na alam kung may rules ekek ba yung post nya na yun. Natuwa lang ako kasi isusulat mo daw lahat ng name na tinatawag sayo...kung sino sino ang tumatawag yata sayo at bakit na din.

Masyado kasing mabigat ang rason ko kung bakit ako nagpatag kay Utoy. Wala lang gusto ko lang! Ang bigat no?

[ Mary Marlon ] Yan ang fullname ko. O diba baklang bakla. Ang aking walang awang fudra ang nagpumilit na yan ang ipapangalan sa akin. Hindi pa siguro uso non ang de kuryenteng ilaw at madilim nong ipinanganak ako eh akala nya burat yung tinggil na nakalawit sa akin nong lumabas ako sa pekpek ng nanay ko. Dati inis na inis ako pag tinatawag ako sa name na yan..pero habang nagkakabulbol ako eh aylabit na kasi walang katulad. Unique.

Wag nyong isiping Marlon ang name ng tatay ko kasi hindi. Nagustuhan nya lang talaga yung name na Marlon Joseph nong nagbubuntis ang nanay ko. Hula hula lang ng matatanda na lalaki daw ang ipapanganak ni mudra kaya ang atat kung fudra eh todo handa na ng pangalan. Eh lumabas eh biyak...ang hitad at hindi na pinaalis yung Marlon sa name ko!

[ Ymay ] Tawag sa akin ng peyrents ko..mga kamag anak ko...mga kapitbahay namin...mga kaklase nong elementary, high school at college...mga teacher ko nong high school at mga nakakakilala sa akin sa bayan namin.

Ang hitad ko ding fudra ang may pakana nyan kasi sa Limay,Bataan daw nila ako ginawa.

[ 'Te May..Ate Ymay..'Te Ymay ] Tawag sa akin ng tatlong bakla kong kafatid kasama na din ang iba naming pinsan.

[ Marimar ] Aktuli hindi naman si Thalia ang orig nyan kundi ako. Simula nong bata pa ako yan ang tawag sa akin ng mudra ko pag galit sa akin o may nagagawa akong kasalanan. Parang engot lang!

[ Mama ] Tawag sa akin ng mga anak ko at anak ni Lyzius. Parang Mama Sang lang. Kainis kasi gusto ko sanang tawag nila sa akin eh Naynay pero hindi sila nasanay.

[ Mahal ] Tawag sa akin ni Erick nong kami pa. Hay kailan nya kaya ako ulit tatawagin ng ganon!

[ Tadew ] Pinaikli ng Tarantado na nilagyan ng konting lambing. Tawag sa akin ni Erick non pag nagkukulitan kami pero ngayon yan na talaga ang tawagan namin.

[ Sisa ] Ginagamit kong id sa chatroom simula non kaya yan din ang tawag sa akin ng mga kakilala at kaibigan sa chat.

[ Bakla ] Tawagan namin ni Aileen..kaibigan ko sa Milan at saka ni Utakmunggo.

[ Puke ] Tawagan namin ni Lorie..kaibigan ko din sa Milan.

[ Maymay ] Tawag sa akin nong mga kaibigan ko sa Denmark.

[ Mai ] Tawag sa akin nong mga bago kong kakilala..syempre dalaga na ako kaya nagpapacute na lalo ang palayaw ko.

[ Imay Kalamay ] Pang asar sa akin. Nakukyutan naman ako!

[ Mary ] Tawag sa akin ng amo ko..dudugsungan ko naman ng "not the virgin"

[ Miri ] Tawag sa akin ni Ate Lilibeth at nong kapatid nya..yung nakilala kong taga Bohol

[ P0kw4ng..Powkie] Ginawa kong id sa blogspot kaya yan ang tawag nyo sa akin. Ang buhay ko kasi ay parang kandirit ni pokwang,yung character sa komiks...patalon talon..paiba iba ng lugar!


Yan lang ang natatandaan ko...Update ko na lang kayo pag merong bagong tawag sa akin. Kunyari may pakialam kayo kung may bago mang tawag sa akin. Kunyari lang ha kaya wag ka ng kumontra! Hindi pa naman siguro nakakalimutan ang kaparusahan sa naglakas loob na kumontra db...lunod sa ilog ng tamod!

At dahil may nagmakaawa eh sya sige na pagbibigyan ko na...pukeng pusong mamon pa naman ako!
Ipinamamana ko ito sa mga sisterloo kong bakla na sina.....*drum rolls* Lyzius...Cha at Kyin!


Thursday, March 26, 2009

Para sayo Sarge!

October 1994 nong napagpasyahan mong magbakasyon muna ako sa pagpasok dahil hindi naman talaga tungkol sa course ko ang pinag aaralan ko kundi ang uminum at paninigarilyo.....

Opsss madugo to...walang kang matutunan dito kundi pag mumuni muni lang!

Dahil sa hindi na ako pumapasok kaya pinauwi mo na ako sa bahay. Nagkataon na sa bayan natin ikaw nakadestino nong mga panahong yun. Imagine araw araw na tayong magkasama...hindi pa ito nangyayari sa buhay nating dalawa db kasi laging malayo ang destino mo bilang isang alagad ng madjong batas. Pero kahit na araw araw tayong magkasama hindi naman tayo nakakapag kwentuhan ng malalim tulad ng balon...karagatan at bangin kasi nga nahihiya akong mag open sayo kasi hindi naman ako lumaking nakakasama ka lagi.

Dumaan ang debut ko ng Febrero..walang malaking selebrasyon..wala naman sa akin yun eh..parang normal lang na araw. Pero ikaw ay masayang masaya kasi dalaga na ang anak mong lalaki. Ang sarap sarap pa nga ng pulutan nyo nong mga barkada nyo ng panahon na yun eh. Kayo ang nagsayawan at nagkantahan. Masaya na din ako non kahit hindi ako nakahalubilo sa grupo nyo non para makainuman ka. Hindi naman kasi legal sayo na nagiinum ako eh. Sayang hindi mo nakita kung gaano ako kalakas dati sa gin bilog.

Dumaan pa ang birthday mo ng March 19. Hindi naman kasi bigdeal sa atin na birthday mo yun kasi talagang may handa tayo lagi sa araw na yun kasi fiesta ng bayan natin yun eh. Nasaan ba ako ng araw na yun? Nasa galaan maghapon.

Nasa iisang bahay nga tayo nong panahong yun pero lagi din naman akong nasa galaan. Parang mas mahalaga pa nong time na yun ang panahon ko sa barkada kesa sa sariling pamilya.

Oppss nakarating ka hanggang dito sa pagbabasa? Salamat ha....mamaya may premyo ka sa akin!

Ilang araw matapos ang birthday mo niyaya mo akong sumama sayo na pumunta sa mga kamag anak mo sa Batangas. Pero anong sagot ko sayo? Hindi ako makakasama kasi may pupuntahan din ako sa Batangas..ibang lugar nga lang at kasama ko ang mga barkada ko. Alam ko nagdamdam ka sa akin kaya nga nasabi mo na "Ganyan ka naman pag ako ang nagyaya sayo hindi ka sumasama". Pero nong panahon na yun eh mas malakas ang tawag ng tropa kesa sa pamilya kaya deadma lang ako. Hindi nagbago ang desisyon ko.

Magkasabay tayong umalis ng araw na yun ng byernes pero magkaiba ang destinasyon natin. Ang sabi mo uuwi ka din ng darating na martes. At ako naman eh babalik ng lunes. Pero sa pinuntahan ko eh masyadong bumaha ng alak kaya miyerkules na ako nakauwi. Wala pang mga mobile phone non para makapag text ng "wer na u" at "d2 p me". Alam mo bang nong bumiyahe ako pauwi ng bahay natin eh lasing na lasing ako. Akala ko kasi nong time na yun eh wala ng bukas kaya masyado kong niluluto ang atay ko sa alak. Siguro kung nakikita mo ako non proud ka na hindi sa akin. Proud kasi hanga sa akin yung mga kainuman kong matatanda sa lakas kong magkilawin ng sarili kong atay. Akalain mo ba na sumasabay ako sa kanila sa pag inum hanggang umaga. Ang pulutan ay sigarilyo at ang halo sa gin ay tubig lang. Baka nga hindi mo kaya yun db? Pero ang ikakagalit mo lang siguro kasi babae ako at hindi katulad mong may lawit.

Alam mo ba na wala akong ginawa sa barko pauwi non kundi sumuka at matulog sa kalasingan. Alam ko sasabihin mo hindi mo kasalanan yun kundi akin. Hanggang nong malapit na sa atin lang ako medyo nahulasan. Pero kasabay din non ang isang balita. Tumigil kami non sa isang gasulinahan para magpakarga ng tanungin ako nong kahera..."Anak ka ni sarhento db?" " Inatake ang tatay mo sa manila ah"....Sa totoo lang hindi ko alam ang iisipin ko non. Alam mo naman siguro ang utak ng nakainum db? Pero nandon na yung inisip ko na baka bumiyahe ulit ako pabalik ng manila para tulungan si nanay na magbantay sayo habang nagpapagaling ka. Sinabi din kasi nong Ale na kahera na sumunod si nanay sa manila para asikasuhin ka at nasa ospital ka pa daw.

Mahigit kalahating oras pa na byahe bago ako nakarating sa bahay. Napuno na ng plano ang utak ko kung ano ang gagawin ko kahit medyo nandon pa din yung espiritu ng gin. Pero pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay natin nawala lahat ng plano ko sa nakita ko. Busy na ang lahat sa paghahanda sa pagdating mo. At alam kong wala na din akong gagawin kundi ang maghintay sa pagbabalik mo.

Ilang taon na ba mula non..14 years na! Pero hindi ko pa makalimutan lahat ng naramdaman ko ng araw na yan. Maraming panghihinayang...maraming sana. Pero sabi nga huli na ang lahat. Kahit na umiyak pa ako ng pako eh hindi na maipaparamdam pa ang pagmamahal ng isang anak sa ama. Pero buti na lang pinalaki nyo ako ni nanay na may pananalig kay Fafa Jetut. Alam ko na lahat ng nangyayari..nangyari at mangyayari ay may rason at yun ay dahil sa kagustuhan ni Fafa Jetut din. Wala mang alak at madyungan dyan sa taas eh alam kong masayang masaya ka na dyan. At alam kong hiling mo din yan na pag inatake ka eh deretso na para wala ng nahihirapan.

Tay hindi ko alam kung tama ang magiging pang wakas ko dito sa sulat ko na to...

Happy 14th Death Anniversary sayo!

Wag ka ng kumontra kasi masaya ka naman db? Kung mali man yan iparamdam mo na lang sa tatlo mo pang baklang anak at sila na lang ang magsasabi sa akin. Wag ka ng mag abalang sabihan ako...sayang ang oras mo!

Peace Sarhento!



Ang regalo ng mga nakatapos magbasa: Isang kiss...muahh!



Tuesday, March 24, 2009

Bakas ni Syon

Dalawang taon dalawang buwan at walong araw...yan ang eksaktong bilang ng araw ng huling tapak ng aking kalyuhing paa sa lupang hinirang. Pagod at pagkasabik na makasama ang mga anak ang kalaban ko sa loob ng mga araw na yan. Alam kong para sa ibang mas matagal ng hindi nakakauwi eh sisiw lang ang bilang nyan pero para sa akin sobrang tagal na yan dahil sa yan talaga ang pinakamatagal ko ding hindi pag uwi sa bayang sinilangan..lupang hinirang!

At sa mga pagkakataong nasasabik ako sa kanila...nakakaisip ako ng isang simple..masarap at masayang bakasyon. Katulad na lang kaninang hapon habang namamaluktot ako sa aking papag!

Mga lugar na pumasok sa isip ko. Baguio...Bohol...Cebu...Palawan o Vigan. Bakit yan at hindi yung naiisip nyo...wala lang dahil hindi ko alam yung mga iniisip nyo at yan lang ang pumasok sa isip ko. Pinas lang muna para medyo makatotohan ang bakasyon. Pero pag kasi kasama mo ang mga mahal mo sa buhay kahit saan yata kayo pumunta eh magiging isang masayang bakasyon na. Kahit nga hindi na umalis ng bahay eh.

Check in sa isang bonggang hotel tulad ng Anito o Sogo. Dalawang kwarto syempre..para sa mga bata at para sa akin at kay tadew. Walang kokontra at pangarap lang ito.

Yung tipong pagkagising...seks maglalakad lakad sa park..magpapawis! Babalik sa hotel para sa seks isang bonggang almusal sa isang bonggang resto tulad ng mcdo. Pagkatapos kumain seks pasyal naman buong umaga! Pag kumalam ang tyan sa tanghali..maghahanap ng pwesto para sa seks tanghalian! Pakatapos malagyan ng gasolina ang tyan...seks layas na naman! Babalik lang pag pagod na sa hapon para sa seks konting pahinga! Sa gabi ay isang masaganang seks hapunan naman! Sa gabi eh yung tipong makikipagharutan pa ako sa mga bata bago sila matulog. Pag tulog na ang mga bata...seks oras para sa kung anong night out tulad ng panghuhuli ng kuliglig...pakikipag habulan sa gamo gamo...hulaan kung saan naka pwesto ang palaka...at ang pinaka romantik...pag bibilang ng bituin!

Isang linggong ganyan....tulog..kain..pasyal at bonding sa mga bata at walang kapagurang seks!

Hay kailan ko kaya sila makakasama ulit? kailan ko kaya matitikman?




Friday, March 20, 2009

lamang loob

Nong isang linggo pinilit ko pa ang baklitang si Cha para itag ako. Oo nagpumilit ako..nagiiyak at nagpagulong gulong muna ako sa harina bago nya ako pinag bigyan! Aktuli super late na ang entry na 'to! Pero may kasabihan nga..late man daw ay late pa din!

Ang tag daw na'to ay pepetyuran ang kikay kit pati na din ang mga laman sa loob. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung pasok na sa kategorya ng kikay kit ang buslo ko! Pero dahil sa sinisipag ako eh hindi lang kikay kit ang bubulatlatin ko..pati na din pekpek loob ng bag ko. Okay game...bulatlatan na ng pekpek bag at kikay kit (kuno).

Hindi ako mahilig sa maliit na bag..yung tipong suklay lang na maliit at barya ang pwedeng ilaman. Ang gusto ko sa bag eh yung magkakasya ang gamit ko kung saka sakaling maglalayas ako ng isang gabi. At kahit na alam kong uuwi ako kinagabihan sa bahay eh kompleto pa din para sa isang gabing paglalayas ang laman ng bag ko. Adik ako at kaladkarin din. Tsaka ayaw ko ng maraming bitbit sa kamay..gusto ko yung nasa isang bag lang lahat ng dala ko o yung mga pinamili ko...in short...tamad!

Eto yung huling bag na ginamit ko nong huling labas ko kaya ito na din ang kinodakan ko. Salamat sa balat ng butiki para sa bag na ito.


At ito na ang mga atay..bituka..apdo at baga nya!

In labo labo order...compact camera (laging present sa bag ko yan)..wallet (7 years na sa akin)..tamod ng manok VS lotion..kikay kit (kuno)..hamburg guide book (pag nagpefeeling turista ako)..wet wipes (in case na magkaamos ng sukuleyt)..ABNKKBSNPLAko (natapos ko na yan nong sunday)..dental floss (pangtali ng buhok)..ballpen (in case na may magpa autograph)..guardian angel ko (nasa red pouch)..resibo at ticket sa train..card reader (di ko alam kung bakit ko dala yan nong sunday)..iTouch (para sa magandang paglalakad)...

Aktuli lahat ng yan plus marami pang basura ang laging present sa bag ko. Pag may wala dyan sa isa sa mga yan parang kulang ang sarili ko.

At ito ang laman nong maliit na buslo!

Yan ang rason kaya hindi ko matawag na kikay kit ito kasi wala namang pang kikay..puro mga pang kikoy lang! Dating gawi...In labo labo order ulit! Panti (bahag talaga yan..in case na mabasa ako..pangpunas)..hand lotion (minsan lang ako maglagay nyan..pag may kumakamay lang)..tukbras at tukpes kit (in case na kumain ako ng putik)..cherry lip balm (pag feel mong mag kendi)..shemeyring lip gloss (aktuli 3 years na yan dyan di pa nauubos)..white flower (ahahaha parang matanda lang)..face cream (pag winter)..face powder (from pinas pa ang supply ko nyan)..eyemo (oo eye ko)..lastiko sa mahabang buhok sa baba..body wash at shampoo (na galing sa hotel..ahahaha)..lipestek (pag may sumpong lang ako gumagamit nyan)..waterproof mascara (pag winter lang..pag summer kasi hindi ako makapag shades pag meron nyan kasi humahaba ang bulbol pilikmata ko)..pantiliner (parang mga dagupan liner lang)..conditioner (in case nga na maglayas ako)..nail pile (di ko alam kung bakit nandyan yan)

Kung naghahanap kayo ng condom dyan...mabibigo kayo! Nasa bulsa ng pantalon ko yun...para madaling hagilapin in case of emergency!

Wala na akong itatag..gawin nyo na lang kung feeling nyo eh gusto nyo!

Wednesday, March 18, 2009

My Fudra!!

March 19 na...hindi lang ito ang petsa ng fiesta sa bayan namin...hindi lang din ito ang kapistahan ni San Jose na fudra ni Fafa Jetut...kundi ito ay petsa ng kapanganakan ng nagiisang Fudra naming apat na mga bakla! At ang nagiisang haligi ng aming kubo.

Hindi sya isang perpektong padre de pamilya pero ganon pa man mahal ko sya kasi sya ang fudra ko at ako ang kanyang dayunyor...hindi man sa pangalan..hindi man sa kasarian kundi sa pagmumukha. Para lang daw kaming biniyak na pekpek mangga. (wag ng kumontra kundi lunod sa ilog ng tamod ang kaparusahan)

Hindi ko na sasabihin dito kung ano sya bilang tatay o kung gaano sya kabait at kaloko. Hindi na din naman nya mababasa ito kasi 6 feet under na sya 14 years ago pa. Iisa isahin ko na lang yung mga bagay o pangyayari na nandon sya na hanggang ngayon eh tanda ko pa. Konti lang ito kasi yung iba para lang bula na nawawala agad sa utak ko.

* Nong ibinitin nya ako ng patiwarik nong 2 years old ako! Pero yung mabilis lang kasi pinaaamin ako kasi nagsinungaling si ako,hihihi..sa maniwala man kayo o hindi..tandang tanda ko yun pati rason kung bakit...dahil lang sa piso! Malaki na ako nong nalaman ko na 2 years old pa lang daw ako non. At bungga kasi dalawang taon pa lang eh marunong ng magsinungaling!

* Nong mga bata pa kami tuwing bago matulog. Yung bibigyan kami ng tig pipiso para ilagay sa alkansya namin. Don ko din naranasang makalulon ng isang barya...di ko alam kung magkano.

* Yung pagpapalobo nya ng mga condom (hindi gamit) nong bata pa kami para may lobo kaming napapag laruan sa gabi. Free pa kasi galing sa mga health center yun non kaya madami sa bahay.

* Tuwing babyahe kami punta ng manila. Nakakatuwa syang kasama kasi wala kang gutom. Kada daan ng nagtitinda ng kung ano ano sa loob ng bus eh tatanungin ka kung gusto mo. Pero ang rason pala non eh sya ang may gusto! Sabi nga para paraan lang yan!

* Mahilig sya sa masasarap na pagkain lalo na sa mga sugpo at alimango. Bongga ang putahe namin pag sya ang nagluto. In short..hindi nagkukuripot pagdating sa pagkain.

* Makikitaan mo ng sibuyas o kamatis sa bulsa..lalo na sa tanghali. Sya kasi taga pamalengke sa amin.

* Sya ang humarap at nag entertain don sa lalaking unang umakyat sa akin ng ligaw. As in sya lang..hindi ko hinarap! (ogag..paakyat akyat pa ng ligaw eh wala pa naman sa isip ko yun non)

* Ang sarap hingan ng pera lalo na pag lasing. Galante si fafa..para lang DOM!

* Paborito kung kupitan kasi hindi nagtatanong o nag iimbestiga. Suri tay nakadami din ako sayo!

* Hindi masalita pag galit...makuha ka sa tingin! eh putsa yung tingin naman na parang hindi ka na bubuhayin!

* Malaking TAO! almost 6 ang taas at wag mo ng itanong ang lapad...size 44 ang bewang.

* Isang pilosopong sumagot...kaya nga compatible sila ni Mudra eh!

* Isang alagad ni batman ng batas na ang tanging dala eh balisong! asan ang baril?? nasa sanglaan kasi talo sa madyong...hihihi (bawal bawasan ang cheke para sa pagsusugal at baka sya ang maisangla ni Mudra)
* Mahilig mag magic magic,kami ang taga panood..hangang hanga naman kami syempre kasi mga bata pa kami non eh!

* Mahilig magpatawa...kahit na berde pa yan!

* Ang lakas ng iyak slash hagulhol nong time na binitay si Flor C. Inisip ko tuloy baka may nakaraan sila

* Nadadasal nya pa ang Ama Namin at Aba Birheng Maria kahit na tulog na. Lagi kasi syang nakakatulog pag nag rorosary kami sa gabi. Kahit tulog sumasagot pa sya ng dasal..

* Malakas uminum ng beer..hanga nga ang mga kainuman pagdating sa beer. Hmm sayang at di nya ako nakita kung papaano malasing mag inum. Baka sabihin nyang bakit pa kita ginawa eh ikaw lang pala makakatalo sa akin! (ows yabang)

Yan lang muna...hirap din palang mag isip ng mga alaala...purol pa naman yung tyani ko ngayon para pangkalkal. Yang last yan din ang rason kung bakit pakalat kalat na din sya ngayon sa ulap!

'TAY HAPI BURTDEY!!! Kung nasaan ka man ngayon...dyan ka lang ha! Hindi man na ako virgin ngayon eh hindi pa din ako nagbabago..alam mo na...takot pa din! sa burat lang hindi Enjoy sana ang party mo dyan ngayon kahit wala kami dyan at isipin mo na lang din na nasa Saudi ka lang...bawal ang beer,hihihi. Lagi kang nasa mga prayers ko baka kasi hindi mo pa din natatapos ang mga dasal mo at lagi ka pa ding nakakatulog sa pagdadasal eh! Syanga pala Tay...may anak na ako..yun nga lang ako din ang ama,hihihi... Alam kong kung buhay ka nong nangyari yun hindi mo ikakatuwa pero alam ko hindi mo din ako masasaktan...Pusong mamon ka din naman eh!

Hanggang dito muna ha at ikamusta mo na lang kami sa mga kamag anak natin dyan at sa mga tropa mo dyan! LOVE YOU!!!

Kung gusto nyo pa nang iba pang katulad ng post na ito..Eto
at ito pa...




Sunday, March 15, 2009

date w/ bob ong

Pagkatapos ng dalawang linggong walang pahinga ko sa pag tratrabaho eh nirewardan ko ang sarili ko ng isang date. Minsan ko lang syang makadate at kailangan ko ng ipakamot ang mga kati ko sa katawan nitong mga huling araw. Ako ang tao na pag pagod eh maraming naiisip na position mga bagay bagay na makakapag pasaya sa aking katawang lupa.

Unang stop..kumain sa Thai resto at binusog ang mga bulate ng beef chop suey at kanin. Syempre sagot ng date ko yan. Usapan na namin na hindi sya magrereklamo sa lahat ng ipapabili ko at magustuhan ko ngayong weekend na ito.

Padalawang stop..sa Saturn para maghanap ng bag para sa aking pinakaiingatang dildo camera. Kumuha na din ako ng pouch para sa mga MC ko.

Patatlong stop..sa Body Shop para bumili ng mga kung ano anong walang kwenta mapapag kagastusan gamit sa aking katawang lupa. Isang bagay lang sana ang bibilhin ko don pero pagdampot ko eh nagsisamahan ang marami pang ibang kung ano anong kaartehan. Pwamis sumabit lang sila hindi ko talaga sila kinuha.

Pang apat na stop...Nike para tingnan yung gusto kong sapatos kung nandon pa. Sa awa naman ni batman eh nandon pa at hindi pa bumababa ang presyo. Nagpasalamat ako kasi hindi ganon kaloaded ang kadate ko para mabili ko yun kahapon. Pilit kong sinasabi sa isip ko na hindi ko pa kailangan yun.

Pagkatapos ng ilang oras na pag iikot ikot at pagpapaalipin ng kadate ko sa mga luho ko nong araw na yun eh naglakad lakad ako sa walking street. As usual daming iba't ibang uri ng tao lalo na at sabado. Dami ding mga iba't ibang performer. May mga dinedeadma lang ng mga tao at meron din namang pinagkakaguluhan. Tulad na lang nitong tinambayan ko ng isang oras.


Aliw na aliw ako sa kanila kasi talaga namang ang galing nila. Kulang na nga lang eh sabitan ko sila ng pinag dugsong dugsong na balat ng kendi na may nakasulat na "best in music". Lalo na at ang karamihan sa mga kanta nila eh mga kanta ng ABBA.

Wala na ako sa mood maghapunan kaya umuwi na lang ako nang maaga. At pagdating sa bahay eh sinubukan ko ang isa sa mga nabili ko sa BS. Nagbabad ako ng 30 mins sa tubig na may pinaghalo halong wasabi,algae at putik galing sa dead sea. Malay ko ba kung totoo yun..kahit na ilagay pa nilang may tae ng daga yung nabili ko na yun wala akong pakialam. Putsa pag ahon ko nakalimutan kong tadtad ako ng peklat at mga kamot na para lang mga uod na nakadikit sa katawan sa lembot ng balat ko.

Kahit na medyo nanghihina na ang kadate ko eh hindi sya pwedeng sumuko kasi may usapan kaming alipin ko sya buong weekend kaya may hanggang bukas pa!

Sarap kadate ng wallet talaga. Yung paminsan minsan eh parang uutuin mo ang sarili mo sa pagbili ng gusto para magkaroon ulit ng lakas para mag trabaho.

Kinabukasan.......

1pm na ako nakadating sa city kaya deretso na ako sa Intsik Resto na may dimsum para kumain ng lunch. As usual wallet ko lang ulit ang kadate ko. Binusog ko ulit ang mga bulate ko sa tyan ng spare ribs in bean curd sause,steamed beef balls (pinasingawang bayag ng baka) at chicken soup.

Naglakad lakad ako at nagkape sa starbaks. Sa kapehan eh don ko naka date si Bob Ong. Oo engot na kung engot pero ngayon ko lang nababasa ang mga sinulat nya. Papasko ni Kyin sa akin. Kasama ko sya habang nakahilata ako sa isa sa mga couch sa loob. Sa loob ng starbaks ko natapos ang ABNKKBSNPLAKo?! Don ko natuklasan na pareho ang pinag daanan namin ni Bob...(ay sya kompatibol na kayo)

After ng kape eh sumimba na ako.................

Pakatapos ng mass eh dumaan pa ulit ako sa tindahan ng kung ano ano at nakadampot ng tamod ng manok lotion at eyeliner..Hindi ako gumagamit nong lapis na yun pero ewan ko kanina parang trip kong gumamit non.

Natapos ang weekend na wallet ang kadate....Sarap!! Hindi ko na alam kung kailan ulit ang ulit nito! Bihira naman akong sumagad ng gastos kasi tuwing gagastos ako eh naiisip ko ang maraming tao ang naghihirap. Ako kasi ang klase ng tao na pag sobrang pagod lang saka inuuto ang sarili sa pag bili ng mga gusto para magkaroon ulit ng lakas para mag trabaho. Pag ganyan na ang kundisyon ko hindi ko na naiisip ang mga naghihirap. Taym pers muna! Wala naman sigurong masama as long na hindi ko nakakalimutan ang mga responsibilidad ko.(inuuto ang sarili para di makonsensya)




Thursday, March 12, 2009

what is sex?

Ders a kayn op hash
Ol ober de worl Tonayt...
Ol ober de worl

En nanananana en hapi en nays...

Sow lisen beri keyrpuli...
En nanana nanana nanana...
weneber weneber!

Pinipilit ko ng di maapektuhan ang utak ko ng pagod kaya naman panay ang kanta ko ng kantang yan mula kaninang umaga. Paulit ulit lang.... Bakit yan? Di ko din alam bigla na lang syang pumasok ng walang kadala dalang ticket sa utak ko. At ang laki pala ng tulong ng pagkanta kahit na wala sa ayos ang tune at lyrics ko, parang di pa sila nakakadalaw sa system ko kaya ligaw na ligaw ang makakadinig!

Salarin ang dakila kong mudra sa pagpipilit kong mabago ang attitude ko lately na nakakapagpa toxic ng araw ko.

p0kw4ng (12/03/2009 13.25.33): nay musta dyan?
mudra (12/03/2009 13.26.18): mabuti naman.Ikaw?

p0kw4ng (12/03/2009 13.26.35): ok lang din po...lagi pa ding busy...
mudra (12/03/2009 13.29.45): e di mabuti at nakikisabay ka sa kwaresma. penetensya..hehe

p0kw4ng (12/03/2009 13.30.26): oo nga po..mas mahaba nga lang ang akin at wala pang kwaresma eh nagpepenetensya na ako
mudra (12/03/2009 13.32.19): mas mabuti na ang mahirapan dito sa lupa kaysa sa kabilang buhay ka pa mahirapan. hehe.gospel yan ngayon.

Napaisip ako kahit na ingat na ingat akong gamitin ang isip ko nitong mga huling araw kasi konti na lang ang reserba ko. May tama ang mudra ko sa sinabi nya!

*pihit sa ibang channel*

Nagluluto pa ako ng lunch nong dumating ang dalawang litol supot galing sa school kahapon. Nagmamadaling pumasok ng kusina yung dalawa para magbigay pugay sa p0kw4ng. Inutusan kong maghugas muna ng kamay bago umupo sa lamesa. Sumunod naman ng walang angal. Pagkatapos eh bumalik sa akin si Tchiki at medyo nagpasakalye ng "Hmmm yummy" sa niluluto kong pasta w/ zucchini.

**Ang mga susunod na usapan eh inilipat ko na sa tagalog kasi hindi ko alam ang spelling ng mga pinagsasabi ko..(ows)

Tchiki: Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito?? (sabay nag form ng circle ang dalawang daliri sa left hand at nilabas pasok sa circle yung isang daliri sa right hand)

Ako: (Hindi nagpahalatang nagulat) Hindiiiii....Eh anong ibig sabihin nyan?
Tchiki: Eh di SEX!

Ako: (Kunyari non lang naabsorb yung sinabi) Huh..sino nagturo sayo nyan??
Tchiki: Si Sofie!! (parang nagmamalaki pa)....

Ako: Hey wag mo ng uulitin yan lalo na pag may ibang tao ha...masarap Masama yan!
Tchiki: Secret lang natin yun ha!

Ako ulit: Howki....Alam mo ba kung ano ang sex???
Tchiki: Hmm hindi! Eh ano ba ang ibig sabihin non?
Ako: (puta di pala alam may pasabi sabi pa akong wag ng ulitin yun) eh ano pa kundi sum ng 3+3 Tanong mo sa papa mo pagdating mamaya!

Wala pa akong kaalam alam sa ibig sabihin ng sex..INOSENTE AKO DYAN!!! ako sa pwesto para magpaliwanag sa kanya ng ganong kasarap kaselang bagay. Bahala na ang magulang nya don!

Pagdating ni yaya slash amo kong si Gregor sinabi ko na nagtatanong na ang anak nya kung ano ang sex. Hahaha at isa pang hahahaha....laglag ang panga nya sa gulat!

Eto si Otis bunso sa litol supot..si Sofie ang teacher ng iyutan sign na yun...at si Tchiki ang panganay sa litol supot.



Tuesday, March 10, 2009

Putik sa lubak ng mukha

Lumaki ako sa isang bayan na may isang simbahang katoliko at ilang simbahang iba ang religion...isang palengke...isang munisipyo na may gym...isang estasyon ng pulis at isang kampo ng sundalo...isang post opis...dalawang public elementary school at dalawang school para sa high school. Ilang parlor ng mga bakla...isang barber shop...Dalawang gasulinahan...Isang bahay sanglaan...Dalawang banko.Samakatuwid isang maliit lang na bayan.

Nag aral ako ng elementary sa isang public school. Walang choice kasi ang pinagkaiba lang nong dalawang elementary school sa amin non eh isang maliit at isang malaki. Syempre dahil sa anak ako ng meyor maarte ako kaya don ako sa malaki.

Maraming masaya...malungkot...nakakatakot...nakakatawang karanasan ang hindi makakalimutan. Dyan ako unang natutong magbasa..magsulat..magbilang..mangopya..mag iinarte. Dyan ako natutong tumakbo ng mabilis sa pagtago dahil lang sa may balitang may bombay daw na namumugot ng ulo ang nakapasok sa school namin. Ngayon ko naiisip..sino kayang walang hiya ang nagsimula nong balita na yun! Dyan din ako natae sa panty ng walang nakahalata. Syempre itinapon ko na yung panty ko at bumalik sa klasrum ng parang nagpapahangin lang ng pekpek. Nanalo din akong muse ng buong school nong grade 5 ako. Hindi ako nanalo dahil sa maganda...nanalo ako kasi pinangampanya ako ng nanay ko na kasalukuyang nagtuturo din doon noon.

Hindi ko din makakalimutan ang paglilinis ng bakuran ng school bago magsimula ang klase at ang subject na gardening. Don ko din nalaman na wala akong talent sa paghahalaman at sa kahit anong gulay. Pwera pala talong...yun lang ang kaisa isa kong nabubuhay ng walang hirap.

Ang tandang tanda ko nong elementary ako eh hanggang grade 3 lang ako nagsasapatos sa pagpasok. Hindi dahil sa wala akong sapatos non kundi sa nailab na ako sa murang edad sa sanilas. Nagsasapatos lang ako sa pagpasok pag sinabi ng teacher namin na "Bukas kailangang lahat eh naka sapatos dahil may dadating tayong mga bisita" . Ang bisitang sinasabi non eh mga supervisor at principal na galing sa ibang school.

Kaya naman talagang ang ganda ng paa ko non. Alagang spa. Pag mainit ang panahon eh namumuti ang sakong ko at paa dahil sa alikabok. At pag umuulan naman eh tuwang tuwa ako na ilublob ang paa ko sa mga lubak na nadadaanan kasi napupuno na sila ng tubig na may halong putik.

Marami pang mga karanasan na hindi ko makakalimutan na hindi ko maikwento ngayon kasi nakalimutan ko na!

At bakit ko naman naidaldal ito....dahil sa kanina naglakad kami ni Otis-tik sa kakahuyan papunta sa isang maliit na train museum na malapit dito sa amin. Inabutan kami ng ulan nong malapit na sa pupuntahan namin museum. Hindi naman kami masyadong nabasa kasi water proof to day!

Paglabas namin nong pauwi na eh napalundag ang mga suso ko sa tuwa. Sa loob ng maraming taong nagdaan eh nakakita na naman ako ng mga lubak na may tubig. Pero syempre dahil sa dalaga matured na dalagang ina sa nakasapatos ako kanina kaya hindi ko magawang ilublob ang aking mga paa. Feeling mudspa lang! Tsaka mababaw lang ang mga lubak na may tubig dito hindi tulad non sa bayan namin na talaga namang enjoy ang paa mo.

Tamang siyut siyut lang ang drama ko kanina kasi dala ko ang aking dildo.







Sunday, March 8, 2009

pers lab nibir days!

Hindi pa kulot ang bulbol ko ako tumutuntong ng labing walong taong gulang ng una kitang makilala. Napaka inosente ko pa non sa maraming bagay..kung baga sa gumamela hindi pa ako namumukadkad!

Tandang tanda ko yung mga panahong yun. Kasalukuyang nasa maynila ako nong una tayong magkakilala. Napaka ganda ng iyong mukha. Maraming tao ang humahanga..lalaki man o babae...matanda man o bata. Dumating ka sa buhay ko nong mga panahong pinag aaralan ko pa lang ang mga masasamang bisyo ang mga bagay na bago sa paningin at kinalakihan ko. Probinsyana ako at bago pa lang sa maynila. Hindi man ako dumating sa maynila na may dalang bayong na punong puno ng mga gulay ang loob eh masasabi ko pa ding madami pa akong mga dapat matutunan at malaman sa mundong iyong pinag simulan.

Simula nong dumating ka sa buhay ko lagi na kitang kasa kasama saan man ako magpunta. Komportable ako pag ikaw ang kapiling ko. Saan man ako makarating sa paglalayas basta kasama kita hinding hindi ko nararamdaman ang pagod kasi napakasarap mong kasama.

Matagal tagal din tayong nagkasama kahit na hindi boto sayo ang tatay ko. Pinaglaban kita kasi mahal na mahal kita at kahit na sabihin nilang lahat na hindi tayo bagay. Pero sa tagal ng panahon sumuko ka din. Hindi mo na kinaya. Nagkalayo tayo.

May mga dumating pa ulit na sunod..minahal ko din sila pero hindi gaya ng pagmamahal ko sayo. Lagi kong inaasam asam ang iyong pagbabalik. Umaasa na isang araw magsasanga ulit ang ating landas.

Dininig yata ni Fafa Jetut ang dasal ko dahil isang araw nakita ulit kita sa hindi inaasahang pagkakataon at lugar. Mas pomogi ka ngayon. Mas tumikas.

Nagkasama ulit tayo...naging masaya! Pakiramdam ko nga eh mas masaya ako ngayong kasama ka kesa dati. Mas tumindi yung pagmamahal kasi mas mahal ka na ngayon.

Simula nong nagkita tayo ulit eh ilang taon na din ang nagdaan. Iniisip ko tuloy hanggang kailan ka ulit sa buhay ko. Hindi ko alam kung sasaya pa ako sa iba pag nawala ka. Hindi ako komportable sa kanila kahit na pa mas gwapo sila sayo. Ikaw lang ang gusto ko at ang mahal ko. Ikaw ang gusto kong makasama kahit saan ako magpunta at makarating. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Pero alam nating dalawa na dadating ang araw na hindi na tayo bagay sa isa't isa.

O aking Chuck....................


Ako ang babaeng nabubuhay sa tsinelas o sandals na flat at sa sneakers lalo na sa Chuck. Hindi ako nag sasapatos ng pang gurlas. Hindi ako komportable..mag papaa na lang ako kung ganon lang din ang usapan. Pero may mga pambabae din namang sapatos na nagagandahan ako...yun nga lang hindi ako magaaksaya ng salapi para bilhin yun dahil alam ko na ang mangyayari...matatambak lang sa kung saan. Ang malaki kong problema eh papaano na pagtanda ko? Ang sagwa naman yata ng 70 years old na ako eh naka sneakers pa ako. Sabagay hindi naman nga pala ako babae. Tsuri nakalimot na naman ako!


Thursday, March 5, 2009

Plano sagip matris!

Maraming bagay o nangyayari dito sa mundo na minsan mahirap ipaliwanag. Walang makasagot sa mga katanungan kahit na ang pinakamatalinong tao. Sabi nga..ang hiwaga ng pagkakagawa ni Fafa Jetut sa mga bagay bagay!

Tulad ng mga simpleng tanong na unti unting nabuo sa kakapiranggot kong utak. Simple pero kahit anong hanap ko sa libro ni Lola Basyang at sa panyo ni Mang Kepweng ng kasagutan eh hindi ko makita.

Tulad nito:
* Bakit ang butas ng pwet wala namang talim o ngipin eh nakakaputol ng tae?
* Bakit hindi nababasag ang itlog sa gitna ng pwet at pekpek ng babae kahit na anong pukpok nito don?
* Bakit ang dila na parang walang lakas eh nakakapag paangat ng pwet?

Kung buhay pa siguro si Ka Ernie masasagot nya ito!

Sa sobrang pagod ng aking katawang lupa nitong mga huling araw eh wala akong magawa para sa sarili ko. Marami akong naiisip na isulat pero puro simula hindi ko alam kung saan magtatapos. Meron namang hindi ko alam kung saan ko sisimulan pero may nabuo na akong wakas. Tangna..pagod na nga ang mahumps kong katawan ko nakikisali pa ang utak ko pag iisip sa mga bagay bagay para sa aking buhay..para sa aming buhay na mag iina.

Alam kong pangit ang pag aalala ng kung anong mangyayari bukas kasi wala namang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa atin doon. Nakakapangit lang lalo ang mamroblema ng mga bagay na hindi mo pa alam kung mangyayari. Nitong mga huling araw ang dami kong plano sa buhay allien ko..nahohomesick na ako..wala na akong ginawa kundi gumawa ng plano A..plano B...hanggang plano Z na yata meron ako. Pero lalo lang akong natotoxic. Bakit di ko isipin na magpakasaya ako kung anong meron sa ngayon...Makontento..magpasalamat at pagkasyahin kung ano ang natatanggap sa ngayon... at saka na isipin ang bukas...Bahala na si Fafa Jetut don. Naisip ko din..kahit naman anong gawin nating plano kung hindi para sa atin yun eh hindi mangyayari yun. Sabi nga ng mga tambay sa kanto..pag may sinuksok..may bubukol!

"The plans of the mind belongs to mortals,but the answer of the tongue is from Fafa Jetut"

Nabasa ko habang tumatae ako kanina kaya medyo natauhan ako ng konti. Konti lang kasi kailangan ko pang ipa translate sa tagalog para maintindihan ko ng ayos!





Sunday, March 1, 2009

random condom

Matagal ko ng hindi ginagawa..ang matulog ng naka on pa ang lappie. Pero kagabi dahil sa miss ko na sya at nagbakasakali ako na mangangalabit sya ay iniwan kong naka bukas. Hindi ako nabigo. Tawanan at walang katapusang kwentuhan. Ang saya saya ko. Daig ko pa ang nanalo ng isang sakong burat.

Sa loob ng maraming buwang dumaan..matagal ko ng inaasam asam na makatabi ka ulit sa pagtulog. At kagabi hindi ako nabigo. Muli..nakita ko na naman ang nakangiting mga labi habang tulog na para lang nilalaro ng mga guardian angels ang iyong bayag. Ang pagtulo ng laway sa iyong mga pisngi. Ang paghihilik na naging taga pagpatulog ko na din sa aking sarili.

Napuyat ako pero hindi mababayaran ng kahit na sampung oras na tulog ang pagsasama natin kagabi! Salamat sayo Tadew!

Bago ako pumunta ng simbahan eh dumaan muna ako sa sterbaks para bumili ng pampagising ng diwa..hindi shabu kundi kape!

Ngayon ay pers linggo ng Lent.

May natutunan naman ako sa sermon ni padre kanina. Ang unang tanong ni Fafa Jetut sa baybol. At ito din daw ang ugat ng lahat ng tanong sa baybol.

"WeR nA U??"

Simpleng tanong pero ang sarap pagmuni munihan.

Wer na U kay Fafa Jetut?
Wer na U sa puso ng pamilya mo?
Wer na U sa mga kaibigan mo?
Wer na U sa mga kababayan mo?

At dyan na din susunod ang mga tanong na....

May silbi ka ba sa kanila?
Nakakatulong ka ba o nakakadagdag sa problema nila?

At mga kung ano ano pang tanong na susunod..hirap na kasing mag type!

Bago matapos ang misa kanina eh may winelkam si padre na grupo ng mga lalaki. Sila yung mga nag participate sa offertory. Kapansin pansin na bago sila don kasi halos magkakakilala na yata ang sumisimba don tuwing sunday. Mga seaman daw. Ang Hamburg Seaport kasi ang pinakamalaki sa buong bansa ni Hitler. Hindi naman na bago sa atin na isa ang Pinas sa may pinakamalaking bilang ng mga seaman. At sa minuto din na yun nalaman ko sa katabi ko na kung bakit sila nandon. "Matitigil daw yung barko nila dito ng isang taon kaya gusto nilang maki join sa phil community"...Hindi naman masyadong updated si manang. Tapos sabay sabi na..."Hay may mga tahanan na namang mawawasak!"

Bakit kaya? May mga dala ba kaya silang hammer o drills o kaya eh grappels? Hmm pero baka dahil sa pinoy sila eh mga burat lang na matilos ang dala nilang pangwasak ng tahanan. Iba talaga ang pinoy!! asteg!! (opss di ko nilalahat)

Oo na..alam kong sasabihin nyo na hindi lang sa lalaki yun..sasabihin ng iba dyan nasa babae din yun. Para lang yan yung tanong na alin ang mas nauna...itlog o manok??