Thursday, July 30, 2009

pagsusukat ng kargada

Bago pa ako tuluyang mawalan ng katas dito sa bahay ng aking yaya slash amo eh pumunta ako sa city kahapon. Wala lang...wala naman talaga akong balak mamasyal o mag ikot o manlalaki o magpa pick up o kahit na ano pang kabaklaan. Gusto ko lang makitulog sa bahay ng friendship ko. Para maiba naman ang nakikita ko bukod sa aking sarili. Para maiba naman ang mahapunan ko...at hindi nga ako nabigo. Ang ulam namin ay dyaraaaaaaan! Nilagang baka na may mais! Masarap pa sa burat na binabad sa suka!

Pagsakay ko sa train kahapon papunta ng city eh don ako napwesto sa unang hilera ng mga upuan after ng pinto. Wala akong choice kundi tumabi don sa lalaki kasi yun lang ang available. Pag upong pag upo ko eh may biglang parang kung anong nahulog sa likuran ko. Yun palang kapapasok lang na lasing na lalaki na may kasamang aso. Nahulog yung mga dala nyang canvass na wala pang laman. Sakto namang umalis yung isang babae don sa kabilang hanay ng upuan. Sa kagustuhan kung mapag isa sa upuan eh dali dali akong lumipat sa pwesto nong umalis na babae bago pa ako maunahan nong lasing na kapapasok lang na kasalukuyang pinupulot pang isa isa yung mga nahulog na canvass.

Shet na malagkit...sarap ng upo ko solong solo!

Kung bakit sa ako lang yata ang swerte ng araw na yun eh sa akin tumabi yung lalaking lasing na madumi ang damit...as in nanggigitata! Eh syempre ako eh amoy tide pa at kagagaling ko lang sa once a year kung paliligo kahapon. Don sya talaga naupo sa tabi ko at nilagay nya yung mga canvass nya sa upuan sa harap namin at yung plastic bag nya na lumang luma na naglalaman ng tinapay..jacket at kung ano anong anik anik para sa kanyang mahal na aso. At pagkaupo nong lasing eh saka lang parang narelax yung aso nya na humiga sa sahig. At saan nahiga ang hitad na aso??? Don lang naman nagsumiksik sa paa ko. Shet na shet talaga!

Wala pang isang minuto eh parang ng itinumbang saging ang hitad na lalaki...naghihilik na ulit sa kalasingan. Buti na lang at sa kabilang side pumaling ang katawan nya...Hmpp walang choice..dapat sa akin!

Don lang din nagsumiksik sa utak ko na hindi tulad ng inaasahan kong amoy ang maamoy ko. Mabango sya meyn! Kahit na naglilimahid yung suot nya eh mabango sya. Alam mo yung amoy na naghalo yung pabango at alak. Yun shetness ulit...parang ang sarap nyang gahasain don mismo sa liwanag ng araw sa gitna ng umaandar na train!

Habang katabi ko sya at umaandar ang train eh umaandar din ang tigang kung utak. Pero hindi sa kalaswaan. Oo na aaminin ko may kaunting kalaswaan. Tulad lang naman ng tuli kaya sya? Mapula ba ang betlog nya kasi medyo mapula kutis nya eh! Sabi kasi nila kung ano daw ang itsura ng siko ng lalaki eh ganon din daw ang itsura ng bayag nila. Totoo kaya yun?

Change the topic na bago ko pa maibulalas dito ng todo kung ano yung kaunting kalaswaan na yun.

Dito sa EU eh hindi pinagbabawal ang pagdadala ng alak sa mga pampublikong sasakyan. Kahit na maginuman pa kayo sa train o sa bus. Kahit na di ka na makalakad sa kalasingan pero may dala ka pa ding alak at tuloy pa din ang inum mo eh walang sasaway sayo kahit police pangkalawakan. Kahit na umupo lang kayo sa isang tabi ng tropa mo at don kayo maginuman eh walang sasaway sayo as long na di kayo nanggugulo ng ibang tao o walang magrereklamo sa inyo. At dito hindi nakakatakot ang lasing kasi karamihan sa kanila eh hindi basag ulo o bastos. Meron din sigurong konti pero maitatawag mo agad ng pulis. Makukulit lang yung iba..yung tipong kakausapin ka,pero hindi sila yung makulit na bastos. Kaya dito hindi nakakatakot ang mga lasing.

Naisip ko nga minsan..hindi pwede sa pinas itong freedom sa alak na ito. Eh wala pa ngang inum ang mga tao minsan sa pampublikong sasakyan eh maangas na eh di lalo na kung barek.

Meron din ditong mga parang pulubi o yung mga nakatira lang o natutulog sa mga gilid ng daan at laging mga lasing. Mga harmless naman sila. Lagi lang magkakwentuhan ng mga kapwa din lasing. Karamihan sa kanila eh may alagang aso ng tulad ng lasing na nakatabi ko. At hahanga ka sa mga aso nila...talagang makikita mong binabantayan sila. Kaibigang maasahan talaga. Man's besfriend daw sabi nong kapitbahay namin ang mga aso...siguro nga!

Ang tyaga mo..natapos mong basahin ang kwento kong di ko alam hanggang ngayon kung saan magtatapos! Ang price ko sayo eh pwede mong i kiss yang pekpekytur sa taas.


Bakit????

Hayop ka..napakahayop mo talagang hayop ka. Galit ako sayo!! Di ko alam kung anong iisipin ko basta ang alam ko gusto kitang murahin..Di ko alam kung anong pinagdaanan mo bago mo inilabas ang anak mo. Pero ang daming tanong sa utak ko. Bakit di mo sya magawang mahalin? Dahil ba sa iba ang kulay nya kesa sayo?? Insecure ka?? Ginahasa ka lang ba kaya ka nagbuntis?? Di mo ba alam na sobrang nakakaawa ng anak mo kasi kahit na gatas mo ay pinagkakait mo. Ang pagmamahal...kalinga at pag gabay na dapat nyang nararanasan galing sayo ay ipinagkait mo...

CUT!!!

Tanong ko lang yan sa mudrang camel sa documentary na napanood ko kagabi. Maganda sya. Di ko inaakala na ang hayop pala ay may mga drama ekek din. Marunong din sila nong hindi pagtanggap sa anak na mga emote. Panoorin nyo yung "The Story of the Weeping Camel"

Ang hirap din pala ng bakasyon na walang magawa. Kakainip. Lahat maiisip mo..lahat poproblemahin mo kasi wala ka ng mapag kaisipan. May mga bagay ka na madidiskobre kasi ngayon mo lang napagtuunan ng pansin.

Nalaman ko na masarap palang palaman ang minatamis na luya. Di ko alam kung bagong labas ito pero ngayon ko lang napansin sa jam section ng supermarket.

Ang mga langgam pala ay may pagka masekreto. Sa ilang araw kong pagmamasid sa kanila eh hindi ko pa sila nakikitang nakikipag sex sa kapwa langgam..saan kaya nila ginagawa yun??

Ang sarap palang maglinis ng bahay pag walang kalat.

Dumidikit pala ang daliri sa freezer...pati na din basahan!

Pag paulit ulit pala ang pagkain nakakasawa din. Cereal sa umaga...cereal sa tanghali at cereal sa gabi. Repeat kinabukasan!

Umuutot din pala ang pekpek. lalo na pag ano ang ano nyo..

Nakakapanis pala talaga ng laway yung hindi pagsasalita maghapon.

At bago pa ako tuluyang makapag sulat ng mga walang kwenta eh share ko lang itong nahimas ng aking dildo sa syudad nong matagal ng panahon..aktuli nong winter.

Ito ang St. Nicolai Church. Ito ay tinatawag nilang Hamburg mother church. Aktuli simbahan ito ng protestant. Para sa di pa nakakaalam eh majority ng tao dito ay protestant. Ang simbahang ito ay itinayo pa noong 12th century at naging biktima sya ng dalawang Hamburg's catastrophes. Una ay noong nadaanan at syempre pa nasunog ng great fire na tumagal ng 79 hours nong 1842 at napasabog din sya noong WW2...Pang 3rd sa pinakamataas na spire sa buong Germany na may sukat na 148 meters.................to be continued sa kikipedia kasi nitatamad na akong mag kwento!



Monday, July 27, 2009

Halukay ukay

Isa sa mga usong uso ngayong summer dito sa lugar ng mga supot na sausage eh ang Flea Market...sa tagalog eh ukay ukay. Tuwing weekend eh hindi nawawalan ng lugar na may ukay ukay dito ngayon sa Hamburg.

Kaya naman nong linggo eh naisipan kong sumama kay Rizza sa isang place na may ukay ukay. Di naman sya masyadong adik sa ukay..kaya nga may listahan na sya ng mga lugar at petsa buong summer kung saan may halukayan ng bituka.

May iba't ibang klase din ng mga nagtitinda sa Flea Market.

Yung mga mag aantik. Syempre doon mo makikita yung mga talagang lumang mga kagamitan o mga alahas na gusto pang pagkakitaan. Pasensya na po pero hindi mo maibebenta dyan ang mga lumang asawa..matagal ng anak...matandang lolo at lola at ang lumang biyenan.

Yung mga talagang nag nenegosyo ng mga lumang gamit o damit. Ito yung mga everyweek na talagang nasa iba't ibang lugar para magbenta ng mga lumang gamit o damit na hindi mo alam kung saan saan nila pinagkukuha. Yung iba siguro eh sa agaw sunog o kaya naman eh talagang mga pinulot na sa mga basurahan o kaya eh binili din nila sa murang mura para ibenta ulit. Ayaw kong magisip ng masama pero minsan iisipin mo din na baka sa nakaw lang din galing...Peksman di ako nag iisip ng masama,hihihi..

Yung mga individual na talaga naman yatang sobrang dami na ang dapat nilang itapong gamit sa bahay o kaya naman eh mga pinaglumaan at wala ng pag lagyan sa bahay. Kesa naman sa basta itapon eh atleast mapapagkakitaan pa nila. Dito makakita ka ng mukhang sosyal..mga teenager..matatanda..binata o dalaga...mag dyowa..mukhang mayaman.

Yung mga batang wala lang magawa at sa murang edad eh gusto ng kumita sa mga pinaglumaan nilang mga damit,laruan at mga libro. Dito natutuwa din ako kasi talagang sinusuportahan sila ng peyrint nila. Sana lang sa alkansya napupunta ang kita at hindi sa bulsa ni mudra.

Maaliw ka din sa mga makikita mong paninda. Merong mga sikat at mamahalin ang brand...aktuli marami ang branded. Meron namang don mo lang makikilala yung tatak na yun...yung mag iisip ka na meron pala non?? May mga bago pa..merong slightly used...mga luma at meron namang talagang lumang lumang luma na. Mula sa damit..sapatos..tsinelas..bag..belt..libro..laruan..makeup...kung ano anong kaartehan sa katawan...mga gamit sa bahay..at OO may nagtitinda din ng mga second hand na mga panty at bra.

Merong mukhang mamahalin pero mura lang ang ipepresyo. Meron namang yung tipong kahit ibigay sayo eh di mo tatanggapin pero pepresyuhan ng tindera ng mahal. Meron namang halos ipamigay na ang presyo kasi sobrang mura.

Nakakaaliw at sa sobrang aliw ko eh nakadami ako! Tuwing pupunta ako sa Ukayan eh yung dalawang baklita kong kapatid sa pinas ang nasa isip ko. Hindi sa tinitipid ko sila...pero parang ganon na nga. Hindi naman kasi sila mapili at hindi mahirap bilhan hindi tulad ng inutil at napakawalang kwenta kong sarili na ubod at nuknukan ng arte pero baluga at pangit naman na bihirang magsuot ng galing sa ukay. Atleast may bihira...kasi nagsusuot ako pag pantalon na galing ukay.

Imagine yung dalawang pantalon ng Esprit,isang pullover na Esprit din at tatlong shirt na cool ang mga tatak eh binigay lang sa akin ng €10. Yung pants ng D&G eh €3..Diesel na bag eh €1..shoes ng Nike na pambabae kasi pengk ang kulay ng check eh €3 lang din..Levis na 501 eh €3-5...Hugo Boss na pants eh €5...Diesel na pants eh €2 at marami pang iba na talaga namang nakakaloka ang presyo.

Ang style ko sa pagiikot sa Ukayan eh tinitingnan ko muna ang itsura ng nagtitinda kung mukhang cool at siguradong magaganda ang tatak ng mga gamit na binebenta non...

Oo naniniwala ako sa don't judge the book by its cover..pero minsan pwede ding hindi ka maniwala!

Sowee naman at walang pekpektyur kasi umiral ang katamaran ko sa pagiging maniniyot. Paandarin nyo na lang muna ang inyong imagination tulad ng ginagawa nyo habang nagbabatibot.


Thursday, July 23, 2009

paghahanap ng langgam

Tanghali na akong nagising kahapon ng umaga. Magaan ang katawan..nangangati ang pekpek paa. Maganda ang panahon...sumikat at parang naglulumandi ang araw na parang nagpapahiwatig ng lakwatsa.

Tanghali na ng naisipan kong tanggalin ang bakas ng kahapon sa aking katawan. Pagkatapos kung magkunwaring naghugas ng pekpek eh dali dali akong lumabas ng kweba dala ang kaunting barya sa bulsa at ang aking dildo camera.

Walang eksaktong destinasyon. Walang plano. Bahala na kung saan dalhin ng makakating paa. Nakita ko na lang ang aking katawang tigang sa burat lupa sa harap ng train station papunta sa syudad ng Hamburg.

Malakas ang loob ko kasi kasya ang barya ko sa pamasahe at pangkape. Pagdating sa syudad eh bumili ng Frapuccino sa isang kapehan at tumambay sa may hagdanang bato sa gilid ng kanal. Naaliw ako sa mga taong tulad ko din eh nagpapalipas ng oras...sa mga naglulumanding pato na naghihintay ng pagkain na iaabot sa kanila.




Nong napagod ako sa pagupo pagkatapos ng mahigit na isang oras eh naglakad ulit ako ng naglakad at sumakay ng train hanggang sa nakarating sa may seaport. Sumunod sa agos ng mga turistang gustong sumakay ng ferry para malibot ang buong harbor ng Hamburg.

Try nyo to ang saya. Mag feeling turista...syempre dapat may dala ka ding mapa kahit na alam na alam mo na yung lugar na yun. Magtanong tanong na parang di alam ang pupuntahan. Magkunyaring di sila naiintindihan...eh dito di ko na kailangang magkunyari kasi engot talaga ako sa deutsch.

Bumaba din ako sa Dockland Station para umakyat sa slanted na building. Yun lang ang tawag ko kasi di ko alam ang pangalan ng building na yun.



At eto ang view sa taas...sabagay kahit nasa baba ka makikita mo din yang mga yan,hehehe!




Nang mapagod na akong magtanga tangahan sa taas eh sumakay ulit ako ng ferry para maikot ko lahat ng station nya. Kahit maghapon ka sa ferry okay lang..pabalik balik lang naman yun. As long na may ticket ka pala okay lang. Kung mga tulad kong walang legal na papel dito eh kailangan talaga laging isecure ang ticket sa public transport at baka mag welcome pinas ang drama mo.


Mga 7pm na nong halos murahin na ako ng aking mga paa at katawan sa pagod kaya umuwi na ako. Nagpasundo na lang ako sa train station at wala na akong lakas maglakad.

Sa mga naguguluhan. Ang bahay ng aking yaya slash amo eh nasa gitna ng kakahuyan kaya naman hinahatid at sundo ako papunta sa train station na pupunta ng city. Pero pag maganda ang panahon at sinisipag ako eh naglalakad ako ng 25 mins sa gitna ng mga nagtataasang punong kahoy. Kaya kung may balak kayong gahasain ako eh magandang spot yun. Sarap yun!

Tuesday, July 21, 2009

summer bakasyon!

Kahapon ay nagsimula na ang aking 6 weeks na bakasyon. Oo anim na linggo. Ang sarap na sanang iuwi sa pinas yun. Marami na sana akong mapupuntahan non. At sana din marami ng bonding time ang magagawa namin ng mga junakis ko at ng mudra kong kinakarir na ngayon ang pagbababoy.

Maraming sana. Magagawa ko sanang lahat yan kung may papel na sana ako dito sa Yuropa. Eh kaso wala kaya gumawa na lang ako ng listahan ng pwede kong pag kaabalahan sa anim na linggo na yan.

1- Mangolekta ng mga uod na makikita sa daan.
2- Bilangin ang mga langgam at pagsama samahin ang mga lalaki at ihiwalay ang mga babae.
3- Bilangin ng ngipin ng taong makakatabi ko sa train.
4- Turuan yung aso nong kapitbahay na tumayo sa pamamagitan ng isang paa.
5- Subukang gawing ginto ang raisins.
6- I-Cultivate yung tagihawat sa palibot ng bibig ko.
7- Maglaro ng Russian Roulette.
8- Magbilang ng mga natutuyung dahon sa paligid.
9- Bilangin ang skin pores ko sa buong katawan.
10- Hulaan kung gaano kahaba ang burat ng makakasalubong at pakiusapan ang hinulaan na ipakita para malamang tama ang hula...katuwa siguro ito,hihihi

Yan ay ilan lamang sa mga binabalak ko...hayaan nyo ia update ko lagi kayo kung sakaling gagawin..ginagawa o nagawa ko na ang mga bagay na yan.

Una ko na ng ginawa kahapon eh ang pag punta sa Gyno para sa akin taunang check up. Syempre kinakailangan lang siguro yan sa isang may libog babaeng tulad ko. Kailangang icheck para makasiguro na walang naiwang singsing o buhok sa loob ng matris ko. At dahil sa paiba iba ako ng lugar eh paiba iba din ang Gyno ko. At dahil din sa wala akong papel na lagi ding private ang Gyno ko...kung sino ang gyno ng amo ko yun din ang akin..Oo na may pagkasosyal ang pekpek ko.

At dahil sa lalaki ang gyno ng amo ko ngayon eh napilitan din ako sa lalaking gyno. Pers taym ko. Oo na hindi ko perstaym bumukaka sa lalaki pero naman..iba kaya yung bubukaka ka sa dilim kesa don sa para kang indangered species na sinusuri ang pekpek sa pagkaliwanag liwanag na kwarto. Am nerbyus..Gawd!

Oo na matanda na sya..pero lalaki pa din. Puta para akong beergin!

Sa sobrang nerbyus ko eh parang tanga lang yung naging tanong ko. Sinenyasan kasi ako nong doctor na pumunta don sa isang sulok para hubadin ang pangbaba ko..naka pantalon syempre akong pumasok ng kwarto. At ang pang Miss Universe- Engot kong tanong ay ito.............Huhubadin ko po ba pati panty ko?

Putang inang katangahan yan...ano bang gagawin ko don? Baka feeling ko nong time na yun eh mag huhulaan kami ng doctor kung pekpek ba o burat ang nasa likod ng panty na yun!!!

Wala naman..natawa lang yung matandang babae na assistant nya at hinimas himas ako sa mukha na parang sinabi na wala yan...mas magagandang pekpek pa ang nakita nya dati okay lang yan!



Thursday, July 16, 2009

ignorante

Summer na naman...

Napakakulay ng paligid. Namumukadkad ang mga bulaklak para lang pekpek na sabik. Maraming dahon ang mga puno. Masayang tingnan...maraming tao sa labas ng bahay. Maraming namamasyal...marami kang makikitang mga batang naglalaro sa labas ng bakuran. Marami ka na ding makikitang mga nagpipiknik at nagiihaw sa mga park. Dito sa kinalalagyan ko eh panahon na din ng mga pagbibilad ng mga katawan sa init ng araw. Mga halos nakahubad na...kaya ito na din ang panahon na tuwang tuwang ang maraming pinoy sa pamamasyal sa park..hindi upang magpiknik kundi mag sightseeing.

Nong isang linggo pa itinayo sa bakuran ng yaya slash amo ko ang napakalaking trampoline. Kaya naman tuwang tuwa na din ako. Kunyari ang alaga kong si Otis ang gustong gustong maglaro don. Ang sarap maglulundag habang ang suso ko eh sumasabay sa bawat lukso ko.

Naalala ko pa nong bata pa ako at wala pang bulbol sa kilikili. Wala kaming kama na pwedeng lundag lundagan kasi banig lang at papag meron kami. Naalala ko kung papaano namin pagdidikit dikitin ang mga unan at doon maglulukso. Pero wala pang ilang minuto eh matitigil na din kasi mapapagalitan na ni nanay at dinudumihan daw namin ang unan.

Siguro nga back subject ko yung mga paglalaro. Wala akong manika non kundi yung manikang papel na kami lang din mismo ang nagdrawing at mga papel din ang mga damit. Nong time na yun masayang masaya na kami...wala pa kasing mapapagkumparahan.

Pag dinadala ko si Otis sa playground dito sa Butterfly Farm eh nakikiagaw din ako sa swing. Eh bakit ba..ang sarap kaya! Lalo na pag nililipad lipad ng hangin yung buhok ko na para lang model ng gugo shampoo. Nong bata pa kami..may swing din don sa plaza ng bayan namin. May slide din don. Naalala ko pa kung papaano ako hangang hanga sa landscape non noon. Pero never akong nakapag laro non don. Eh kasi naman...may bakod yun at laging nakakandado. Ayaw ni Mayor ipagamit o papasukan at baka masira. Pang display lang pala yun..para lang figurin.

Kahit sa probinsya ako lumaki hindi masyadong naging makulay ang buhay bata ko sa paglalaro. Wala naman din kasi kaming kapitbahay na pwedeng kalaruin ng patentero..luksong tinik at tagu taguan sa gabi. Sa school hindi din ako naging active sa mga laro at sa mga sports. Ang boriiiiiiiing ng buhay ko non. Feeling ko kasi isa akong galing sa mga dugong bughaw ng lahi ng mga mangyan na hindi pwedeng mapawisan at hindi pwedeng masaktan. Ako eh isang batang mahinhin sa maikling salita.

Pero sadyang mapagbiro ang tadhana dahil ang isang batang mahinhin noon eh naging isang babaeng mahihindutin na ngayon!

Pwera biro.....ang sarap pala talagang tumalon sa trampoline!

Hindi nga...hindi biro yun!

Hindi nga sabi biro yun..............try mo..ang sarap!

Hindi naman ako ignorante...tanga at sabik lang sa paglalaro! ahahahaha

Sunday, July 12, 2009

Masarap na bawal...

Sabi nga nila....masarap ang bawal. Bakit nga ba?

Unang kita ko pa lang sayo alam kong may nag mamay ari na sa'yo....
Pero di ko pa din napigilan ang naramdaman....
Sabi ko sa sarili ko susubukan lang kita....
Pero nong natikman kita..puta di ko mapigilan ang umisa pa...
Masaya ako sa piling mo kahit hindi kita pag aari...
Siguro dahil sa sabik ako sa isang tulad mo....
Napapasaya mo ako kaya hindi ko mapigilan ang alam kong bawal na pagkahumaling sayo...

Hanggang kailan? Hanggang saan??
Hanggang kailan ko dudugasin at patagong kakainin ang Pringles ng amo ko...
Puta talaga..once you pop you cant stop hanggang labasan nga talaga!
At dahil sa bawal sa akin ang maalat...tiis ako ngayon sa nararamdaman!


8-------------------------------->
Hindi mahabang burat yang nasa taas ha!


Di pa din ayos ang lappy ko kaya di pa ako makapaglandi sa mga blog nyo....Sensya na po!

At isa pa....hindi tula yan...di pa din ako marunong gumawa ng tula!

Monday, July 6, 2009

Nawawalang kaligayahan

Minsan sa buhay ng isang tao kailangang ding maghinay hinay sa kung ano man ang ginagawa o pinagkakaabalahan. Kailangang magpahinga kahit na ito ay nakakapagpasaya sa buhay natin. Kailangan sigurong gawin yun para mabigyan ng puwang ang ibang bagay at makapag nilay nilay sa buhay.

Ang lahat ng bagay ay may dahilan kaya nangyayari..maliit man o malaki...lahat may rason. At kung ano ang rason...sa huli na natin ito narerealize.

STOPPPPPPPPPPP!

Ito lang talaga ang gusto kong sabihin........

Dahil sa kakapanood ko sa iyottube di ko malamang kadahilanan ay pinasok ng malaking burat malakas na virus ang laptop ko. Sus walang nagawa ang nagmamaganda at napakahinang anti virus ko. Sa ngayon eh kasalukuyan syang nagpapahinga sa kadahilanang daig nya pa ang ginahasa ng mga sundalong hapon..di ko mapakinabangan ang gaga.

At yan ang dahilan mga kafatiran kung bakit nanahimik at mananahimik pa ako sa mga susunod na araw. Wala pa akong makitang gagawa sa hitad kong laptop.

Papaano na ang kaligayahan kong pansamantalang mawawala? Papaano na ang mga araw sa piling ng mga palabas sa telebisyon sa pinas?? Papaano na ang mga gabi kung wala ang iyottube utube?